1💕

4 0 0
                                    

"Kelan ka pa dumating?" i heard my mom asked to someone from the salas.

I was busy preparing the fruit salad here in the kitchen. My relatives are coming for the yearly reunion, and our place is the chosen venue.

May mga dumarating na na mga bisita kaya naman normal lang ang mga ganoong tanong nila mama.


Everyone is chatting.

Everyone is laughing.


I'm smiling as i heard them all, nakakataba ng puso.

Nilagay ko na sa ref ang salad, and cleaned out the kitchen.

I was about to go upstairs to wash and change my clothes para fresh naman ako tingnan, pero bigla akong napalingon at nanglaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang kausap ni mama.

He is smiling at me with those sparkling eyes of his.



He spread his arms wide, silently telling me to hug him.

And i jumped!


Tumalon ako papasok sa naghihintay niyang bisig at yumakap ng mahigpit.

"Hey Lian.." He whispered.

"I missed you, Nate." Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, pero wala na akong pakialam. Sobra ko syang na-miss.

Nakapikit lang ako sa ilang minutong yakap nya ko..




We were only 9 years old ng magdecide ang parents ko na lumipat sa katabing bahay nila Nathan.

Ang mama ko at si Mama Nica, na syang mama ni Nathan ay magkaibigan nung mga kolehiyala pa sila.

And the rest is history..

Like our moms, we became friends. Bestfriends.


Dahil nga magkatabi lang ang mga bahay namin, at walang bakod to seperate, walang dahilan para di kami magkita araw-araw.

Pero..

darating talaga ang araw kung saan, ipapa-realize sayo ng mundo na may isang tao kang minamahal ng hindi mo nalalamang mahal mo na pala, hanggat hindi sya nawawala sa tabi mo.

Kaya sa loob ng ilang buwan na di mo sya nakikita, namimiss mo sya.

Sa loob ng ilang buwan na di mo sya nakakasama, namimiss mo sya.

Sa loob ng ilang buwan na wala sya saka mo malalaman na mahal mo na sya sa loob ng ilang dekada.

Sa loob ng ilang buwan, alam ko na.





Mahal ko siya.



"Hoy Lianna! Tama na yan. Maligo ka na muna. Nakakahiya kay Nathan. Ang baho mo pa nakayakap ka na sa kanya." Rinig kong sigaw ni mama sakin.

Napakamot naman ako sa ulo at bumitaw na kay Nathan.


Napalingon ako kay Nathan ng nakanguso dahil tumawa sya.

Napangiti na din ako dahil sobrang nakakahawa yung tawa nya.


At isa pa, masaya ko.



Nakitawa na din ang iba naming kamag-anak samin dahil kay mama, nakikikantyaw din sila kasi kilala at ka-close din naman nila si Nathan.


"Ito na po, aakyat na." Natatawang sabi ko habang nagsimula ng maglakad paakyat. "Hoy Mate! Yung pasalubong ko iakyat mo na lang sa kwarto ko!" huling sigaw ko pa.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect Time For Coffee (S H O R T S T O R Y)Where stories live. Discover now