Chapter 1 - Hold - up

100K 1.8K 98
                                    


Kaede's POV

"This is hold–up! Give me your money right now or you'll be bloody dead!" Nanlaki ang mata ko sa gulat matapos marinig ang sinabi ng isang lalaki.

"God! Wag niyo po akong saktan! Twenty pesos lang po talaga pera ko. Kahit tingnan niyo pa po ang wallet ko," pikit-mata na sabi ko sa hold-upper sabay lahad ng aking wallet.

Bakit ba ang malas mo kahit kailan, Kaede?

Kakauwi ko lang galing sa Unibersidad na pinapasukan ko at sa kasamaang palad ito pa ang inabot ko.

Ang mahold - up. Mukha ba akong mayaman sa paningin niya?

"Are you kidding me? The University that you're studying at is a school for rich people and you're telling me that you don't have money? Impossible!" galit na sabi niya sa akin habang hawak ang kamay ko na nakahawak sa aking wallet.

"Scholar lang po ako! Please wag niyo po akong patayin," naiiyak na pagmamakaawa ko sa kaniya.

Takot na takot ako kasi ito ang unang beses na may nanghold-up sa akin.

Nagmamakaawa ako dito para di ako patayin dahil sa panahon ngayon kapag ganito ang sitwasyon at wala akong maibigay, siguradong buhay ko naman ang kukunin.

"Wag mo nga akong i-po-po miss. We're at the same age. And why would I kill you? I'm not a killer." He scoffed.
Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin ng lalaki na hindi niya ako papatayin.

Nakapikit pa rin ako at nakatalikod. Nasa likod ko yung hold - upper kaya 'di ko makita ang mukha niya.

"Just give me that twenty pesos of yours. I can buy a drink with that. Fuck! I'm so thirsty," he said while cussing a lot.

"Ok. Ito na po."

Kahit nagtataka at nagugulahan ako sa pinagsasabi niya, binigay ko na lang ang natitirang kong pera.

Ngayon wala na akong pera kahit pamasahe man lang. Pero at least, safe na ako.

Binitawan n'ong lalaki 'yong kamay ko sabay kuha ng pera sa likuran nang walang kahit anong salita pa. Umikot ako paharap sa lalaki ngunit nakatalikod na rin ito pagkaharap ko.

Pinagmasdan ko ang kabuoan ng hold-upper habang nakatalikod sa akin at may napansin akong kakaiba. Hindi siya isang tipikal na hold-upper. Bukod sa magaling siyang mag-english, maganda din siyang manamit.

Matangkad siya. Hindi maputi at hindi din masyadong maitim. Parang moreno at may malapad na balikat. May tikas ang tindig at maganda din ang pangangatawan.

Bigla akong natauhan.

Sinusuri ko ba ang kabuoan niya? Nababaliw ka na, Kaede!

"Okay! Thanks! I'll pay you once we meet again," sabi niya habang nakatalikod sa akin. Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

"Why did I even forget to bring my wallet! Damn it." Narinig kong binulong niya saka naglakad papalayo sa akin.

Mas lalo na talaga akong naguluhan sa kanya. Sinong hold-upper ang magbabayad o magsasauli ng perang ninakaw nila? Wala talaga.

Kahit na takot ay hindi ako nagdalawang-isip na itanong ang kanina pang tumatakbo sa isip ko.

"Hold - upper ka ba talaga?" diritsong tanong ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin. Muntik na akong mapansinghap nang makita ang kaniyang mukha At tama nga ang hinala niya. Hindi panghold - upper ang mukha niya. Pwede pa nga itong maging isang modelo. May aura ito na nagsasabing siya ang pinuno. May class rin ito kong kumilos.

At napakagwapo niya rin. Kahit seryoso at strikto ang mukha niya, di maipagkakailang gwapo talaga.

Superiority ang bumabalot sa kanya. Mayaman din siya kung titingnan mo siya mula sa ibaba, pataas. Hindi talaga siya mukhang hold - upper kung iyong aanilisahin lahat.

"What do you think?" balik tanong n'ong lalaki habang nakatingin sa akin na walang emosyon.

"Sa tingin ko hindi. You are fluent in english. The way you dress, maganda. At ang hold-upper kailanman 'di nagbabayad ng kinuha niya," diri-diretso kong sabi.

"Yeah, I'm not! Satisfied?" walang emosyong sagot na naman niya. "Kung wala ka ng itatanong. Can you excuse me?"

Bago pa ito makaalis ay nakita ko itong may sugat sa braso. My kind self kicked in.

"Sandali!" tawag ko sa kaniya na ikinatigil niya sa paglalakad at pumihit paharap sa akin. "M-May sugat ka sa braso. It's bleeding," I said, panicking.

"Yeah! I know! It's just a small cut---" Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay hinawakan ko na ang braso niya.

"Halika," sabi ko sabay hila sa kaniya.

"Hey!" inis na reklamo niya dahil sa paghila ko. "What's wrong with you?! Why are you dragging me?! You little girl!" galit na sabi niya habang inaakay ko siya papunta sa isang bench.

"Sit down." Pinaupo ko siya sa bench na malapit lang sa kinatatayuan namin. "May alcohol at bulak ako sa bag. Lilinisan lang natin ang sugat mo," sabi ko sabay kuha nito sa bag ko.

"Are you a freaking nurse? It's just a fucking small---" Di na naman niya natapos ang kanyang sasabihin ng diniinan ko ang paglapat ng bulak sa sugat niya. Dumaing siya sa sakit.

"'Wag mo namang masyadong diinan! Aray!" pagrereklamo na naman nito.

"Daplis lang? Yan ba ang sinasabi mong daplis? Kung maka-aray ka nga nga jan eh. Hindi ako nurse, pero naging member ako ng red cross," sabi ko sa kaniya sabay kuha ulit ng panibagong bulak, nilagyan ito ng alcohol at inilapat ulit sa sugat nito.

"Aray! Paki dahan-dahanan naman," inis na reklamo ulit niya.

Natawa ako bigla sa kaniya. Naaaliw akong tingnan siya na gan'on na lang kung maka-aray. "Ok, wait lang. Lalagyan ko na lang ng band-aid," sabi ko sabay dikit n'ong bad-aid sa sugat niya. "There! Malinis na at okay na ang sugat mo," dagdag na sabi ko tapos ngumiti sa kaniya.

"Why are you smiling? " tanong niya na medyo may inis na tono.

"Nothing!" sabi ko sa kanya habang pinipigilang ang pagtawa.

"Thanks..." maikling sabi niya sa akin na ikinangiti ko.

"You're welcome!" Napatingin ako bigla sa aking orasang pambisig. "Shocks! Malalate na ako! I have to go! Mag-ingat ka sa susunod," sabi ko sa kaniya sabay nagmamadalimg umalis. 'Di na ako natatakot sa lalaki. Nararamdaman ko kasi na di naman talaga siya masamang tao.

Nagmamadali ako dahil may trabaho pa ako sa oras na ito. Seven in the evening na kasi. Tinapunan ko nang huling tingin ang lalaki at nakita ko siya napailing at parang nagtataka.

Umalis na rin siya sa kinauupuan namin kanina at naglakad palayo sa akin.

Devilicious 7 Gangster  [Under Major Revision]Where stories live. Discover now