Prologue

88 4 0
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ang bilog na buwan mula dito sa terrace ng mansion namin habang hinahawi ng hangin ang mahaba at paalon kong itim na buhok. Sa ilang taon kong miserableng pamumuhay hindi ko inakala na may mas ilulungkot pa pala ako.

Nang marinig kong may mga yapak na paakyat dito ay ininom ko yung wine na hawak ko. Napahinga ako ng malalim, bakit parang pati wine mapait.

"Ms. Alicia Blaunche, we need you to come with us"

I knew they'd come. Binaba ko ang wine glass na hawak ko at kalmadong humarap sa kanila. Malamig kong tinignan ang isang babae at apat na lalaking nasa harapan ko, na mga nakasuot ng cape at may pin ng Secret Service Unit ng royal castle. Syempre ang SSU ang papapuntahin nila para kunin ako, para walang makakaalam.

Humakbang papalapit saakin iyong babae na malinis ang pagkakabun ng buhok at nakasuot ng over the knee boots.

"Here is the letter from the council"

Hindi ko pinansin ang pinakita niyang papel sa halip ay nanatili akong walang emosyong nakatingin sa kanya samantalang ang mga kasama niya ay maigi akong pinagmamasdan na tila ba binabantayan ang susunod na kilos ko.

Humakbang ako papalapit sa kanila, ang ilan ay umatras pero ang babaeng nasa harap ko ay hindi natinag at nanatiling nakatingin lang saakin. She's quite brave huh. I stopped in front of her and she smirked at me.

"Enjoying your last wine before getting locked up?", there's a hint of mockery in her tone.

Imbes na sagutin ang tanong niya ay nilagpasan ko lang siya. Narinig kong naglabas ng baril ang ilan sa kanila at naramdaman ko ang pagpaligid nila saakin.

"You don't need that. I'm coming with you....... peacefully"

Nagtinginan sila at tinanguan naman sila ng babaeng mukhang leader nila. Binaba nila ang mga baril na nakatutok saakin pati yung witch na lalaki na mukhang magcacast na ng spell ay napatigil din.

Hahakbang na sana ako nang biglang hinihingal na dumating si Sixto, halatang nagmamadali pa siyang pumunta dito.

Hindi talaga siya marunong makinig sa utos ko, ang sabi ko tagalan niya ang pagbili, wala pa ngang 20 minutes simula noong umalis siya, nandito na siya agad. Nag-angat ng tingin saakin si Sixto at bakas ang pag aalala sa mga mata niya.

"Ms. Blaunche"

Inayos niya ang sarili niya, tinaas niya ang manggas ng puti niyang polo na para bang handa na siyang makipaglaban. Pinigilan ko naman siya sa ginagawa niya.

"Can you please get my frock coat"

Mukhang nagulat si Sixto sa sinabi ko at naguguluhan niya akong tinignan.

"Get it now", may authority kong saad, kahit naguguluhan ay nagmamadaling sumunod si Sixto sa utos ko.

"Can you wait for a bit? It's too cold outside, I need my coat", mahinahon kong sabi sa kanila.

"Make it faster, Lady Anna is downstairs. I bet you wouldn't want her to wait.", pinanlakihan ako ng mata noong babae at nilagpasan ako, nauna na siyang bumaba samantalang yung tatlong lalaking kasama niya ay naiwan dito para bantayan ako.

Ilang sandali lang ay dumating na si Sixto dala dala yung coat na sinabi ko. Tinulungan niya akong isuot tapos inayos ko rin ang itim na dress kong pantulog na ang haba ay hanggang paa ko buti nakaheels ako kaya hindi ganoon sumasayad sa lupa. Hahawakan sana ako noong isang lalaki at haharangin sana siya ni Sixto pero nauna kong itaas ang kanang kamay ko.

"Don't", I glared at him then I started walking downstairs.

Totoo ngang naghihintay dito sa baba si Lady Anna kaya pagbaba ko sa grand staircase ay dumiretso ako sa kanya. Upon looking at her, I can say, nothing has changed, she is still wearing those pearl necklace and bracelet and she still likes wearing red lipstick. She looks like as if she was still in her forties but in fact, she is already a 100 plus-year-old vampire, well perks of being a royal vampire. You can stop your aging anytime you want. While walking towards her, I was reading her face and I can say right now it screams madness. She is so damn angry right now.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret of AliciaWhere stories live. Discover now