Ako'y liwanag sa iba,
Nagbibigay gaan loob,
Ngunit kapag nag-iisa,
Sa dilim nagkukubkob.Dala ko'y iba't ibang kulay,
Ipinipinta sa kanilang buhay,
Ngunit ako'y isang liwanag,
Isang hindi nakikitang bihag.Ikaw ay isang mapulang rosas,
Sa kalungkutan nakaposas,
Mga tangkay na sa dilim nakagapos,
Mga talulot na sabik sa haplos.Sumasayaw nang sabay sa hangin,
Halimuyak ay tila kumakalat,
Mga matang mapupungay ang tingin,
Mala-morenang kulay ng balat.Ngunit natakpan ang liwanag,
Ng isang ulang mapanatag,
Ang ulang pinananabikan,
Ng rosas na aking minamasdan.Tila napakadaya ng tadhana,
Sa amin ay sila lang ang maligaya,
Nawala na ang liwanag sa eksena,
Naiwan at muling nag-iisa.200517