Kapitulo 6

100 11 1
                                    

Today

"I'll take this medicine kit to the other side, Tay 'Emuelto. Just come to me when something bad happens here. Uhh... where is Valthazar? "I asked Tay Emuelto who is with me now in the stable.

I looked around but he was not here. I've been looking for him since I arrived here but I can't find him. Nasaan na kaya ang batang iyon. When I finished putting the items I was using, I immediately closed the zipper of the bag that contained the medicine kit and then lifted it with my left hand.

Tumayo agad ako at binalingan si Tay Emuelto na kaharap ang isang kabayo habang pinapakain ito ng mga damo.

Kanina pa ako rito mula nang makarating kami ni Zekeil galing sa hotel. I went straight here to check on the horses. Tulad nang sinabi ni Zekeil kagabi, alas kwatro palang ng umaga ay bumyahe na kami pabalik ng mansion.

Tuwang-tuwa pa naman ako kasi may tsansa kaming makasaksi sa papataas na araw dahil sa napiling oras, iyon nga lang ay nakita kong makulimlim ang langit— na mula pa naman kagabi, kaya hindi na nangyari ang inaasahan ko dahil sa sobrang dilim ng ulap.

"Iniwan ko sa bahay, hija, kagabi pa kasi iyon masama ang pakiramdam. Gustuhin ko mang alagaan ang batang iyon ngayon pero hindi naman pupwedeng liliban ako." Aniya.

Napatango ako at dumaan sa kaniyang likuran, pinapanood ko ang kaniyang pagpapakain. Muling bumaba ang kamay niya sa balde para kumuha roon ng damo at sinubo sa kabayo.

"Malayo ba rito ang bahay niyo? Maaari ko po siyang tingnan pagkatapos ko rito." Sabi ko.

Nanatili ang kamay niyang may nakalagay na damo sa bibig ng kabayo nang lingunin ako.

"Medyo malayo ang bahay namin, saka huwag nalang siguro mukhang may bagyo ata baka kung mapaano ka pa roon."

Tumingin ako sa labas ng pinto nitong kuwadra. Sobrang lakas ang buhos ng ulan, ang puno sa labas ay sumasayaw na pagiwang-giwang. Mabagsik at malakas ang hagupit ng hangin na pinagsaniban ng ulan. Hindi naman siguro ito bagyo, maaaring sobrang lakas lang nito pero hindi  naman siguro ito bagyo. Baka nga hanging amihan lang.

"I insist, baka lagnat po ang dinaramdam niya ngayon."

"Pero baka hanapin ka ni Senyorito Zekeil?"

Kumunot ang noo ko at saka mabilis na umiling. Ano naman ang kailangan ng lalaking iyon sa akin? E, ginagawa ko naman ang trabaho ko.

"Hindi naman siguro. Sige po, puntahan ko lang si Zheliegh. Babalikan po kita agad matapos ko doon."

"Mag-ingat ka medyo malakas pa naman ang hangin. "

Ngumiti lang ako at tumango saka iniwan siya roon. Bitbit ang medicine kit habang binabagtas ko ang kinarorounan ni Zheliegh, hiwalay kasi ang kwadra niya sa linyang ito.

Tiningnan ko ang relo ko na nasa aking kaliwang braso at nakita kong alas-tres pa lamang ng hapon pero ang dilim sa langit ay parang alas-sais na ng gabi. Nagmamadali akong lumakad para agad makarating.

Nang paliko na ang estilo ng pasilyo ay sinundan ko ito. Tahimik lang ako habang nakikinig sa lakas ng ulan mula sa labas. Mabuti na lang pala at kahit hiwalay ang k'wadra ni Zheliegh ay konektado pa rin sa iba rito kasi kung hindi baka nagtatakbo na ako.

Bigla naman akong napanguso nang sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi sa kwarto ni Zekeil doon sa hotel.

"Saan sa sinasabi mo?"  Tanong ko.

Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya saka ang malayang kamay ay dinala sa aking mukha, partida sa gilid pa ng aking pisngi.

Gusto ko agad pumikit nang maramdaman ito. Sobrang init ng kaniyang palad. Tuloy humikab na naman ako. Talagang inaantok na ang mga mata ko.

Uncontrollable ObsessionWhere stories live. Discover now