I love you. Do you love me? (ONE SHOT)

99 3 1
                                    

(A/n: First time ko pong gagawa ng one-shot. Hihi. Habang di pa ko ginaganahan mag-update sa iba kong stories. Tumal kasi ng votes tas reads. Nakaka-suicide. <//3 Osha, sana maenjoy niyo to. Pakinggan niyo yung video sa baba habang binabasa niyo. :D)

---------------------------------------------------------------------------------

"Good morning, love. :*" Naks! Ang sarap talaga gumising ng may sweet good morning text galing sa mahal mo. Nakakawala ng antok! Haha. Kaya ko ng magtumbling ng 10 beses. Hihi :""> Pagpasensyahan niyo na, kinikilig ako e. (> 3 <)

"Good morning :*" maikling reply ko naman sa boyfriend ko. Yan ang usual naming gawain. Kahit araw-araw e ganyan, di naman ako nagsasawa. It's always like the first time. :)

Nga pala, ako si Almond. Alam ko, ang weird ng pangalan ko, wag niyo na kong asarin. >3<  8months na kami ng boyfriend ko. Di pa naman kami ganun katagal, pero matagal na yun kung ikukumpara sa karamihang relationships, diba? Hehe. Jeremy ang pangalan niya. Matangkad, matangos ang ilong, maputi, at gwapo. Best friend ko siya simula palang nung highschool ako. Matagal ko narin siyang crush kaya di na ko nagdalawang isip pa na sagutin siya. 1st year college na ng maging kami, 4months after magbreak kami ng ex ko. Same school kami, magkaibang course nga lang. 

Parati kaming magkasama nung mga unang months palang. Ang sweet sweet niya sakin, parati niya kong tinetext, nauubos na nga baon ko kasi araw araw ako nagloload para lang makatext ko siya. Kaya ayun, poor na ang peg ko. Haha!

Madalas kami mag-away dahil sa mga simpleng bagay..

"Ano na naman yang suot mo?" Ano bang masama sa suot ko? E simpleng t-shirt at pants lang naman 'to e. -.-"

"Ano na naman ang masama sa suot ko?" E hello? Maayus naman ako manamit, di ako revealing tulad ng mga ibang kabataan diyan. Bagay naman sakin e. Cute ko kasi. Hihi ^_^v

"E tingnan mo kaya yang sleeves ng t-shirt mo! Ang laki oh, nakikita na yung kili-kili mo sa loob. Ayusin mo nga yan!" Ay ganon? Maputi naman kili-kili ko ah. T^T

"Para nalang kili-kili e. Aish! Oo na! Oo na! Asar naman e." Sa totoo lang, nagsasando naman ako dati e. Siya lang naman nagturo sakin na parati dapat akong naka t-shirt at pants lang. -.- Ang manang na nga ng dating paminsan e. Pero maporma naman ako kaya nagagawan ko ng paraan para mabuhay tingnan ang suot ko.

O see? Sabi na sainyo e. Pero wala yan sakin, mahal na mahal ko e. Pananamit lang naman, no prob. Sobrang nagki-care lang talaga siya sakin. E magpatuyo nga lang ako ng pawis e nagagalit na yan e. May sakit kasi ako kaya di talaga pede ang ganun sakin. 

Ang sweet niya na nakakainis, diba? (> 3 <)

Pero mas naguumpaw lang talaga ang "nakakainis". Haha! ^0^

-----------------------

"Rem! Samahan mo naman ako sa mall oh. Ang boring boring kasi. Huhu. T^T" text ko kay Jeremy. Rem ang tawag ko sakanya, e ang haba kaya ng Jeremy. Haha! :D

Aish! 10 minutes na e di parin nagrereply. Ano na naman kaya ang ginagawa ng tukmol na yun? -.-

Oh! 30 minutes na! Leche naman e. Ayoko pa namang pinagaantay ako ng matagal. -_-"

*Ting!*

Agad kong chineck ang text niya. Kahit parati na siya inaabot ng 9000 years bago magreply, parati parin ako mabilis magreply. E mahal ko nga kasi. Hay

"Ally, di pede e. Sorry, andito kasi barkada. Maglalaro daw." - reply ni Rem.

Ohw, okay. DOTA na naman. Lecheng DOTA na yan! Ba't pa kasi yan naimbento? Err. Hay. Okay, bahay na naman ako buong araw. :| Sembreak kasi namin ngayon, kaya sobrang boring talaga pag nasa bahay ka lang, habang yung mga kaibigan mo nagsiuwian sa mga probinsya nila nagsasaya kasama mga mahal nila. Habang ako, eto, nasa bahay at katapat na naman si Facebook. Umay na umay na ko sa Facebook e! Pakshet. Nakakainis.

I love you. Do you love me? (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon