Prologue

15.2K 113 26
                                    

Madalas,

Kapag nagkaroon ka ng unrequited love,

At alam mong nasa piling na siya ng iba,

Hindi mo talaga mapipigilang isiping,

“Sana ako na lang ang nakita ng mga mata mo.”

“Sana ako na lang ang napansin mo.”

“Sana ako na lang ang pinili mo.”

“Sana ako na lang ang nasa tabi mo.”

“At sana ako na lang ang minahal mo.”

Pero sa totoo lang,

Ang hirap talagang sabihin sa kanya ang mga nararamdaman mong iyon.

Lalo na kapag alam mong masaya na siya sa piling ng iba.

Kasi ang tunay na nagmamahal,

Handang isakripisyo ang lahat alang-alang sa taong itinitibok ng puso niya.

Kahit ang maging kinalabasan pa nito ay walang tigil na pagluha at walang hanggang pagsisisi.

Kasi kung hindi nga talaga ikaw ang makapagpapasaya sa kanya at kukumpleto sa buhay niya,

Mas mabuti pang pakawalan mo na lang siya at kalimutan ang mga nararamdaman mo para sa kanya.

Dahil nga diba,

MAHAL MO SIYA.

At kahit masakit man,

Kailangan mo talaga siyang bitawan para sa ikasasaya niya.

Kasi sa totoo lang,

Hindi lahat ng oras,

Magiging masaya ka dahil sa love.

Minsan talaga,

Kailangan mo ring maranasan ang sakit at dalamhati na epekto nito.

Kasi kung tunay ka ngang nagmamahal,

Hindi ang sarili mo ang isinasaalang-alang mo.

Kundi ang mararamdaman ng taong mahal na mahal mo.

Love is sacrifice.

Pero yung tanong lang,

Kaya mo ba talagang isakripisyo ang pag-ibig mo,

Para sa taong naging sentro na ng buhay mo?

Mutually Unrequited ~ Austin and Andrea's Story ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon