-25- One Sweet Glimpse

97.9K 2.7K 544
                                    

***25***


6 years later...

"Congratulations. Best wishes."

Ngumiti ng malawak sa akin si Carlene sabay abot ng kamay ko para makipagshake hands. Katatapos lang ng wedding ceremony niya at nandito kami ngayon sa reception. She's still the same bubbly girl I've known except to the fact that she's now married.

"Thanks for coming. Ano, bagay ba kami ng husband ko?" she asked and then giggled.

Sinundan ko naman ng tingin ang tinitignan niya. Sa totoo lang, parang nakita ko na dati ang asawa niya. Hindi ko lang matandaan kung saan. Kanina pa nga ako isip ng isip kung saan ko nga siya nakita pero wala talaga akong maalala.

"Parang nakita ko na siya dati."

"Oh?" Binalingan ako ni Carlene sabay tango niya sa akin. "'Di imposible. Baka nakita mo na nga siya. Nagtratrabaho kasi siya ngayon sa Jimenez General Hospital. Wait, ipapakilala ko siya sayo."

Carlene left to fetch her husband and then went back after a minute. Nakangiti pa sila nang makalapit na sa akin. Pinakatitigan ko yung lalaki. Mas lalo tuloy akong nafrustrate alalahanin kung saan ko siya nakita noon dahil sobrang pamilyar ng mukha niya.

"Alex, si Errol nga pala. You know, husband ko."

Nagtama ang mga paningin naming dalawa. Ewan ko pero parang parehas kami ng naging reaksyon. Now I'm sure that we knew each other before.

"Have we met before?" tanong ko sa kanya.

He jerked his head sideways and then smiled a bit. "Alexander de Silva diba? East High Academy?"

"Yeah." Were we schoolmates?

Ngumiti siya sabay abot ng kamay niya sa akin. Inabot ko naman yun habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Errol Martinez, pre. Batchmates tayo. Section 1 lang ako."

Hindi ako kumibo. Wala akong matandaan. Siguro dahil wala akong pakielam sa paligid noong highschool pa ako kaya hindi ko siya makilala. Yun nga lang, parang may parte sa akin na nagsasabing kilala ko ang taong ito.

"Hindi mo na nga siguro ako matandaan," he said grinning and pulled me to whisper something to me. "Errol Martinez. Battle of the Brains. Admirer ng girlfriend mo noon," sabi niya sabay bitaw sa akin.

I have to admit that my reaction was fvcking priceless. Ngumisi lang siya sa akin, samantalang si Carlene naman ay nagtataka sa kung anong sinabi niya sa akin.

Errol Martinez?

Heck, how could I forget about this guy? Siya lalaking yung naunahan pa ako noon sa panliligaw kay Fatima. Yung lalaking nagbibigay ng chocolates, teddy bears at kung ano-ano kay Fatima. Yung lalaking tinakot ko pa para tantanan na si Fatima.

"W..wow, congratulations," I muttered, shock still registered my face.

"Thank you," they answered in chorus as they held each other possessively.

***

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kanina. Carlene married the guy who tried to court my ex-girlfriend way back in highschool. Napailing nalang ako ng ulo't natawa dahil sa liit ng mundo para sa amin.

Si Carlene, naging isa siya sa naging kaibigan ko pagkagraduate ko ng College. Masasabi kong hindi naging maganda ang nakaraan naming dalawa pero nakakatuwa dahil gumawa talaga siya ng paraan para magkaayos kami. We seldom go out with each other and the last time we hung out was when she said she was getting married. At eto nga, inimbitahan niya pa ako sa kasal niya.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon