Kubo nila Lola (One-Shot)

64 2 0
                                    

“ Alam mo ba na dito sa kubong ito kami nagkakilala ng First Love ko? Kaya nga ayaw ko umalis dito sa probinsya eh. At kala ko noon na kami hanggang sa huli pero hindi pala.” Iyan ang kwento sa akin ni lola tungkol sa kanyang First Love. Ni hindi ko nga alam kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Kahit nakailang tanong na ako kay lola tungkol doon ay hindi parin niya sinasabi sa akin kung bakit hindi sila nagkatuluyan hanggang sa huli. Sabi kasi ni lola sa akin sa tamang panahon daw. Pero, swerte naman si lola kay lolo.

“ Lola, lagi mo nalang po iyan ikinekwento sa akin. Pero, bakit po pag itatanong ko kung bakit hindi kayo nagkatuluyan ay sasabhin po ninyong sa tamang panahon ko malalaman?” Tanong ko kay lola.

“ Dahil apo, sasabihin ko lamang sayo kapag nakahanap ka na ng taong nagmamahal sayo. Kasi kapag sinabi ko iyon sayo ay hindi mo lamang din ito maiintindihan. Tingnan mo, bente uno ka na pero hindi ka pa nagkaka-boyfriend.” Nagulat naman ako sa sinabi ni lola. Eh, wala pa kasi sa isip ko ang mga ganayng bagay.

“ Eh, wala pa naman po lola sa isip ko yan eh.” Sabi ko kay lola.

“ Eh, kailan mo gusto magkaroon ng boyfriend kapag losyang ka na?” tanong sa akin ni lola.

“ Hindi po.”

“ O sya-sya, maiwan na kita.” Sabi ni lola sa akin.

“ Sige po, lola.” Bago umalis si lola ay binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

Pagkatapos ng ilang oras ay bumalik na ulit ako sa aming bahay. Babalik nalang ako mamaya.

Pagkapalik ko sa kubo nila lola ay nagulat ako ng may nakita akong isang lalaki na natutulog sa kubo nila lola.

Sinubukan kong gisingin yung lalaking natutulog sa kubo pero hindi ko siya magising mahimbing ang kanyang tulog. Naisipan siguro niyang magpahinga dito sa kubo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagising na siya. At nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya dahil nandito ako sa kubo.

“ Sa inyo ba itong kubo na to?” Tanong sa akin ni kuya.

“ O-oo.”

“ Ah, sorry kung nakatulog ako ah? Ako nga pala si Ryan. Ryan Maligaya.” Sabay abot niya sa akin ng kamay niya.

“ Elizabeth. Elizabeth Madrigal.” Sabay ngiti ko sa kanya.

At alam nyo bang doon nagsimula ang lahat? Sa loob ng isang taong pagiging magkaibigan namin ni Ryan ay linigawan niya ako. At pagkatapos ng ilang buwan ay sinagot ko din siya.

-After 4 years-

Pagkatapos ng apat na taon, eto ako ngayon. Nagtratrabaho sa isang kompanya sa Maynila. Iniwan ko ang probinsya para sa maayos na trabaho sa syudad.

Iniwan na rin kasi ako nila lolo at lola.

Kubo nila Lola (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon