A Miracle

5K 77 31
                                    

A Miracle

By Jessamine

She's not your ordinary lady,

And she's no normal girl.

But she's everything to me...

...My one and only dearest miracle.

***

Prologue

Sa totoo lang, di naman talaga ako manunulat. Halata naman siguro sa panimula ko. Gusto ko lang talaga  

ikwento yung maikli naming storya. Sabi nga niya, ang mga alaala ay hindi lang tinatago.

Bakit ko nga ba to sinusulat? Sa totoo lang, di ko alam. Ay mali pala, alam ko.

Bakit ba ang tawag sa dulo ng bawat fairytale ay happy ending? Ano nga palang tawag jan? Ayun.  

Oxymoron. Sa totoo lang, kailan pa ba naging masaya ang ending? Kahit nagkatuluyan si babae at si  

lalake sa isang telenobela, ang masaklap, tapos na yung kwento.

Gusto ko ng isang kwentong walang katapusan.

Heto, nakahiga ako sa isang kama na hindi naman talaga sa kin. Hawak hawak ko yung laptop at heto,  

nagtatype. Andito parin yung isa sa mga himala na bumago sa pananaw ko sa buhay. Unti-unti na  

nahuhulog yung mga talulot niya. Ang nakakapagtaka lang, di siya natutuyo. Nahuhulog lang yung mga  

talulot niya.

Hinihintay niya nga ba ako? Sana nga... naghihintay parin siya.

Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy... pero may magic, na kung tawagin niya ay  

himala. Bakit?

Di ko rin alam eh.

At dito, nagtatapos ang kwento naming dalawa.

***

Chapter 1

[The Living Doll]

Bagong lipat lang kami ng bahay. Palipat-lipat kasi kami. Nagiipon sina mama at papa para sa isang  

bahay. Apartment apartment lang nung una hanggang sa nakaipon. Eto, nakabili na kami ng isang  

napakagandang bahay sa isang napakagandang village.

Nagaayos kami ng gamit, kami ng kapatid ko inuna namin yung sa kwarto namin. Sina mama at papa  

pinapabuhat yung mga sofa dun sa mga nagbubuhat ng mga gamit. Basta, yun na yun.

Maya maya, biglang nagring cellphone ko.

"Hello?"

"Nathan!"

"Sino to?!"

"Tae ka ha. Hanggang ngayon ba di mo parin kilala boses ko?! Ethan to!"

Si Ethan yung pinaka "pare" ko mula pa grade school. Kasama sa trip. Kasama sa kalokohan at  

kawalangyaan. Halos ipagpalit na kami ng mukha ng mga taong nakakakilala sa amin. Sa pangalan pa  

lang, nakakalito na kaming dalawa.

"Nakalarga na kayo?!"

"Oo. Nagaayos na kami ni Gerald ng gamit."

"Punta ko jan."

"Sige."

"Andito na ko."

"Sabi na nga ba. Anak ka talaga ng hopia oh."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2010 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A MiracleWhere stories live. Discover now