Dreamwatcher

121 5 4
                                    

"Uy Yves, panoorin mo 'to," sabi ni Byron habang sinusundot ako sa tagiliran ko. Wala naman akong kiliti roon. Nakahiga akong pagilid sa kutson, paharap at sagad sa pader.

     "Ayoko," ang tugon ko. "Pabangunin n'yo na lang ako 'pag tapos na kayong gaguhin ang Dreamwatcher."

     Tawa. "Gaguhin agad? E ikaw nga nag-suggest na i-testing muna natin 'yon."

     "Nagsisisi ako bakit kay Shim ko pa napili."

     "Ang boring mo, pare." Tumigil siya sa panunundot sa akin. "Palibhasa kasi supot ka."

     Pumikit ako. "Hindi ako supot, Byron ulol. Ayaw ko ng pinanonood n'yong panaginip ni Shim."

     May naramdaman akong paggalaw sa kutson sa may likuran ko, malamang dahil sa pag-alis ni Byron dito at pabalik sa iba ko pang mga kasama. Nagtakip ako ng tainga ko gamit ang isang unan para ma-muffle ang mga ingay ng isang lalaki at isang babae na parehong umuungol, at ang ploc, ploc, ploc na alam kong tunog ng pagsasalubong-layo, salubong-layo ng dalawang laman. Naka-max volume pa yata, halatang ibig akong asarin nina Byron. Ayun o, at naghahalakhakan sila. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang ilang mga kumento: "Putcha, ang wild oh!"... "Dali, Shim! Wakwakin mo na 'yan!"... "Grabe maka-wet dreams 'tong si ulol, supermodel pa tinitira!"

     Biglang tumahimik, at umangal sila. "Ba't ka gumising? Ganda na ng palabas eh!"... "Nakakabitin, syet!"... "Lamugin mo nga para makatulog ulit."

     Bumuntong-hininga ako saka bumangon. Tinungo ko ang mga kasama ko. "Tapos na?" sabi ko at nilapitan si Shim na nakaupo sa sofa. Inalis ko ang dalawang maliit na metal disks na nakadikit sa magkabilang gilid ng kanyang noo. "Alis."

     Tumayo si Shim, nagkakamot ng ulo. "Anong napaniginipan ko?" tanong niya kina Alem at Byron. "'Di ko matandaan." Pinaghahahampas siya ng mga ito sa kanyang likod at eksaheradong kinwento ang kanyang napaniginan.

     Tiningnan ko yung isa pa naming kasama rito, nakaupong cross-legged sa may pader, tahimik na pinanonood ang mga kasama ko. Hindi gaya kanina noong sumugod siya rito sa kwarto namin, nabawasan na ang pamumula ng mga mata niya at mukhang kumalma na.

     "Vinci, ikaw na dito," tawag ko sa kanya.

     Napalunok siya. Pumunta siya sa sofá at humiga rito. Idinikit ko sa magkabilang gilid ng noo niya ang metal disks na inalis ko kay Shim.

      "Anong tawag dito?" tanong niya.

     "Electrodes."

     Inihawak niya ang malamig niyang kamay sa pulsuhan ko. "'Pag nakita mo siya, gisingin mo 'ko ha."

     "Oo."

     "Ilang gabi na 'kong 'di natutulog e. Marami akong iniinom na caffeine. Ayoko namang mag-drugs pero... gusto ko na matulog e. Pagod na 'ko. Baka kasi isunod na niya 'ko. Kita mo yung mga kaibigan ko, namatay sa tulog."

     "E baka nga kasi busog natulog. O yung iba may kumplikasyon sa puso. May isa pa 'ata na na-overdose sa drugs."

     Inangat niya ang ulo niya at pinanlisikan ako ng tingin. "Gusto niya kasi 'di makatulog kaya nag-drugs siya! Natatakot siyang patayin nung batibat pero 'di niya na nakaya ang antok. Kaya please," humigpit ang hawak niya sa akin, "matutulog ako saglit. 'Pag nakita mo yung batibat, gisingin mo 'ko."

     Tango. Binitiwan niya ako at ibinalik ang ulo sa unan. . .

*Three hours ago, habang abalang-abala akong mag-install ng bagong algorithms sa maliit na algorithm box, nabulahaw ang konsentrasyon ko dahil sa malalakas at sunud-sunod na katok sa pinto. Iniwan ni Byron ang pakikipaglaro niya ng baraha kay Shim para pagbuksan yung salbaheng kumakatok. Pagkabukas na pagkabukas ni Byron ng pinto, mabilis na pumasok ang bagong-dating at nabunggo pa sa balikat si Byron kaya humampas ang likod nito sa pader. "Aray!"

DreamwatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon