RPW 1

7 2 0
                                    

Ano nga ba ang RPW? Role Play World? Para sa'yo, ano nga ba? Para sakin kasi, ito na kinikilala kong mundo. Dito na ako sumaya, dito na ako nalungkot, dito ako na inlove, dito din ako nasaktan.

I'm Nicole. You can call me Nic, or kung ano gusto mo total epal ka. Chos. So pano nga ba ako napunta sa RPW? Simple lang. Kasi bored ako. Bored ako kaya gumawa ako ng ibang account and then, boom! Syempre first time sa mundo ng RP, wala talaga akong ka alam alam sa mga terms na ginagamit nila, like, LBDP, SH or SBH, at kung ano ano pa. So ayun random add, accept, sali sa mga group chat.

Kinalaunan, nakasali ako sa tinatawag nilang SBH or SisBroHood, group din siya pero pinagkaiba lang is may mga acts or activities kami na ginagawa. Pakapalan talaga ng mukha sis kasi kadalasan sa act na ginagawa is, mag chat ka ng ibang role player kahit hindi mo kakilala magawa lang yung act.

And then one day, nag pagawa ng act yung founder at co-founder namin. Mag chat daw kamo kami ng tatlong boy role player, at sabihin naming BAKIT ANG GANDA KO? Oh diba damuho sila kung ano ano pinapagawa, eto naman kaming mga uto-uto haha. So ayun hanap ako ng tatlong boy role player, hanggang sa nag reply na yung isang chinat ko.

"Act?" Sagot niya. His name is Dam, short for Damian Monteverde. Bantot no? RP na nga lang bat hindi nya pa pinagwapo name nya haha.

"Amp. Oo hays."

"Hahaha. Bakit ang ganda mo? Di ko alam. Ang alam ko lang mas gaganda ka kung andito ka sa piling ko." Wow galawang pakboy is real.

"Potek pakboy. Sge salamat."

"Wow judger ka cyst? Biro lang oy. Napaka seryoso mo naman hahaha."

At dun na nag simula lahat, ayaw ako tantanan eh. Naging close kami sa isa't-isa. Masyado syang makwela, nakakadala. Nakakafall. Rupok ko no? Ikaw din naman ah.

"Kumain ka na. Wag ka papagutom, mamahalin pa kita." Sabi niya at pinatay niya agad ang call. "Parang tanga to, pa fall potek." Nasabi ko na lang sa sarili ko at saka ako kumain. Hindi ko na muna siya chinat kasi alam kong talo na talaga ako. Na fall ako sa isang role player. Paano kung hanggang Rp lang talaga gusto niya? Paano ako?

Makalipas ang ilang oras, nag pasya na akong mag online ulit. Nagulat ako kasi tadtad na nya ako ng chat. Panong gulat? Secret.

"Tae ka ganun mo ba ako kamiss?" Tanong ko sa kanya. Magkachat lang kami ngayon, ayaw ko muna siyang katawag, nakakatakot baka kung ano nanaman sabihin eh.

"Kinain mo ba pati kutsara, tinidor at plato? O baka hinugasan mo pati pinagkainan ng kapitbahay nyo?" Ani nya. Aba agalet ka koya? Pero in fairness kinilig femfem ko ng konti lang. Eeek eek.

"Sorry naman no, may iniisip lang kasi ako."

"Wala kang balak ikwento sakin kung ano yang bumabagabag sa isipan mo?" Hay nako pano ko ba sasabihin sa kanya na sya mismo bumabagabag sa isipan ko.

Kumuha muna ako ng lakas ng loob para masabi ko sa kanya lahat. Saan ako kumuha? Secret ulit. Baka ubusin mo pa damuho ka.

"Kasi Dam, nahuhulog na ako."

"Saan? Umayos ka ng pagkakahiga. Or ayusin mo pag-upo mo. Ano ka, bata? Nic ok ka pa ba?" Sabi nya. Sarap kausap no? Yung tipong gusto mong ipasok kamay mo sa phone mo palabas sa phone nya para lang masapak sya.

"Hindi kasi. Tado ka. Nahulog na ako sayo. Hindi ko alam kung kelan, basta ko na lang naramdaman na mahal na pala kita :(" Nasabi ko din. Kinakabahan ako sa isasagot nya pero bahala na.

Medyo matagal din bago sya nag reply. Na awkward siguro dahil sa sinabi ko.

Damian Monteverde is calling you on messenger*

Potek na yan! Nakakakaba sagutin. Pero eto na sasagutin ko na. Bigyan nyo ako ng napakadaming lakas ng loob please!

"Dam?"

"Nic." Potek ang seryoso ng boses. Nakakadugdug lalo sa heart.

"Hmm?"

"Gusto din kita Nic. No. Mahal na kita." What the?! Tama ba narinig ko? Mahal nya daw ako? Seryoso nga?! Hooooy puso koooo!

"Wait. Hahaha. Seryoso ka ba jan?"

"Oo. Pero."

"Pero?"

"May girlfriend na ako Nic. I'm sorry."

Nawala ang saya ko sa sinabi niya. Napalitan ng kirot. Haha. Pwede ba mag mura? Kahit ngayon lang oh pagbigyan nyo na ako. Isang beses lang.

"Nicolet? Hello? Nicole?"

Kalma self. Okay lang yan. Di naman masakit diba? Okay lang yan. Okay lang. Okay lang.

"Ahh. Hahaha. Ano ka ba! Alam ko naman yun,--(kahit sa totoo lang hindi)--hindi pa naman siguro ako late para sa April fools diba? Hahaha."

Ang hirap mag pilit ng tawa. Alam nyo yun? Yung gusto mong umiyak habang kausap sya. Pero anong karapatan ko? Haha. Hanggang kaibigan lang ako.

"Nicole."

"Okay lang talaga ako, Dam. Haha. Wag mo akong isipin okay? Okay lang ako. Sige mamaya ulit ah."

"Per---"

Di ko na siya pinatapos mag salita at pinatay ko na ang tawag. Okay lang ako. Okay lang ako.

"Nicole! Lumabas ka jan may nag hahanap sayo kaibigan mo daw!"

Nagising ako sa boses ni mama. Nakatulog pala ako. Sino nanamang lapastangan ang dumalaw sakin.

Nag hilamos muna ako bago ako lumabas ng kwarto. Baka kasi may muta pa nakakahiya naman yun. "Aish! Maga agad mata ko? Saglit lang naman ako umiyak ah! Kaenes ka selp!" Nag toothbrush at saka lumabas ng kwarto.

"Ma! Sino yan?" Pasigaw na tanong ko. Hindi naman ako galit. Nasa kusina kasi si mama di nya ako maririnig syempre kung hindi ako sisigaw.

Lumapit si mama sakin at saka humarot. "Ewan di ko kilala. Kaibigan mo daw sya. Pero, in fairness ah galing mo naman mamili ng kaibigan."

"Bakit ma?"

"Ang gwapo eh. Puntahan mo na. Pinapapasok ko kanina, sabi niya sa labas ka na lang daw niya hintayin."

"Sige po puntahan ko lang ma."

Agad akong lumabas ng bahay, at laking gulat ko nang malaman ko kung sino ang dumalaw sakin.

"Dam?!"

Role Play WorldWhere stories live. Discover now