Joliibee Scare (Part 3)

32 0 0
                                    

Ang kwentong ito ay sarili kong akda, hindi kinopya at orihinal kong ini-lathala sa Maymomoo.com. Kung ang kwentong ito ay inyo nang narinig o nabasa sa anumang website maliban sa nabanggit sa itaas at sa Wattpad under GhostStrs, maaaring sila ay humingi o hindi humingi ng permiso na gamitin ang aking materyal, samakatuwid, hindi sila ang tunay na may-ari ng akdang ito.

Chapter 3 ng mga katatakutan sa Jollibee. Guys, dahil 6 years rin akong naging manager ng store na 'to, gusto ko lang sabihin na Beeda ang Saya pa rin sa Jollibee kahit na merong mga kaunting kababalaghan sa store namin.

1. Nasa basement ako, lunch break ko kaya yumuko muna ko sa mesa para sana mag-power nap. At dahil nga may isa pa kaming maliit na Jollibee sa basement kaharap ng foodcourt, naka-duty dun si Mam Marie. Malapit na ko makatulog nang marinig ko syang sumigaw.

"Aayyyy, may kasama tayo! May taooo!!"

Inangat ko ulo ko sa pagkakayuko, nilibot ko ng tingin 'yung basement. Wala naman ibang tao doon maliban sa aming dalawa at sa ibang crew na naka-duty doon. Tinignan ko si Mam Marie, hininto niya ang pag-scoop ng fries at pumikit ng madiin na para bang may ayaw siyang makita. Tinanong ko siya.

"Ma'am? Sinong tao? May audit tayo?"

Dahan dahan siyang nagmulat ng mata. Tumingin sa pintuan ng stockroom. Tapos napansin kong nagbuntong hininga siya.

"Hay salamat nawala na siya." sabi niya

"Sino Ma'am?"

"'Yung lalaking itim. D'yan nakatayo sa may pader ng stockroom. Maligno"

Kinilabutan ako. Ang sabi ni Mam Marie, palagi n'ya nakikita ang elementong iyon. Lalaking napakaitim. Magulo ang hanggang balikat na buhok, may mga buhok din daw ito sa dibdib at braso. Mga 7-8 feet daw siguro ang taas nito kasi malapit na sa kisame ang ulo nito pag nakatayo. Nanlilisik ang mga pulang mata nito. Minsan daw pagbukas niya ng pinto ng Garbage Room nasa loob daw ang lalaking itim at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Kadalasan daw ipinipikit lang niya ang mga mata niya at tahimik na nagdadasal, at nawawala din naman daw ang maligno.

 Kadalasan daw ipinipikit lang niya ang mga mata niya at tahimik na nagdadasal, at nawawala din naman daw ang maligno

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


2. Opening shift noon si Mam Cindy, alas 5 ng umaga ang duty niya. Bandang 4:30 am nang dumating sya sa store. Nakita niya patay ang ilaw sa office, pero nandoon na si Ate Joy (ang aming admin assistant) na nag-aayos ng mga files sa cabinet. Binati niya ito.

"Ate Joy, andito ka na. Ang aga mo ah!"

Hindi sumagot si Ate Joy. Ni hindi siya nilingon nito. Patuloy pa rin daw ito sa pag-aayos ng mga files. Binalewala naman iyon ni Mam Cindy at dumiretso sa basement, sa crew room. Pasado alas singko ng umaga umakyat na si Mam Cindy para mag-duty. Nakita niya papasok ng office si Ate Joy at dala dala ang bag.

"Saan ka pupunta Ate Joy, alis ka na agad?" sabi ni Mam Cindy

"Anong aalis, kakarating ko lang" sabi ni Ate Joy, sabay kuha ng timecard para mag-punch in.

Jollibee Scare (Part 3)Where stories live. Discover now