Kabanata 11

1.4K 52 33
                                    

Kabanata 11

Kahit anong sabi ko sa kanya na wag na niya akong ihatid o sunduin ay hindi siya nakikinig.

Magugulat na lang ako nandiyan na siya sa tapat ng Alvendia Corporaton, inaantay ako.

"Sabi ko sayo wag mo na akong sunduin diba?" Sabi ko sa kanya ng makarating ako kung nasaan siya.

Naka white longsleeve siya na tinupi hanggang siko at nakasuksok ang isang kamay sa bulsa habang ang isa ay hawak ang cellphone at may kausap.

"I'll call you later." Sabi niya ng makita akong papalapit sa kanya.

"Hi." Bati niya.

Tipid akong ngumiti sa kanya. Pagod ako ngayon dahil sa dami ng pinagawa sa amin.

Pagkasakay namin sa sasakyan niya ay kinausap niya agad ako.

"Are you okay?" He asked me.

"Yes." Sabi ko sa kanya at inihilig ang ulo sa may sandalan at ipinikit ang mga mata.

"Are you sure?" He asked again.

"Yes. Pagod lang talaga ako ngayon." I said.

Di ko namalayan na nakatulog pala ako habang pauwi kami. Naramdaman ko na lang na may nagbubuhat sa akin.

Ibinaba niya ako sa kama at kinumutan. Lumalim ang isang side ng kama nung umupo siya.

Gising na ang diwa ko pero nakapikit parin ako.

Nagulat ako ng sinuklay niya ang buhok ko.

"Why did you left me?" Tanong niya habang sinusuklay niya parin ang buhok ko.

Hindi ko minumulat ang mga mata ko dahil hindi pa talaga ako handang sabihin sa kanya ang totoo.

"Why did you left me without any reasons?" Sabi niya. Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya bago siya lumapit sa akin para halikan ang noo ko before saying goodnight.

Nang naramdaman ko na siyang lumabas saka ko lang idinilat ang mga mata ko.

Tinignan ko ang pintuang nilabasan niya.

"I'm sorry." I said. My tears rolled down my cheeks.

Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Maaga ako bumangon para magluto ng agahan. Pagkatapos nito ay aalis ako para makapaghanap hanap na ulit ng malilipatan.

Hindi ko akalain na makakatagal ako ng isang buwan dito sa bahay niya. At meron na lamang akong dalawang buwan.

"Good Morning." Sabi ko ng nakita ko siyang pumasok ng kusina. Nakasuot siya ng pink na sando and a boxer short habang nagkakamot ng ulo.

"Morning." Sabi niya ng di ako nililigon at diretcho lang ang tingin patungo ng ref.

Pinanood ko ang bawat kilos niya. The way his muscle flex when he drink the bottle water.

What if.....

What if the water accidentally spill in his sando?

Umiling ako para burahin kung ano mang kahalayan ang naiisip ko.

Tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko na siyang nakakunot habang nakatingin sa akin.

"Hai." Sabi ko na lang at binalik ulit ang tingin sa niluluto.

"Aalis ka ba ngayon?" Tanong niya. Narinig kong tumunog yung upuan kaya paniguradong umupo siya.

"Uhm.. Oo sana." Sabi ko habang binabaliktad ang omelet na niluluto ko.

"Pwede bang sumama? Wala naman akong masyadong gagawin today." Sabi niya naman.

Inilagay ko na yung luto kong omelet sa pinggan at lumapit sa lamesa kung nasaan siya para ilapag ang ulam.

Living At My Ex House [COMPLETED]Where stories live. Discover now