1: 𝑱𝒆𝒂𝒍𝒐𝒖𝒔

2 0 0
                                    

Crip's POV

Having a boyfriend is not easy. Yes masarap sa pakiramdam pero nakakasawa din. Daming bawal, daming ganito ganyan. Hays buhay.

Nasa kwarto ako habang naghahanap ng isusuot kasi pupunta daw kami ni Aeros sa park magdedate daw kami hays.

May na isip ako. Kinuha ko ang maikli na dress na kita cleavage hihi lagot na naman ako nito tapos kunting pulbos at liptint lang. Di sa pagmamayabang pero maganda ako. C(harot) walang panget sa mundo tandaan nyo yan girls.

Nagaayos ako ng aking buhok ng biglang may kumatok.

" Crip? Tapos kana ba? Antagal tagal mo, naiinip na ako " bagot na saad ni Aeros.

" sandali lang malapit na. then! Ayan tapos na ako. " kinuha ko ang sling bag na babagay sa damit ko, kinuha ko din yung cellphone ko for the memories haha.

Pagbukas ko sa pinto sumimangot na mukha ni Ae ang bungad saakin.

" Bat an ganda mo ha? May pinagagandahan ka ba? Mag bihis kana, atsaka anong yang damit mo? Magbihis ka, balakajan di nalang tayo magdedate. " simangot na saad ni Ae.

I pouted. Bumuntong hinga nalang ako at papasok ulit sa kwarto ng bigla nya akong hinawakan.

" wag nalang nga, ngayong araw lang to crip. Ngayon lang sa susunod na date natin mag pantalon at t-shirt ka " saad niya saakin.

Napangiti ako sa sinabi nya at tumango. Hinawakan nya aking kamay at lumabas ng bahay. Pumunta kami sa park naglakad lakad ng bigla kong nakita ang bestfriend kong lalaki. Si Cedrick.

" Oy! Ganda ni Crip ngayon ha! " bola ni Cedrick.

" Oy hindi ha, gagi to " sinuntok ko ng mahina yung braso nya tapos biglang may tumikhim.

Napatingin ako kay Aeros na madilim ang mga mata. Ay nakalimutan ko andito pala sya hehe.

" Cedrick, this is Aeros my man, and Aeros this is Cedrick my bestfriend. " pakilala ko sa kanilang dalawa. Naglahad ng kamay si Cedrick kaso hindi ito tinugunan ni Aeros bagkos ay hinila ako palayo sa kanya.

Tumingin ako sa likod. At kumaway kay Ced para mamaalam. Bastos talaga to kahit kailan tong Aeros na to e.

Hindi naging masaya ang date namin ni Aeros di ko alam sa kanya pero masama siguro pakiramdam nya. Hays. Nako naman, anong ginawa ko? Napakamot nalang ako sa buhok ko. Napahiga ako sa kama ng biglang may nagchat saakin. Si Cedrick

𝙲𝚎𝚍𝚛𝚒𝚌𝚔 ( 𝚊𝚌𝚝𝚒𝚟𝚎 𝚗𝚘𝚠✔︎ )
➪︎ Crip! Arat gala sama sila Clydey ano sama ka?

Me: Sige sige pupunta ako san ba?

➪︎ sa dating tagpuan, kita lang tayo dun? Araaat na!

Me: ah, sige sige. see you later ced.

➪︎ namiss ka na kasi namin crip puro ka nalang si Aeros e haha

I felt sad sa chinat saakin pero babawi ako haha.

Dali dali akong kumuha ng tuwalya at mga kakailanganin ko sa pagliligo, inopen ko ang messenger ko at sa pagmamadali ko sa iba ko na send yung dapat ay kay Ced

𝙰𝚎𝚛𝚘𝚜 ( 𝚊𝚌𝚝𝚒𝚟𝚎 𝚗𝚘𝚠✔︎ )
➪︎ anong oras nga yun ced?

Inoff ko yung phone ko at naligo na.
10 mins has passed, natapos din akong naligo.
Pagkalabas ko galing sa cr habang pinapatuyo ang aking buhok, aningay ingay ingay ng phone ko. Hays! Di naman ganito mag chat si Cedrick, si ano yung gani- holly motherfuck!

Dali dali kong kinuha ang phone ko at tinignan, napahampas nalang ako sa aking noo. Si Aeros nga. Patay na.

𝙰𝚎𝚛𝚘𝚜 ( 𝚊𝚌𝚝𝚒𝚟𝚎 8 𝚖𝚒𝚗𝚞𝚝𝚎𝚜 𝚊𝚐𝚘 )
➪︎ Crip! San ka pupunta?
➪︎ crip ano ba?! sumagot ka nga
➪︎ crip baby, ano saan kayo pupunta?
➪︎ at talagang si Cedrick pa ha?
➪︎ crip?! Di mo talaga iseseen?
➪︎ criptica gee?!
➪︎ baby please.
➪︎ pupuntahan kita ngayon.
➪︎ wag kang aalis crip maguusap tayo.

Magrereply sana ako sa kanya ng biglang may kumatok sa kwarto ko. Di ko binuksan.

" Anak, si Aeros nasa baba hinahanap ka. " saad ni mama.

Kinabahan at pinagpapawisan ako. Patay talaga ako nito. Hays bahala na nga.

" oo ma, baba na ako. Sandali lang " sagot ko kay mama.

Dali dali akong nagbihis ng pantalon atsaka t-shirt baka magalit na naman ito.

Lumabas ako sa kwarto at dali daling bumaba. Nakita ko si Aeros nababangot na naman ang mukha at nakasimangot. Lumapit ako sa kanya.

" A-aeros.... " tawag ko sa kanya.

" Criptica.... " nakasimangot nyang saad.

Journey of Love ( On-Going ) Where stories live. Discover now