Kabanata 12

585 28 7
                                    

Kabanata 12

Girlfriend? As in yung magjowa sila? Akala ko ba walang girlfriend si Eli? Kahit ilang linggo palang ang nakakalipas simula nung nakitira ako dito sa bahay ni Eli, wala naman siyang nababangit na pangalang Zacia.

Pero dahil sa sinabi niya na ako daw yung babaeng nakabasag nung vase, ibig sabihin siya ba yung girl na nakadikit kay Eli nung may pool party sila?

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. She has this beautiful long straight brown hair, slim, a perfect full lips, light skin and tall that is really suit her yellow sundress.

Ganto na ba mga tipo ni Eli? Kung ganito lang wala na akong patama. Talo na agad ako.

“Can I stay here for a while? I’ll just wait for Eli to come here.” Sabi niya at nilagpasan ako para pumasok sa loob ng bahay ni Eli. Huminto siya at tinignan ako.

“By the way, are you one of his maid?” sasagot na sana ako ng dinuktungan niya yung sinabi niya. “Can you get me please a one cup of juice? I prefer pineapple juice. Thank you.” Pagkatapos non ay tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay.

“Hai, Babe!” Bati ni Zacia ng makita si Eli na kakapasok lang sa loob ng bahay.

Umuwi ba talaga si Eli dahil sa babae na ito? Mukhang hindi pa nga yata siya tuluyang nakakapasok sa opisina lumiko na agad siya pauwi. Sobrang miss ba nila ang isa’t isa?

Hindi ko na lang pinansin ang pagdating ni Eli, bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin.

Pumunta akong kusina para kunin ang ipinapautos nung Zacia ba yong pangalan? Bahala na kung sino man siya.

Inilapag ko agad ang pineapple juice sa lamesa sa harap nila. Tinalikuran ko sila ng hindi pinapansin. Gawin nila kung ano ang gusto nilang gawin dahil aalis naman ako para maghanap ng malilipatan.

"Where are you going?" Eli asked, nakita niya siguro ako na kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas ng bahay niya.

Hinarap ko siya at naabutan kong nakahilig ang ulo nung babae kay Eli. Napairap ako dahil sa ayos nilang dalawa.

"Maghahanap ng malilipatan." Sabi ko sa kanya.

"I'll help you to find one." Sabi ni Eli, ikinakunot ko naman ng noo dahil gusto niya akong samahan. Parang kanina lang nagagalit siya kasi maghahanap ako ng malilipatan tapos ngayon siya na ang nag-insist.

Medyo natawa ako ng biglang tumayo si Eli kaya muntik ng sumubsob yung Zacia sa sofa. Buti nga sayo.

"Babe!" Maktol nung babae.

"Kaya na niyang maghanap magisa, stay with me, please... ang tagal na natin hindi nagkikita." Sabi nung Zacia, hinawakan niya ang braso ni Eli, pero agad din naman nabitawan ng umalis si Eli sa tabi niya.

"Let's go." Sabi niya sa akin. Hinatak niya ako palabas ng bahay niya, iniwang mag-isa si Zacia.

"Kaya kong maghanap magisa, samahan mo  na yung babae mo sa loob!" Sabi ko sa kanya. Hinatak ko yung kamay ko para mabitawan niya.

"No! Pareho tayong aalis at maghahanap ng malilipatan mo." Seryosong sabi niya.

"How about your girl waiting inside your house? No one will accompany her kung sasamahan mo ako. Mas mabuti pang siya na lang ang samahan mo." Sabi ko rito. Pero mukhang wala siyang pakielam dahil nauna pa siyang lumabas sa akin.

Pumunta siya kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.

"Sakay." Sabi niya. Nauna na siyang sumakay. Padabog niyang isinarado ang pintuan ng kotse niya.

Living At My Ex House [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon