Kapitulo 5

125 13 0
                                    

Wala

Napatayo agad ko mula sa pagkakaupo sa lounger nang makita ko ang bulto ni Zekeil na naglalakad papunta sa aking pinagpwestuhan. Bumaba agad ang tingin ko sa kaniyang kamay na malayang gumagalaw. Wala siyang dalang laptop. Ang kaliwang kamay naman niya ay nasa loob ng bulsa. Tapos na ba siya sa trabaho niya? O baka naman pumunta lang siya rito para tingnan ang ginagawa ko.

Napakaseryoso ang ekspresiyon ng kaniyang mukha, malalim ang talim ng mata. Huminto siya hindi kalayuan sa aking kinatatayuan.

Bumaling ang tingin niya sa gilid, kung saan naroon ang swimming pool.

"I ordered someone to bring some bathing suits that you can use in taking bath. Later they will come, just choose what you like." Imporma niya sa akin sabay baling ng kaniyang tingin sa gawi ko.

Tumango ako at gumuhit sa aking labi ang maliit na ngiti.

"How about you, Zekeil. You don't want to choose?" 

Alam ko namang marami siyang damit pero para magkaroon kami ng kaunting pag-uusapan ay iyon ang sinabi ko upang maiwasan kong mag-isip ng kung ano pa man. Baka lalamunin ako ng matinding pagkailang kapag tahimik lang ang pagitan naming dalawa.

Nakita kong bahagyang kuminang ang mata niya. Bakas sa kaniyang mukha ang pagpipigil, hindi ko lang alam kung para saan.

"I can help you."

Nag-aalangang dugtong ko nang makitang nakatitig lang siya sa akin. Wala atang balak sagutin ako.

Ang kaniyang pinipigilan ay ngayon naging visible na, bahagya siyang napatawa ng maliit at kaunti, sandali lang iyon nangyari dahil napalitaan iyon ng pag-iling. Lihim naman akong humanga sa kaniya nang marinig ko ang malamyos niyang pagtawa.

Napayuko ako at nag-iba ng direksiyon ng mukha. Kinagat ko ang pang-ibabang labi saka bahagya ko itong ininguso. May kung ano akong naramdaman sa aking tiyan, parang hindi ko mapangalanan. Malamig at parang may lumilipad.

"Yiahna."

His hoarse voice sent terrage to my body that made me dodge in a little sway. Tumikhim ako at hindi siya nilingon nang binalak kong sagutin.

"Ano iyon?"

Nanatili ang tingin ko sa swimming pool. The sky were planning to sit. Hindi ko man lang namalayan ang oras at ngayo'y papagabi na. Tinitigan ko ang langit. Nakakamangha itong tingnan dahil sa kahil nitong kulay. Ang mga mata ko ay hindi magkamayaw sa direksiyon kung saan dapat titingin nang makita ko sa aking gilid ang bahagya niyang pagtabi ng tayo sa akin.

Natataranta at ang mga kamay ay nanginig, iyon ang naramdaman ko sa sandaling ito. Mas lalo lang itong gumrabe nang umalis siya at lumipat sa aking likuran. Napasinghap ako at sa aking palagay ay huminto ako sa paghinga nang maramdaman siya sa aking likuran.

Ang kaniyang braso ay nakahawak na ngayon sa aking braso. Parang nakayapos patalikod kung titingnan kami ng ibang tao.

"Breathe normally."

Napalunok at pumikit ng kusa ang mata ko sa lambing na pinaghalong lamig ng kaniyang boses.

Tanging pagsinghap lang ang aking nagagawa, narinig ko na naman ang mahihina niyang tawa.  Ang takbo sa aking dibdib ay hindi na normal. Naghuhurimintado at walang mapaglagyan.

"Yiahna."  Still with his gentle voice.

Muli ay napapikit na naman ako, parang tuno ng kanta ang kaniyang pagtawag sa aking pangalan.

"Zekeil."

"I said breathe normally. It's just me your, Sir Zekeil. Hmm?"


Napatuwid ako nang tayo nang maramdaman ang kamay niyang gumapang dahan-dahan paitaas hanggang sa huminto malapit sa aking leegan. Napatungo ako at bahagyang nailang na naman nang bumaba ang kaniyang mukha sa aking kanang balikat. Roon niya ito ipinahinga.

Uncontrollable ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon