Sabihin mo WALANG DIYOS

16.1K 322 238
                                    

Based on a true story.

 ~

Ito ay kuwento ng isang highschool student na itatago natin sa pangalang Danica. 

Si Danica ay isang pangkaraniwang estudyante na masayahin, madaldal at pala-kaibigan. Normal katulad ng bawat isa sa atin, hanggang dumating ang araw na hindi niya inaasahan. Ang araw na sumubok sa kanyang paniniwala. Ang araw na nagpabago ng kanyang normal na pamumuhay. Siya ay nag-aaral sa isang pampublikong paaralan na matatagpuan sa isa sa mga lungsod dito sa NCR.

Nangyari ang kuwento nang minsang mag-shoot sila sa kanilang paaralan para sa isang documentary  na iniatas ng kanilang guro sa Filipino bilang isang proyekto. Pinangkat ng kanilang guro ang klase nina Danica, lahat naman ay kaibigan niya kung kaya't walang kaso sa kaniya kung kaninong grupo man siya mapabilang. Nang bumilang ang bawat estudyante ng hanggang 6 ay napasama si Danica sa Group 3. Kasama sina Paula, Sasa, Cathlyn, Serdna, Alvin, Mon at Sis. Bale Walo sila sa Isang grupo. Sa klase kasi nila ay mayroong 48 na estudyante. Natuwa naman si Danica dahil kaibigan na niya ang mga ito. Mas magiging magaan ang kanilang trabaho dahil magkakaibigan sila. 

Pinabunot sila ng kanilang guro na si Ms. Patricia ng kanilang magiging tema para sa kanilang gagawing dokumentaryo. Si Paula ang bumunot dahil napagkaisahan nila na siya ang magiging pinuno  ng kanilang grupo.

PARANORMAL..... ang nabunot ni Paula. 

Agad na nag-usap ang kanilang grupo kung paano sisimulan ang naturang proyekto. "Any Idea kung paano natin sisimulan yung documentary?" Tanong ni Paula sa kaniyang mga kasama.

"Paranormal, parang ang hirap naman yatang gawan ng documentary yan." Saad ng matabang si Serdna.

"Oo nga. Anong atake gagawin natin? Parang ghost hunting?" Segunda ng mestisa at medyo payat na si Cathlyn.

"Mahirap 'yun. Wala tayong kasama na expert sa mga ganiyang bagay, baka kung ano pa ang mangyari sa atin." Muling pagbibigay ng saloobin ni Serdna.

"Yeah, he's right. Mahirap na, baka makagambala tayo ng mga espiritu." Pagsang-ayon ng lider na si Paula.

"What if mag-research na lang tayo sa community natin ng mga horror stories and i-re-enact natin. Parang yung sa Magandang Gabi Bayan?" Pagbibigay suhestiyon ng matangkad, kulot ang buhok at payat na si Danica. "Good Idea. Ok lang ba sa inyo yung ganun?" Tanong ni Paula sa lahat.

Sumang-ayon naman ang lahat sa Ideya ni Danica.

"So bawat isa sa atin ay maghahanap ng istorya na mayroong kababalaghan. Pili na lang tayo ng pinaka-nakakatakot at yung makatotohanan. Pwede kayong magpakuwento sa mga kamag-anak o kung hindi kaya ay sa mga kapit-bahay ninyo." Paglalahad pa nito.

"Guys, eh kung huwag na kaya tayong lumayo. Dito na lang tayo sa school mag-shoot. Hindi ba maraming kuwento dito ang ibang mga estudyante? Kesyo may white lady daw sa CR, may babaeng umiiyak sa third floor, at may nakitang pugot na ulo yung dating guard." Sabay sabat naman si Cathlyn.

"Sinong guard? Si mang Teban?" Magkasunod na tanong ni Danica sa mga kasama.

"Oo. Kaya daw siya nag-resign dahil dun." Sagot sa kaniya ni Cathlyn.

"Nagpapaniwala ka dun, hindi iyon nag-resign. Tinanggal siya kasi nangmomolestiya daw ng elementary students." Bulalas ni Danica na nagpahalakhak sa buong grupo.

"Totoo?" Hindi makapaniwala si Cathlyn.

"Oo. Pero maganda yung naisip mo, para dito na lang tayo mag-shoot sa school." Muling pagsang-ayon ni Danica.

"Ok, sige guys. Sa biyernes na natin simulan yung video. Yung mga kuwento na lang dito ang gagawin natin, para dito na lang din tayo mag-shoot. Sino sa inyo ang may videocam?"  Tanong ni Paula.

Sabihin mo WALANG DIYOSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt