1

169 5 0
                                    

You were my Orion and I was your star.

Diyan tayo nagsimula 'di ba?

Nakakatawang isipin na ako pala yung unang gumawa ng move para makilala kita. Nakita kasi kita sa basketball court non sa school eh. Ang gwapo mo tignan habang nagdidribble ng bola.

Ibang iba yung tikas mo. Broad shoulders, moreno, chinito, tapos ang cute ng ngiti mo. Nahumaling tuloy ako!

So pagkauwi ko nung araw na yun, tinanong ko sa mga classmates mo kung anong pangalan mo. Talaga palang may lahi kang chinese kaya ka chinito.

Inadd pa nga kita sa facebook eh. Kaso hindi ka ata nag-aaccept ng hindi mo kilala kaya feeling ignored tuloy ako. May girlfriend ka pa nga ata nung time na yun kasi nakita ko yung picture niyong dalawa. Sakit sa heart huhu. Charot lang! Syempre stalk stalk lang ang peg ko.

Ilang araw lang ata ang nakalipas nun, tinanong ko na number mo. Nakakatawa talagang ako nanghingi ng number mo, and take note, sa kaklase mo pa talaga.

And atlast! Inaccept mo na din friend request ko. Medyo nalungkot pa nga ko nun kasi nauna mo pang iaccept yung sa bestfriends ko kaysa sakin na naunang mag-add sayo! Medyo unfair ka din eh no?

Tinext kita nung nakuha ko na number mo, syempre simpleng "Hi" lang.

At syempre, hindi ka nagreply. Aray ko. Ilang araw din yon hanggang sa nagreply ka.

Pero kung minamalas ka nga naman! Kung kailan wala akong load saka ka nagreply! Gabi na kaya hindi na ko nakalabas ng bahay para magpaload. Pero pag gusto may paraan. So nangutang ako ng load sa Globe. 3 texts lang yon kaya kinakabahan ako kung paano susulitin yon, to tell na first conversation natin yon.

"Itatawag ko na lang sayo Orion." Naalala mo yan? Yan yung tinext ko sayo kasi wala lang. Trip ko lang tawagin ka niyan. Inspired kasi ako stars tsaka sayo kaya naisip kong ayan na lang itawag ko sayo.

"Oh sige. Tawag ko narin sayo Orion." Natawa talaga ako nung nireply mo yan. Hindi mo pala alam yung mga constellations kaya wala kang idea na lalake si Orion.

"Hala panlalake lang si Orion, star na lang itawag mo sakin." Wala na kong maisip na ipantatawag mo sakin kaya naisipan ko na lang gawin star. Tutal nandiyan lang naman ako para sayo. Naks!

"Oh sige sige, tatawagin na lang kitang star :)" kilig naman ang ate mo! Hahahaha. Kaso ito nga problema ko. 3 texts lang ang meron ako. So isa na lang natitira. Pero dahil sa gusto kong makausap ka pa, hala sige text pa. Hindi na lang naggoodnight para hindi bitin ang text.

Nakalimang text na ko pero what!! Hindi parin sumasablay yung mga sinesend ko. Akala ko 3 lang, bat nakalima na ko? Pero akala ko tuloy tuloy yun, nung nag-"Goodnight na matutulog na ko eh." ka na, at magrereply na ko nun, saka naman ako nawalan ng load. Last na eh! Hindi pa ko pinagbigyan huhu.

But it was really nice to text with you even for a short while.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahal Kita Pero Bawal MafallWhere stories live. Discover now