Kapitulo 14

84 10 0
                                    

Soap

Nasagad ko na nga yata ang pasensya niya dahil sa pagmamaang-mangan. Ayaw ko lang talagang sumagot. Baka mapaamin niya ako nang wala sa tamang oras at pagbabalanse ng nangyari.

Nakita ko na naman ang pagbuntong-hininga niya. At nang mga oras na'yon parang wala akong ibang nakita kundi siya lamang. Kumiling ang ulo ko habang nakasunod ang mga tingin sa kaniya. Pagod na pagod ang nakikita ko sa kaniyang mukha.

"Forget about it and just take my charger with you."

Dapat natuwa ako kasi hindi na niya ako pinilit kaso bakit ganito ang naramdaman ko. Nalungkot kasi hindi niya ako pinilit ng pinilit. Dismayado ako sa kaniya kasi ang dali lang niyang sumuko nang hindi man lamang ako napaamin. Wala man lang pagsisikap na ginawa para sa sagot ko.

Lumukob ang lungkot sa akin. Sa amin dalawa, halata namang ako lang talaga ang masasaktan ngunit bakit may parte parin sa aking hindi tumigil kakaasa na baka may pag-asa rin ako sa kaniya. Nasa maling pag-iisip na akong gusto ko siyang akitin para mahulog rin sa akin kaso nasasaktan ako tuwing naalala ang inosenteng mukha ng asawa niya.

Kinuha ko ang charger at umalis doon nang walang imik. Nakasunod lang din naman siya, wala ring ingay. Ramdam ko ang bigat na awra sa aking likuran pero hindi ko na inabalang lingunin. Kasi siya lang naman ang kasama ko rito.

Tumigil ako at binuksan ang pinto. Kitang-kita ko sa gilid ng aking mata ang pagkatigil rin niya. Pinanood pa yata ako. Hindi ko parin siya pinansin at tumuloy nalang sa loob saka sinara ito.

Pagkapasok ko pa lamang, agad akong napaluhod sa sahig. Tumulo ang luha sa aking pisngi dahil muntik na. Muntik ko ng agawin ang asawa ng kauri ko. Nagtatalo ang laman ng isipan ko. Pero hangga't may natitirang katinuan pa sa'kin, nagagawa ko itong pigilan.

Ayaw kong maging kabit. Ang daming lalaki sa paligid para si Zekeil lamang ang pagtuonan ng pansin.

Tumayo ako nang nahimasmasan na ang sarili. Nilapitan ko ang bag at kinuha roon ang selpon. Ipinasok ko agad ang charger at sinaksak sa saksakan. Ngunit kumunot ang noo ko nang nakitang puno ang baterya sa selpon. Nakapatay lang.

Tinanggal ko at binuksan. Ganoon nalang ang pagnguso ko para sa sariling kainosentahan. Hindi ko man lang naisip na baka may napindot ako kaya ito nawalan ng buhay.

Umiling ako at kinuha ang charger saka lumabas ng kuwarto. Ayaw kong magtagal ito sa akin gayung puno pa naman pala ang bar. Ngunit anong sasabihin ko? Baka tuluyan na talaga niya akong mabisto. Alam kong wala namang ibang kahulugan itong ginagawa ko pero dahil may gusto ako sa kaniya, nagmukhang mali itong pakikipaglapit ko sa kaniya. Nanghihinala pa naman siya.

Huminga ako nang malalim saka tinaas ang kanang kamay. Kumatok ako ng kumatok at gaya lang kanina, walang sumagot. Nakaalis na kaya siya? Pero narinig ko pa ang pagbukas-sara ng kuwarto niya nang nakapasok ako sa silid. Kaya alam kong nandiyan lang siya sa loob. May ginawa lang kaya hindi ako napansin.

Hindi ko tinigilan ang pagkatok sa kaniyang pinto kahit pa unti-unti ko ng naramdaman ang pananakit ng buto. Masyado yata siyang abala sa trabaho. Sa huli kong pagkatok ay ang mukha niya ang natamaan ko. Nanlaki ang mata ko at mabilis na humingi ng paumanhin.

"Can't you fucking-Yiahn!"

"Pasensya na, Zekeil. Hindi ko sinasadya."

"I'm good. It's okay!" Sabi niya nang napansin ang pagkataranta ko.

Buti nalang at walang nangyari sa mukha niya. Akala ko magkakapasa siya. Umatras ako at palihim siyang sinuri. Ayos na ayos parin ang porma niya, napansin ko lang ang kulay asul sa gilid ng kamay niya. Nakita niya siguro akong nakatingin doon kasi bigla nalang niyang ibinulsa ang kamay.

Uncontrollable ObsessionWhere stories live. Discover now