Nang Dahil sa Lapis~ II

550 27 0
                                    

Inaamin ko I'm not that pretty but I can say that I'm not ugly din pero I'm a plain person.

"Anong..." i didn't have the chance to ask more about that person kasi umalis na si Yanagi. Naiintriga tuloy ako.

Naalala ko tuloy yung mga nangyayari netong mga nakaraang araw or lemme say it started when I'm a sophomore student.

Lagi kasing may nakalagay na paper na green sa locker ko. May nakasulat na "ingat ka lagi" , "good morning" , "good afternoon", "i'm always here for you" at kung ano-ano pa. Minsan quotation about love minsan pa nga chocolates e.

 I thought na trip lang ng mga studyante sa school yun pero I know na same person lang yung naglalagay ng letter na yun. Lagi kasing may nakalagay na Mr. P sa dulo ng paper e.

Minsan nga binalak kong hulihin yung naglalagay ng green paper na yun e pero kahit ginabi na ako dun kaiintay wala akong nahuli. Kinabukasan nun nakatanggap ako ng paper ulit na may nakasulat na

"wag mo ng itry na tuklasin kung sino ako dahil pag kaya ko na ako na mismo ang aamin sayo. Wag na ulit papagabi ha? -Mr. P"

Inaamin ko kinikilig din ako dyan minsan. Iniipon ko nga lahat ng paper na pinadadala nya sa akin e. And pag wala akong magawa binabasa ko yun.

Napatingin na lang ulit ako sa gawi ni Murasaki nakita ko nakatingin sya dito sa gawi ko. Ang sama pa nga ng tingin e. Yung babae naman nyang kasama na halos mahubaran na sa wagas na pagkababa ng tube na suot e dakdak ng dakdak dun.

Hindi ko na lang pinansin yun at tumayo na. Namili na ulit ako ng mga natira pang gigiftan.

Alas otso na ng gabi ng makauwi ako sa bahay. Okay lang kasi wala naman si mom, nasa ibang bansa sila ni dad inaayos yung business namin dun. Okay lang naman sa aking maiwan mag isa sa bahay para na rin maging independent ako. Pero not totally mag isa kasi i have my grandma and some maids din na kasama sa bahay.

After I kissed grandma's cheeks pumanik na ako at pumasok sa room ko. Hindi na ako nag dinner kasi kumain naman na ako sa mall kanina bago umuwi.

Nagpalit na ako ng pangtulog and after that Chineck ko lahat ng pinamili ko tapos matutulog na sana ng maalala ko yung box na naglalaman ng sulat ni Mr. P.

Kinuha ko yun at binasa isa-isa. While rereading it may napansin ako. Lahat ng paper pencil ang ginamit na pangsulat. Di kaya Mr. P stands for Mr. Pencil? Pero aish...impossible kasi galit nga sya sa akin diba?

Natulog na ako kasi maaga pa akong pupunta kala Mayu-chan tomorrow. Sabay kasi kaming pupunta sa Christmas party ng school e.

.

.

.

Kinabukasan:

"la alis na po ako.." pagpapaalam ko sa lola ko..

"sige, enjoy ka lang sa party nyo mamaya ha. Don't forget to call or send a message kapagnaka uwi kana kala Mayuki ha?"-lola

"opo la. Bye na po..."

Nagpahatid na ako papunta kala Mayuki. Pagdating ko dun nag ayus na kami.

I'm wearing a light green top with a cardigan and a skinny jeans paired up with my favorite boots. Nagsuot naman ako ng head band with a ribbon. Ang cute kasi bagay sa hair ko..haha >w<

Simple lang ako kasi simple lang din naman yung party. December 24 talaga ang party sa school namin. Hanggang 12 midnight yun dahil sabay sabay kaming magsasabi ng "MERRY CHRISTMAS" to each other.

"Ano, tara na?" aya ni Mayuki sa akin.

Nang Dahil sa LapisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon