Nasa huli ang pagsisisi

9 4 0
                                    


"Anak kumain ka muna, mamaya na yang laro mo baka malipasan--"

"ma ano ba?! Mamaya nalang ako kakain tangina naman e pag 'to natalo ewan ko nalang talaga!"

"pero anak--"

"ma alis na ano ba?!"

Wala ng nagawa si mama ng sigawan ko sya, nakakainis  naman kase e tanginang yan sabing mamaya tigas ng ulo

Unang sigaw ko kay mama

"anak suotin mo to maganda to, binili ko to" masiglang sabi ni mama

"ampangit naman nyan, ayoko nyan!"

"bagay naman to sayo anak"

"ayoko nga nyan ma ano ba?!"

Pangalawang sigaw ko kay mama

"anak anong gusto mong regalo para sa birthday mo?"

"gusto ko yung bagong cellphone ngayun ma yung iphone11 yung merong tatlong camera"

"magkano bayun anak?"

"50k nalang yun ma"

"ang mahal naman nyan anak--"

"mura nangalang yun e"

"hindi kaya ng budget ko e"

"edi wag tanginang yan nagtatanong kung anong gusto ko tapos di rin naman pala kayang bilhin!"

Pangatlong sigaw ko kay mama

"anak sino yan?"

"girlfriend ko"

"anak diba sabi ko sayo magtapos ka muna sa--"

"ma naman e, hindi na nga kami nag kikita tanging chat na ngalang kami tapos pagbabawalan mo pa ako? Tangina naman e!"

Pangapat na sigaw ko

Panglimang sigaw ko...

Panganim na sigaw ko...

Pangpitong sigaw ko...

Hanggang sa...

"ma bat iniwan moko? Ma naman e"

"ma hindi na ako maglalaro, kakain na ako promise"

"ma susuotin ko na yung binili mong tshirt"

"ma kung anong kaya mong bilhin ok na"

"ma break na kami ng girlfriend ko, tataposin ko muna pag aaral ko promise..."

"bumalik ka lang, gumising kana, ma"

Habang buhay pa ang iyong magulang mag bigay ka saknya/sakanila ng oras dahil hindi natin alam kung kelan sila ma wawala, kung kelan sila kukunin ng panginoon

Magbonding kayo kahit anong bagay na nakakapasaya ng iyong magulang ay sapat na iyon para mawala yung pagod nila

Nasa huli ang pag sisisi :)

HOPE YOU LIKE IT.
-xhiyie🌴

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nasa huli ang pagsisisiWhere stories live. Discover now