Prologue

10 0 0
                                    

"Saan ba tong TBA na to?" Pinagmamasdan ko ang aking Certificate of Registration na naglalaman ng schedule ng aking klase. Napakamot na lamang ako kahit na kanina ko pa ito tinitigan.

Nakaka-tatlong linggo na ako dito sa maynila, naka dorm din ako sa P. Campa dahil narito na ang pinakamalait at pinakamurang dormitoryo mula sa FEU. Ngunit, hindi ko parin malaman kung ano nga ba ang TBA sa aking schedule.

Alas siyete na at may klase ako ng alas nuebe sa NRH 108 para sa ENG101. Alam ko na ang building dahil isa iyon sa mga building na kailangan mong puntahan upang makapag enroll. Ngunit, ang sunod ay ang TBA para sa aking klase na NATSCI1.

"Uy Penelope, anong oras ang klase mo? Maliligo kana ba?" Tanong nang aking dorm na si Nicole.

"Oo sana. May klase na kasi ako ngayong 9. Liligo kana din ba?" Tanong ko.

"Ay ganun ba, sige mauna kana kasi 10:30 pa naman ako." Sagot nyang nakangiti at tumayo. Magluluto siguro sya ng pagkain nya.

Bagong routine nanaman ang aking gagawin. Sa loob ng labing pitong taon, nabuhay ako sa batangas at ngayong college, naisipan kong magaral sa FEU.

Mula sa payak na pamumuhay, ninais kong magaral sa FEU upang magaral ng Marketing Management.

Matayog ang pangarap ko, gusto kong makapagtayo ng sariling advertising company at makapag invest sa real estate.

Sa minsanan kong pag babakasyon dito sa manila noon, napagtanto ko kung gaano kalaki ang pera na makukuha sa mga condominiums, housing, at commercial buildings.

Ngumiti na lamang ako at nagsimula na mag ayos dahil naalala ko nanaman ang lalaking nakasabay ko nung enrollment.

"Ate, may extra ballpen kaba?" Napalingon ako sa lalaking kumulbit sakin habang nag fifill up ako ng form for enrollment. Makapal ang pilik mata nya, ito ang una kong napansin sa kanya. Matangos ang ilong at maamo ang mga mata nito. Naka plain sweater syang gray, at itim na pantalon.

"Ahh, oo meron, teka."  Tinignan ko ang aking bag at napagtantong naiwan ko ang aking pencil case na puno ng maraming ballpen.

Ngunit, ayaw ko namang mapahiya kung kaya't naisipin ko nalang ibigay ang gamit ko.

"Ahh, eto nalang gamitin mo, kukunin ko lang sa papa ko yung extra ko." Sagot ko sa kanya at inabot ang ballpen kong pilot.

Kumunot ang kanyang noo pero tinanggap din ito, ngumiti sandali at nagsulat na.

Dali dali akong tumayo dala ang bag at papel na finifill up-an ko at lumayo sa kanya. Kailangan kong panindigan na meron akong extra ballpen sa papa ko!

Hinanap ko ang tatay ko ngunit wala sya sa paligid. Malamang ay naggala gala sa paligid ng morayta dahil ini-inspect nya kung maayos at safe ang lugar.

Napabuntong hininga ako lumabas sa Gate 4 upang bumili ng ballpen sa may Jollibee. Marami namang nagbebenta ng mga abubot dito sa labas. Puno din ng computer shops at kainan. Mabubuhay na ako dito.

Pagkabili ko ay bumalik ako sa pwesto at napansing wala na ang lalaki. Napanguso ako, amg bilis naman nya?

"Kala ko maabutan ko pa sya." Umiling ako at tinapos na ang form. Palabas na ako at patungo sa huling step, ang pagpapasukat ng uniform at napansin ang lalaking nanghiram ng ballpen sakin kanina!

Sya yun! Ang tangkad nya! Semi kalbo ang buhok, at naka vans na itim. Siguro dancer sya, ang sungit nya tignan, pero kanina sobrang amo ng mukha nya.

May mga ganun palang tao. Naglakad na ako papasok ng building dahil napansin kong palabas na sya mula sa building na iyon.

Ang bilis naman nya makatapos. Siguro dinadaan nya sa maamong nyang mukha palagi para mauna sya. Napangiti ako sa inisip.

Pinagmamasdan ko lamang sya habang naglalakad palayo. Pag ito tumingin sakin, iisipin kong sinadya nyang manghiram ng ballpen sakin kanina para magpapansin!

Papasok na ako ng NRH Building ngunit tumigil pa ako at nilingon sya. Nasa gitna na sya ng lover's lane sa tapat ng Science Building, malamang derederetso na sya palabas ng Gate 3.

Lumingon ka, lumingon ka... Isip-isip ko. Pumikit pa ako ng 5 segundo para dito at pag mulat ko, dere deretso parin sya ng lakad.

Ngumuso na ako at napairap.. walang destiny! "Tss." Sumbat ko.

Tatalikod na sana ako at papasok na ng building ngunit laking gulat ko ng bigla itong lumingon pabalik at nagsalubong ang aming mata.

Parang nagulat din sya nang makita ang mata ko at napaawang ang labi.. Bakit ka nagugulat? Hinahanap mo din ba ako?

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Ayaw ko mag assume. Walang destiny. Hindi nya nirarason ang ballpen, pero para saan ang gulat sa mukha mo?

Mabilis syang humarap ulit at napansing bumilis ang lakad. Napakarami nang naglalakad at nawala na syang tuluyan sa aking paningin.

Makikita ulit kita, at sa susunod na lingunin mo pa ako, iisipin ko na talagang meant to be tayo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He who Looked BackWhere stories live. Discover now