Kabanata 16

562 29 5
                                    

Kabanata 16

Gusto niyang pag-usapan ang tungkol sa aming dalawa.

Dapat na ba akong matuwa? Diba ito naman ang gusto ko. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko kung sakaling buksan ni Eli ang usapang ganito.

"M-meron ba tayong dapat pagusapan?" Tanong ko sa kanya. Why am i shuttering?

He eyed to me, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Nakakunot ang noo niya at nakataas ang kilay habang titig na titig sa akin. Samantalang ako, hindi makatingin sa kanya ng deretcho.

Pwede bang tumakas?

Alam kong handa na akong pagusapan yung nakaraan pero bakit parang biglang nagbago yung isip ko at pakiramdam ko ay hindi ako ready.

Feeling ko, kung sakaling pagusapan namin ang nakaraan, yung mga ibabato niyang mga tanong ay hindi ko masagot.

Ewan ko.... basta bigla na lang ako hindi naging ready kahit ready naman na talaga ako.

"Sophia?" Nabalik ako sa wisyo ng may tumawag sa pangalan ko, napalingon ako dito.

"Sir Lance!" Bati ko agad dito. Napatayo pa ako para galangin ito kahit halos magkasing edad lang kami.

"Ito ba yung sinasabi mo na may lakad ka?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.

Napatingin siya sa kasama ko kaya pati ako napatingin din. Masama ang tingin at halos magdikit na ang mga kilay nitong nakatingin kay Sir Lance.

"Sir Lance, si Eli Salvador uh...." ano ba dapat iduktong ko? Kaylangan pa ba non?

"Eli, Si Sir Lance Alvendia, siya yung may ari and boss sa pinagtatrabahuan ko." Sabi ko sa kanya.

Inilahad ni Sir Lance ang kamay niya sa harap ni Eli.

Napatingin ako sa kanya ng tumayo ito at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Sir Lance.

"Nice to meet you." Bati ni Sir Lance. Ginawaran lang ni Eli ng ngisi bilang tugon.

Tumingin ako sa kanilang pareho, pareho silang seryoso na nakatingin lang sa isa't isa.

It' feels like anytime magkakaroon ng away. Pero imahinasyon ko lang siguro iyon dahil wala naman silang dapat pag-awayan.

"Sir Lance, sumabay ka na sa amin kumain." Pag-aaya ko sa kanya. Dahil nakakahiya naman kung nagkita kami tapos hindi ko aayain kumain.

Pero ang totoo, gusto ko lang mabawasan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Parehong nakakatakot ang tingin nila sa isa't isa.

"No." Madiing sabi ni Eli, kaya napalingon ako sa kanya.

"Uuwi na tayo." Seryosong sabi niya. Naglapag siya ng tatlong libo bago naunang maglakad.

Nagmamadaling kinuha ko ang bag ko at nagpaalam kay Sir Lance bago sumunod kay Eli.

Anong problema niya?

Siya ang nag-aya kanina tapos iiwan niya lang ako doon?

"Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot.

Tahimik lang siya hanggang sa makauwi kami.

Pinatay niya ang makina ng kotse niya bago bumaba at pagalit na isinara ang pintuan ng kotse niya.

"Sirain mo na lang kaya itong kotse mo!" Sabi ko sa sarili ko.

Padabog din akong bumaba ng sasakyan niya. Bahala siya diyan. Kung ano man yang problema niya, wag niya akong idamay.

Living At My Ex House [COMPLETED]Where stories live. Discover now