Chapter 84: Mangga

10.3K 282 32
                                    

Chapter 84: Mangga

Nakasimangot ako habang pinapanood si Tiyang Annie na abala sa paglalagay ng mga plastic container na may  lamang kanin at ulam sa loob ng isang bayong. Naging natural na yata sa  ang magmaasim, sumimangot at magsungit.

At ito ay dahil kay Kley.

Dumaan ang dalawang araw at sinubukan ko talagang iwasan si Kley. Sinusubukan ko kahit medyo imposible man dahil nakatira kami sa iisang bahay at kahit anong gawin ko ay makakasalubong at makakasalubong ko pa rin siya.

Hindi ko rin siya masyadong kinakausap. Tinatawag ko lang siya kapag kakain na o kaya ay magpapasalamat lang ako kapag pinag-igib niya ako ng tubig na pampaligo. Bukod doon ay wala na akong sinasabi sa kanya, hindi ko pinupuna ang mga ginagawa niya tama man iyon o mali.

Kailangan kong gawin to para hindi matibag ang mga pader na ginawa ko sa pagitan namin dahil aminin ko man o hindi, presensya lang niya ay parang lumalambot na ang puso kong tanga.

Mahirap na dahil baka bigla akong mawala sa huwisyo at mapatawad ko siyang bigla. Kaya mas maigi na munang dumistansya para makapag-isip ako ng magandang plano para mas mapahirapan siya.

Para kasing sisiw na sisiw lang sa kanya ang pagsisibak ng kahoy at ang pag-iigib ng tubig. Ang nangyari lang ay mas lalong gumanda hubog ng maganda na niyang katawan. Damn his abs.

"Aba Cielo, nagiging ugali ng mo na yata ang pagsimangot," puna sa akin ni Tiyang nang marahil ay mapansin niya ang hindi ko maipintang mukha. Inabot niya sa akin ang bayong na kanina ay nilalagyan niya ng pagkain. "Iwas-iwasan mo iyann dahil baka paglabas niyang baby ko ay nakasimangot din."

"Naiinis lang po ako, Tiyang," katwiran ko at umayos ng tayo.

"At bakit naman, aber? Wala namang mga umaaligid na fans ni Kley kaya hindi ko malaman kung bakit kay aga-agay wala ka sa timpla," nanunukso pa niyang wika.

"Hindi naman po ako sa kanila naiinis kundi kay Kley mismo. Lagi na lang po siyang nakaaligid sa akin, ayaw niya akong lubayan kahit saglit lang," madrama kong reklamo. "Ito nga po at hahatiran ko lang ng pagkain si Tiyong sa bukid ay sasama pa siya. Sabi namang kaya ko na ang sarili ko pero nagpupumilit siya. "

Nagtatrabaho si Tiyong bilang caretaker ng isang malawak na taniman ng mangga at dahil anihan ngayon ay talagang abala siya. Maaga siyang umalis ng bahay kanina kaya hindi na niya nahintay na makaluto ng baon niya si Tiyang.

Nagprisinta naman ako na ako nalang ang maghatid ng pagkain ni Tiyong. Hindi naman kalayuan yung taniman na pinagtatrabahuan niya kaya pwedeng lakarin at sanay na naman ako na nagpupunta doon lalo na noong bata pa lang ako.

Isa pa ay binilinan din ako ni Dra. Sarmiento na laging maglakad-lakad as form of excercise.

Ang problema, ay nagprisinta naman si Kley na samahan ako. Ang gusto ko ay dumistansya sa kanya kahit kaunting sandali lang but he insisted. At ang masama pa ay sinang-ayunan siya ni Tiyang. Nagkampihan silang dalawa laban sa akin.

Napailing na lang si Tiyang sa sinabi ko. "Pagbigyan mo na, Cielo. Wala namang masama kung samahan ka niya. Hayaan mo na siya sa kagustuhan niyang alagaan ka."

I squintedy eyes. "Malapit na akong maniwala na may pinakain na kung ano sa inyo si Kley. 'Di ba dapat tayo ang magkakampi pero bakit sa tingin ko ay mas palagi ninyo siyang pinapaburan?"

"Hindi ko siya pinapaburan si Kley. Ikaw ang pamangkin ko kaya ang kabutihan mo ang palagi kong uunahing isipin."

What? Kabutihan ko?

"Ibig mo bang sabihin Tiyang, naniniwala ka na makakabuti para sa akin si Kley?" I incredulously asked.

"Siya ang ama niyang baby mo, Cielo at gusto ka niyang panagutan kung bibigyan mo lang siya ng pagkakataon. Nakikita ko na gusto niyang itama ang mga pagkakamaling nagawa niya pero higit sa lahat, nararamdaman kong mahal ka niya."

Dyosa in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon