SINGLE FACTS: Why are you single?

364 8 11
                                    

Why are you SINGLE?:

SINGLE FACTS

Written by: SuperMaria

All Rights Reserved 2012

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Single ka? Kelan pa? Since birth? Nako ateh! At kuya! Anong gusto nyong mapatunayan na bagay bago ka kumilos! Pagputi ng uwak? Na totoo ang multo at aswang? My gollie! Petsa na oh?

Bago ko pa kayo konsesyahin. Alamin muna natin kung bakit ka nga ba single?

FACTS with simple suggestions :)

FACT #01 WALANG MANLILIGAW / TORPE

*Bakit nga ba walang nanliligaw sayo? Nako. Nako! Tandaan: Love starts from physical attractionPatingin nga ng itsura mo? Ay! Tsk! Maganda ka kaya te!/ Gwapo ka kaya kuya! Iniisip mo lang kasi na shonget ka! Eto tip lang! Napanood nyo na ba yung Crazy Little Thing called love? Ganda diba? Remember ang ginawa ni P’Nam? Aba ate! Dalaga ka na! nagdodonate ka na nga ng dugo every month eh? Hindi ka na bata. Mag ayos ayos ka lang parang si P’Nam! Konting ayos lang naman like once or twice a day maligo, 2-3 times a day mag toothbrush, deodorant or tawas para tipid na nga puti pa! cologne or perfume, at lotion na importante, isama mo na din yung conditioner para hindi mukhang alambre yung buhok. Gumamit na din kayo ng mga toner, cleanser, cream, powder kahit wala ng make up, simplicity is beauty kaya! At samahan nyo na din ng hindi naguumapaw na confidence. Dapat hindi nag uumapaw kasi iba na kapag nasobrahan, yabang na yun!

-For Torpes, kuya wala talagang patutunguhan kung nakatanga ka lang dyan! Iniisip mo lagi na kayo yung magkakatuluyan kung nakatanga ka lang wala talagang mangyayari jan! ginawa kayong mga lalaki para manligaw hindi kayo yung liligawan (Nature yan, kaya jan ako nag base)Tandaan mo! Things you want will not be yours if you don’t do anything to get it!At Sealed feelings will not be heard if you just stock it in your heart –Maria. Hindi lalapit ang target kung walang pain! Tama ba? Wag maging Juan Tamad !

*Tulad din ng ginawa ni P’Nam try nyong subukan (try na nga subukan pa!) na sumali sa mga kung anu ano, sayang yung natatagong golden voice at mala-uuod na katawan. Dagdag ganda/pogi points yan!

*Atittude which is the most important of all! Isang salitaan lang! kung maldita ka! Sugapa! Sobrang plastic (Hindi ko talaga sinabi yung word na plastic lang, instead ‘sobrang plastik’ kasi para sakin plastic lahat ng tao. Aminado ako doon) at basta masama ang ugali, wala talagang magkakagusto sayo pag ganyan ka teh! (Yun lang ^_^v )

FACT#02 Bawal!

*Echos lang tong fact na to, sa totoo lang! kung gusto nyo naman talaga or mahal nyo talaga yung tao go kayo eh! para sa mga may nanliligaw na sa kanila kaso hindrance yung bawal ng magulang. Try nyo kasi na sabihin, wala naman silang magagawa kung kayo na eh. Ang dapat nyo na lang gawin maging tama kayo sa relasyon nyong dalawa at magpakatotoo kayo. Kelangan nyo lang namang ligawan yung magulang ni boyfriend/ ni girlfriend para makuha yung pag sang ayon sa inyo nila mader and pader eh!

FACT#03 “Super Theory”

^Bakit ‘super theory ang tawag ko? Kasi nag formulate lang ako ng sarili kong theory para sa fact no.3. bigla lang kasi nag pop-out sa utak ko yun, then narealize ko na pwede nga. Wala lang akong maisip na pwedeng ipangalan kaya ‘super theory ang nilagay ko. If you chose to continue reading, you need to be open minded, theory lang kaya wag maka kotra ng sobra, owkeeyy?^

*isa ka bang fan girl or fan boy? Mahilig ka ba sa mga romance movies or series? Nagbabasa ka din ng mga romance stories? Isa ka bang hopeless romantic?

*Hindi kaya iyan ang mga dahilan na pumupigil sayo na maging single ka? Bakit? READ!

May nanliligaw sayo? Pero hindi mo magawang magustuhan sya kasi wala sa kanya yung mga qualities na makikita mo sa prince charming mo like Mario Maurer, Daniel Padilla, Jhake Vargas, Xian Lim, Alden Richards, at sa mga kpop na kinaadikan nyo? Tama ba? Hindi nyo makita sa kanila yung kilig na nakikita nyo sa tuwing nanunuod kayo ng Dramas. O natatakot kayo na masaktan, tulad ng nakikita nyong nasasaktan na bida sa mga pinapanood nyo? O naghihintay at nangangarap pa rin kayo na magkaroon ng isang not so perfect but so happy relationship na nakikita nyo?

*Boys, hindi ba kayo makapanligaw? Kasi sa tingin nyo hindi nyo kayang makuha yung puso ng isang babae dahil hindi nyo magawa yung ginagawa ng mga prince charming nila? Otulad din kayo ng mga babae na naghahanap din ng qualities na katulad ng mga kinababaliwan nyong artista?

*O hindi  kaya, masyado na kayong napako sa pagiging adik sa mga bagay na yun? Yung bang hindi nyo na naiisip na may sarili pala kayong buhay at hanggang pangarap lang makikita ang mga magagandang love stories na napapanuod o nababasa nyo? Na hanggang pangarap lang ang maging princess o prince ng mga prince at princess charming ninyo? Yun bang feeling nyo naramdaman nyo na yung masaya at malungkot na parte ng lovelife dahil sa medias? Yung tipong kahit wala ka ng lovelife kasi alam mo na kung pano maging masaya at malungkot? Okay na sayo kasi atleast sa pamamagitan  ng mga ito alam mo na kung pano magmahal ata masaktan kaya hindi mo na susubukan ang word na lovelife. Nagiging kuntento na kayo sa kanila without thinking na may lovelife ka din pa lang kelangan asikasuhin?

**Paano nabuo sa isip ko itong theory na to? Simple lang isa ako sa mga nabanggit. At sa napapansin kong mga kabataan na katulad sa mga naadik sa mga kpop at kung sino, sa mga adik sa mga novelas, halos lahat sila single. Theory lang to, no scientific explanation ika nga nila. Based lang sa observation ko toJ

FACT NA FACT!

Sabi sa nabasa kong quote: wag daw mainggit sa love story na nababasa natin, scripted lang yung mga yun, nakokontrol ng writer, ng isang tao. Ang love story natin hawak ng Diyos na syang gumagawa o writer ng kwento natin.

Maraming dahilan si Lord kung bakit napapatagal yung lovelife natin. Siguro masyado pa tayong mahina para ilagay sa part ng buhay na yan. Na kailangan pa nating matuto o I expose para kapag darating ang panahon na yan alam na natin kung pano i-handle ang mga bagay bagay. Kaya nga siguro binigay nya satin yung mga bagay katulad ng media *super theory* para hindi maging gabay natin kapag nasa part a tayo ng buhay na yun. o kaya sihuro habang naghihintay tayo binigay satin ang mga bagay na yun para hindi tayo mainip at i-enjoy muna ang paghihintay. Kaya siguro ang masasabi ko “keep waiting!”

PAGLILINAW, hindi po ako NBSB, sadyang zero bal lang ngayon! Pero wit akong care kasi nga maghihinatay lang ako ng tamang tao,at panahon

--sUPERMARIa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SINGLE FACTS: Why are you single?Where stories live. Discover now