Chapter 12: 1st Day [Part 2]

126 25 0
                                    

Chapter 12: 1st Day [Part 2]

Pangisi-ngisi siya sa kabilang table habang ako heto, buryot na buryot. Nakalimutan ko na siya nga pala ang bago kong sekretarya. At lalo akong naaasar dahil hindi ko siya mautusan. Not because natatakot ko, but because duh. Naiilang ako!

“Ahm Phyl-”

“Ma’am” segunda ko agad. Aba, sakin siya nagtatrabaho kaya dapat respetuhin niya ko.

“Okay, Ma’am?” tinaasan ko siya ng kilay. Koo. Ang galing talagang manginis!

Pagtapos ba naman akong halikan, iniwan ako at kinuha pa yung swivel chair ko na extra. Ang kapal ng muka. Feeling ko tuloy namumula na naman ako.

“Wala ka bang ipapagawa? Dalawang oras na akong tambay. Aba. Ang swerte ko”

“Stop talking nonsense. Kung gusto mo umuwi kana”

“Hala ka. First day ko, tapos uuwi ako? Wow. Gandang sahod ko ah”

Argh! LORD! Ano bang kasalanan ko? Enlighten me please.

Di ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko yung mga ginagawa ko. Pero sumasakit talaga ulo ko sa sobrang dami.

“Paki bigay naman to sa admin ngayon” inilapag ko sa mesa ko yung papel. Kailangan ko yun ipasa ngayon, para maibigay na agad sa kabilang kumpanya. Mas mapapabili pa trabaho ko. Para next time happy happy na.

“San yun admin?”

“Sa 3rd floor”

“sinong hahanapin ko dun?”

“kahit sino, basta iaabot mo yan at alam na nila gagawin nila” saglit siyang nagisip at para bang sinusuri pa yung papel habang nakatayo.

“paano kung dipala yung taga admin? Ano ba pangalan?”

“Hindi ko kabisado at kilala lahat ng empleyado, kaya bumaba kana, ibigay mo yan, at umakyat ka agad”

“pwedeng sa guard?” putakte! Ang kulit.

“hindi! Sa admin nga! Makikita mo dun, may malaking nakasulat sa taas! ADMIN!”

“ah”

Pakshet. Hindi ko alam kung iniinis ba ako o tanga lang talaga e. Sa wakas lumabas na din ang hudyo! Pero wala pa atang limang Segundo bumalik agad.

“Ano palang sasabihin ko?”

“Argh!” galit na napasigaw ako. “Sabihin mo pinabibigay ko!”

“Hehehe. Sige”

Lumabas na siya pero hindi sinara yung pinto.

“Ano bang tawag nila sayo?”

*blag*

Hinampas ko yung mesa ko at tumayo papunta sa kinaroroonan niya. “AKO NA! AKO NA MAGBIBIGAY! PUNYETA!”

“uy! Galit ka? Nagtatanong lang naman ako Phyl”

“Ma’am!”

“Ay oo nga. Sorry na”

“shut up! And leave me alone!”

“San ako pupunta?”

“hell” pinindot ko yung elevator, hinihintay kong tumaas at bumukas.

“sama ka?”

“no” napipikon nako talaga.

“phy-”

“Ma’am”

*ting*

Saktong bumukas na ang pinto ng elevator kaya sumakay ako. Akma siya ng sasakay pero sinipa ko siya sa where it hurts the most part niya. ewan ko nalang kung di ka mamilipit sa sakit. Pinepeste mo ko.

Napasigaw siya sa sakit kaya natawa nalang ako.

--

Uwian na nung bumalik ako sa office ko. At for sure wala nay un dun. Nagmeryenda pa kasi ako kaya natagalan din.

Pero laking surpresa ko naman nung mabungaran ko siyang natutulog sa desk ko. Bukas yung tatlong butones at shitbrix. Yung abs! okay Phylbert, wag kalimutan ang motto. Forget and forget.

Napatigil din ako at sinuri ko yung paligid ko. Parang may nagbago e.

Oo nga. Yung desk ko na sobrang kalat, naka arranged na. lalo yung mga papel. Yung mga kalat sa drawer, cabinet at sahig nawala. Yung mga display ko parang luminis. Tinignan ko naman yung desktop ko. At dun ako nayamot.

Pinalitan niya ng picture yung desktop ko. Instead na kaming dalawa ni Emmar andun, kaming dalawa yung pinalit niya. Kung bakit ba naman kasi hindi ko pa binura. Mamaya na to sa bahay.

Tinignan ko siya. Payapang natutulog. Napadako ulit yung mata ko sa noo niya. nag violet na. pasa at sugat. Kawawa naman. Pero okay lang bawi naman ako sa mga pangaasar niya.

Imagine, first day niya as my secretary, pero wala siyang ginawa? Meron pala, mang-asar.

“Phyl, ay. Este Ma’am. S-sorry nakatulog ako”

“it’s okay. Bukas kana magumpisa. Makakauwi ka na” walang gana kong sabi sakanya sabay kuha na nga mga gamit ko.  

“H-hatid na kita” napatingin naman ako sakanya.

“Hindi na. marunong ako magdrive”

“a-ah eh kase, s-sige na”

“No”

“B-bukas nalang, sunduin kita?”

“di kita driver”

“Pero s-secretary moko”

“Exactly! At di ako nakikipagmabutihan sa mga empleyado ko”

Parang naging malungkot yung muka niya. Pero pakielam ko? Dapat lang yan, para tantanan na niya ko.

Nauna na akong pumasok sa elevator at bumaba sa parking lot. Yung susi ko pala kanina pa niya binigay pag pasok sa office. Buti naman, kung hindi maatraso pa pati paguwi ko.

Nasa kalagitnaan na ko ng pagdadrive nung mapansin ko na kanina pa may sumusunod sa akin. Medyo kinabahan naman ako. Pero masyado pang madaeng tao sa kalye at maaga pa.

Kaya nung medyo binagalan ko, siyang tutok naman niya sa akin sa likod. Kaya lakas loob kong tinodo ang andar ko at nag mani obra.

Naging dahilan para mapapreno siya at maharangan ko ang dadaanan niya.

Bago ko agad bumaba, kinuha ko muna yung safety knife ko na kasing laki ng ATM card at sinukbit sa likod ko. Mahirap na, baka mapahamak ako. Dae ko pa pangarap e.

“Baba!” Kinalampag ko yung kotse niya. di ko talaga makikita, masyadong madilim yung bintana ng kotse niya.

Ilang Segundo ko na kinalampag aba’t ang letse ayaw padin buksan!

Ayaw mo ha.

Bumalik ako sa kotse ko at kinuha ko yung mini martilyo ko. Tignan natin.

“Yaaaah!!!”

“Huwag!”

“Clyde?!”

--

Guys, pang motivate naman na feedback jan. Sadla naman.

When he was my ManWhere stories live. Discover now