Chapter Thirteen: Knockback

5.4K 95 63
                                    

“Robi?”

ang mahinang pagkumpirma ni Renzo nang makita ako. Kaagad siyang umupo ng kama.

“Don’t you know how to knock?!” ang sigaw naman ng babaeng kasama niya.

“I’m so-sorry” kaagad kong hinila ang pinto at Dumeretso papalabas ng apartment. Sumandal ako sa tabi ng pintuan pagkasara ko. Ginagawa ko ang lahat para hindi magsilabasan ang namumuong luha sa mga mata ko. Bakit ganun? Kung kelan naman na akala ko maayos na ang lahat, ganun pa ang madadatnan ko. Kaya kong intindihin na may mga bagay na hindi ko kayang ibigay kay Renzo kahit na gusto ko, even if I move mountains or fathom the sea; hindi ko kayang gawin ang imposible. But the fact that they did it on OUR bed; it shreds me into pieces. Akala ko pag-ibig niya lang ang unti-unting nawawala, pati pala ang respeto bilang tao ay pinagdadamot niya na sa akin. Napaupo ako sa sahig. Inboluntaryo kong pinapalo ang ulo ko sa dingding. Masakit pero mas masakit yung nasa dibdib ko. How could I even sleep there not remembering what I just saw. Hindi, sawang-sawa na ako sa kaiiyak sa iisang tao. Wala na akong maramdaman, manhid na manhid na ako. He battered me emotionally to the nth level, ugh. Nagbukas ang pinto.

“Robi”, ang tawag niya sa akin.

“Leave me alone” ang bulong ko.

“It’s not how you think it is” si Renzo. Napatingin ako sa kanya. “Let me explain”

“Ganyan na lang ba ang natitirang pagtingin mo sa akin? Hindi ako tanga. Hindi ko kailangan ng mga palusot mo, hindi ako pinanaganak kahapon para hindi malaman na you had sex with her in our bed”

“Robi, please I’ll-“

hindi ko na siya pinatapos magsalita.

“Tangina, Renzo! Ano bang hindi klaro sa linyang Leave me alone!” ang bulyaw ko sa kanya.

“Fuck!” ang eksklemasyon niya ng mabulyawan ko.

“Newsflash, Renzo. You just did it with her. Bakit naka-ilang rounds ba kayo at bitin ka pa? Go and bang her again on our stupid bed. You hear me? On our stupid bloody bed!” hindi ko na mapigilan ang galit na nararamdaman ko. I buried my head on my hands. “Go. It doesn’t matter to me anymore.”

Pumasok siya at hindi na ginawang isara ang pinto. Napabuntong-hininga ako. Nagtagal ako sa doon na naka-upo sa pasilyo. Pare-parehong tanong ang naririnig ko sa tuwing may ibang leaseholder na napapadaan sa harap ko; “May problema ba, Robi?” Automatic naman ang pag-iling ko habang nakatingin sa langit. Hindi nagtagal ay naririnig ko na ang boses ng babaeng nakasiping niya.

“Renzo, sino ba yun?” ang tanong ng babae na obvious naman kay Renzo. Wala akong narinig na tugon mula kay Renzo. “Parang walang breeding. Can he not knock?”

“Ako pa ngayon ang walang breeding! Sino kaya ang nakipagsex sa may lover na. Damn!” ang sigaw ng isip ko. Tumayo ako at kaagad pumasok ng apartment. Napatahimik ang babae. Hindi ko sila pinansin at agad akong dumeretso sa harap ng pintuan ng kuwarto. Sinimulan kong pulutin ang mga nagkalat na perishable goods. Bago ako tuluyang pumasok ay tinignan ko ang babae na kanina pa pala nakamasid sa akin. “I’m sorry, ha? I was not informed that I should be knocking on my own room’s door. If you at least have the decency; sana naglock kayo ng pinto.”

Pumasok ako ng kwarto at kaagad inayos ang mga damit ko sa closet. Nanggigigil kong binato ang mga pinabaon na jacket sa akin ni Renzo sa kama. Pinulot ko ang dalawang t-shirt at dalawang knitted jackets na binili ko para kay Renzo. Lumabas ako at binato kay Renzo. “O, ayan. Pasalubong ko sa’yo galing Baguio. You could give one to, excuse me, what’s your name?”

“Marjorie” ang sagot ng babae na si Marjorie. Ang palaging bukang bibig ni Renzo kapag nagkwewento siya tungkol sa trabaho.

“Marjorie, right. Dalawa yan. Bakit hindi niyo gawing couple’s shirt. I’m sure bagay niyo.” yumuko lang si Renzo. Obvious na naguiguilty sa nagawang kasalanan.

“Oh, Marjorie, want some coffee? I’ll make you some” ang tanong ko kay Marjorie. Pilit kong tinatago ang pagka-inis sa babaeng ito at ang galit kay Renzo. Pumayag naman ang hitad. Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape. Naimagine kong naglalagay ako ng rat killer sa isang baso ng kape. Pumasok si Renzo sa kusina at bumulong sa akin. “Robi, what are you doing?”

One Look First Generation Book 2: ItsumoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon