TARA SA EK! :D (One-Shot Story)

240 11 5
  • Dedicated kay sa mga taong sumuka pagkatapos sumakay sa SPACE SHUTTLE >:D
                                    

[OOPS! BAGO MO SIMULAN, MAY PAALALA LANG SI BARNEY - Italic sentences means kinakausap ni Janine ang sarili ha? Take note: Yung mga unquoted italic sentences po, si Janine yun ha? Basta try niyo na lang intindihin. Pagtiyagaan niyo na. Thanks! – Barney :)]

“Where the MAGIC begin…”

Pamilyar ba sayo ang linya na yan? Kung oo, malamang isa ka na sa mga taong nakapunta na o narinig na ang lugar na ‘to. Saan? Saan pa nga ba kundi sa nagiisang…

ENCHANTED KINDOM.  OO. Isang theme park.

Sa lugar na ‘to, maraming pwedeng mangyari. Pwede kang magpaikot-ikot sa Flying Fiesta, maiwan ang kaluluwa mo sa EKstreme Tower Drop, o kaya naman ang cliché na nangyayari pagkatapos mong sumakay ng Space Shuttle – ang magsuka. [PASINTABI PO SA MGA KUMAKAIN (._.) - Barney]

Gaya nga ng sabi ko, maraming pwedeng mangyari. At ang nangyari sa dalawa nating bida? Pwedeng pwedeng mangyari sayo anytime. Alam kong cliché na ‘to kaso wala tayong magagawa. Eh sa ganun ang takbo ng buhay nila diba? Sakyan mo na lang ang trip nila. :D

Ang dami kong sinabi. For short, let the magic begin

====

Napabangon ng wala sa oras si Janine. Nakapagdesisyon na siya. Sa buong araw ng pagmumukmok niya sa loob ng condo niya, napagisip isip niyang iharap naman sa araw ang balat niyang hindi pa nasisikatan nito magmula ng umpisa ng sembreak nila.

Dahil baka curious kayo, third year college na yan. Interior Design. Labing walong taong gulang na.

At dahil nga sa panis niyang laway dala ng pagtunganga sa kwarto niya, naisip niyang maging productive naman ngayon. For a change. :D

Hulaan niyo kung saan siya pupunta? HAHAHA! Tama. Sa ENCHANTED KINGDOM nga. At kapag hindi niyo pa nahulaan ang sagot sa tanong ko na yan, aba, ewan ko na. -_-

Alas otso pa lang pero umalis na ng condo si Janine gamit ang kanyang kotse na regalo mula sa kanyang parents.

Kung bakit sa EK niya napiling puntahan? Hindi niya rin alam. Yun kasi ang unang lugar na pumasok sa isip niya.

Dalawang oras  ang naging biyahe para makarating ng Sta. Rosa, Laguna. Iniisip niyo siguro, ‘mag-isa lang siya?’. Ang sagot diyan? Isang malaking OO. Emo? Hindi. Nagdradrama? Hindi rin. Ayaw niya lang talaga maabala ang mga kaibigan niya. Pakiramdam niya kasi kung yayayain niya ang mga ito, nagiging isang malaking EPAL lang siya sa ‘Family Time’ dapat ng mga kaibigan niya, lalo na ngayon na walang pasok. Though iniisip niya rin na mas masaya ang buhay kapag kasama sila, mas minabuti niya na lang ang mag-isa.

Kaya ayan. Muka siyang tanga na pumila sa ticket booth para kumuha ng Regular Day Pass.

On the second thought,  nagdradrama nga siguro si Janine. Namimiss na kasi nito ang mga magulang niya. Busy kasi sila sa trabaho nila. Tila hindi na nila naalala ang nagiisa nilang anak.

Pero pinilit niyang alisin ang pagkalungkot niya.

The hell! For once magsasaya ako. Para naman masulit ko ang sembreak! Ngayong araw na ‘to, wala akong dapat isipin kundi ang date ko with Eldar the wizard! [Siya yung mascot ng EK. :D – barney]Sabi niya sa sarili niya. Take note, with matching tawa pa yan. BALIW. -_-

Ang laki ng ngiti niya sa muka ng makapasok siya sa entrance ng Enchanted Kingdom. At parang bata, amaze na amaze pa rin siya sa lugar. Kelan ba nung last siyang nakapunta rito? Mga 6 years ago? Dito sila nagcelebrate  ng Christmas nila kasama ang magulang niya. Twelve years old pa lang siya noon kaya naman ganyan na lang ang reaction niya ng makita niya ang lugar.

TARA SA EK! :D (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon