Sweet Chapter One

15 0 0
                                    

"Jazmine! Gising na! Nakahanda na ang pagkain."

Naalimpungatan ako sa sigaw ni nanay mel. At syempre wala ako magagawa kundi bumangon sa aking kama. This is life in province and my story will start here.

My name is Jazmine Lay Rodriguez. Di ko alam kung saan nakuha ng magulong ko yung name but im happy na may pag ka feminine yung name ko.

Since nag aral ako ay dito na ako pinatapon ng parents ko sa batanes. Well hindi naman sa pinatapon pero dito lang nila talaga ako pinatira together with may nanay. Ang aking yaya since lumipat ako dito.

She took care for me like she's own son. And masasabi ko na, I'm well behaved sa lahat ng tinuro nya sakin.

Like ano pa ba maasahan nyo sakin laking probinsya ako so im a cultured person hahhaa.

Nasusunod naman lahat ng luho ko pero mas trip ko talaga ang nature. Ang mag alaga ng halaman at ng mga hayop dito samin.

Actually ang aking magulang ay tagap ako bilang babae sa katawan ng lalaki. But my mom say na i will be more safe here in batanes. Since that time ay hindi pa open ang ibang tao sa aming mga beki.

But look at now. They accept somehow the third gender.

Pangalawa ako sa apat namin magkakapatid. Well ang panganay namin ay nag tratrabaho na, expanding the business of my dad. At kaming tatlong natitira ay nag aaral pa.

Dito sa batanes you can do what you want as long na hindi nakakasira sa society and sa nature. They preserve the environment for future generations.

*Tok tok tok...

Naku ayan na kumatok na si nanay mel. Alasais palang ng umaga pero kaylangan ko na kumain ng breakfast.

"Yes... Nay baba na ako."

Bumaba na ako agad at pumunta sa kusina para kumain.

Nakahanda na lahat at si nanay mel ay naka upo narin. Si nanay mel ay sobrang mahigpit sa loob ng bahay. Daig pa nya si mommy. Kahit nga si daddy takot sa kanya. She's been our nanay since mommy is a baby.

Well may menopausal baby sya at sya ang kababata ko na si kiko. Si kiko ay laging nandyan his like my personal bodyguard. Matalik kaming mag kaibigan pero para sa kanya duty nya na bantayan ako gaya ni nanay mel.

"Jazmine... Ready naba ang mga gamit mo bukas kana ng umaga aalis."

Nag salita si nanay out of nowhere. Pero bigla akong nalungkot dahil bukas iiwan ko na sila dito. Yes. Excited ako pumunta sa metro manila but in the same time nalulungkot din ako.

"Yes, Nay... Naayos ko na lahat."

"Maging mabait ka doon, ang maynila ay ibang iba sa inaakala mo."

"Yes po. I will make sure na your lecture ay mananatili saking puso at isipan."

"Mabuti naman. Wag kang mag alala at balang araw mag kikita pa tayo ulit at isa pa dito lang din naman ako at pag sisilbihan ang buo nyong pamilya."

"Nay... Kasama kau sa pamilya namin. Wag kayong mag sasalita ng ganyan."

Nag usap lang kami ni nanay mel hanggang sa matapos na kaming kumain.

Nakakapag taka kasi hanggang ngayon di ko parin nakikita si kiko. Dipa dapat nandito sya since this is my last day.

Hay! Anyway kaylangan ko ng ayusin ang dapat kong ayusin.

Lumabas ako ng bahay para tumingin tingin ulit sa paligid nag paalam ako sa aking garden at sa mga alaga kong manok, baboy at bibe. Mamimiss ko tong mga to.

Pag katapos kong mag paalam sa kanila ay bumalik ako ng bahay para mag paalam kay nanay na pupunta ako sa iraya ang pinaka favourite place ko dito. Bukod sa maganda na ay napaka romantic ng place na ito.

Nakarating ako sa iraya ng 3pm ng hapon. Walang katao tao at sobrang tahimik dito. Dito ko binalikan ang mga alaala ng aking lola na dito din nakatira sa batanes.

"La? Bakit ayaw sakin nila mommy at daddy? Sila lahat mag kakasama bat ako hindi. Dahil ba sa bakla ako?"

"Apo... Pinadala ka dito ng mga magulang mo di dahil ayaw nila sa iyo."

"Dahil dinila ako Mahal dahil bakla ako?"

"Apo... Ang pag mamahal ng isang tao ay di nasusukat sa kasarian."

Tahimik kami ni lola ulit na naglakad sa berdeng damo at nakatitig sa magandang dagat. Napakasarap ng simoy ng hangin.

"Ang pag mamahal parang isang propesyon. Pinili mo dahil gusto mo, pinili mo dahil alam mong sasaya ka at sasaya sya. Gaya ng lolo mo, isang matapang na sundalo. Walang pinipiling tao sa kanyang tutulungan."

"Anong koneksyon nun la? Sa pag iwan sakin nila mommy dito?"

"Ang ibig kong ipahiwatig ay pumili sila sa desisyon na masaya ka at masaya sila. Masaya sila dahil nailayo kanila sa mga taong di marunong tumanggap ng pagmamahal galing sa ibang tao/kasarian. Maaring malungkot ka dahil iniwan ka nila pero naisip mo ba na kaya ka nila iniwan dito para mas lalo mong maintindihan ang sarili mo at maibahagi sa iba. Apo ang pagiging bakla ay hindi disisyon na pipili ka lang na kahit pinag planuhan at pinag isipan ay pipili ka lang. Ang pagiging bakla ay taghana. Taghana nang isang babaeng nakulong sa lalaking katawan. Iniwan ka nila dito para mas mahalin mo ang sarili mo, wag mong ikahiya at sa tamang panahon haharap ka sa mga tao na taas ang noo at may ipag mamalaki."

Napayakap ako kay lola pag katapos nyang sabihin yun.

Bumalik ang mga alaala at aral na binigay sakin ni lola. Di ko alam pero bigla akong napaluha. Mahal ko naba ang sarili ko? Handa naba akong humarap sa mundong pipiliin ko. Tama ba ang desisyon ko?

"Sabi ko na nandito ka eh?"

Napatingin ako sa nag salita, si kiko pala. Agad kong pinunasan yung mga luha ko.

"Ilang beses na kitang nahuling umiiyak. Hahha"

Napatawa nadin ako sa mga sinabi nya. Umupo kami malapit sa dagat at nagkwentuhan. Binalikan ang mga alaala nang kami ay laging mag kasama.

"Naalala mo pa noon nung naisip mong mag pahaba ng buhok. Sabi ko sa iyo nun magiging tuksuhan ka lang ng mga tao."

"Oo! Kaya habang natutulog ako ginupit mo yung buhok ko! Bwesit ka talaga pinaalala mo pa sakin."

"Di ko naman akalain na babagay pala sayo yung ganun klase. Tignan mo ngayon muka kang babae. No compliment pero muka kanang babae noon paman."

"Thanks! Pero matagal ko nang alam yan"

Tumahimik kami saglit at maya maya ay tumayo na at nag yaya nang umuwi. Tumayo na din sya. At sabay kami nag lakad, nung malapit na kami sa sasakyan ay hinawakan nya ang kamay ko.

"Jazmine mamimiss kita. Mag ingat ka doon palagi at wag mo kaming kakalimutan ni nanay. Ikaw ang best best friend ko. Sa muli nating pagkikita ulit."

Natameme ako sa mga sinabi nya pero mas nagulat ako ng bigla nya akong yakapin at halikan sa noo.

Napaisip ako na ito palang si kiko ay may tinatagong pagiging romantic.

Sumakay na kami sa sasakyan at umuwi na.

..........

Kinaumagahan nandyan na ang aking sundo para ihatid ako sa airport. Nag paalam na ako kay nanay at kay kiko.

Umalis akong masaya dahil sa mga pabaon nilang mga masasayang ala ala.

Im now going home to see my family and to start my school year as college student. Pag dating ko sa maynila i have one week vacation at pag katapos nun ay pasukan na. I was so excited and in the same time natatakot din ako.

Is this journey will be sweet gaya ng sa batanes? I hope this journey will go well.

/ Thank you sa mga mag babasa at babasa ng gawa ko i hope you will like it and support it thanks./

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hello, GoddessWhere stories live. Discover now