Chapter 3: First Heartbreak

3.7K 70 13
                                    

Ngayon lang ang UD. Wala kaming connection =___= Nakakayamot. TT^TT

Basa na! :D

Feeling ko kahaba nitong update. Comment po <3

--Moi.

Chapter 3: First Hearbreak

Lumabas na ko ng room, sumabay sa pagwo-walk out ko si Mich na natatawa pa. Alam niya kasing weakness ko ang mga lalaking may dimples, pero ang boyfriend ko? Wala siyang dimples. Ahihihi :”> Pero gwapo pa rin at kinikilig ako!

Pumasok kami sa loob ng canteen, madaming tao at sobrang sikip, pero sinabi ni Mich na masanay na ko kaya pumasok na rin kami.

“Ano sa’yo Claide?”

Tumingin ako sa menu. Hindi ako familiar sa mga pagkain pero siguro natikman ko na tong mga to, pero hindi ko lang alam ang tawag =____=

“Lugaw?”

“Ah sige, humanap ka muna ng upuan, ako na bahalang bumili” tumango ako sa kanya at nag-umpisa nang humanap ng pagkain. Dahil sa sobrang sikip muntik na kong madapa buti may humawak agad sa’kin.

“Ingat, Miss—Claide?”

Napatingin ako sa kanya. SI ANTHONY!

“Anthony!” bigla ko siyang nayakap, nakita ko na ang boyfriend ko! Hinila niya ko palabas ng canteen at pumunta kami sa lugar kung saan konti lang ang tao.

“Anong ginagawa mo dito, Claide?” nakakunot noong tanong niya sa’kin. Tapos nilibot niya ang tingin niya sa kabuuan ko “Bakit nakausot ka ng uniform na yan?”

“Bakit ba? Dito na ko nag-aaral” lalong kumunot ang noo niya “Hindi ka nagtetext sa’kin o tumawag man lang, hindi naman kita macontact kaya hindi ko nasabi sa’yo. Sorry” alam kong nakasimangot na ko ngayon.

“Pasensya na rin Claide,” napatingin ako sa kanya “Masyado lang akong maraming ginagawa ng mga nakaraang araw, kamusta ka na? I miss you” napangiti ako sa sinabi niya.

“I miss you, too” ngumiti siya sa’kin “Lumipat ako dito dahil gusto kitang makasama at gusto ko ring maging independent. Payag naman sina Mommy eh”

“I’m flattered, Claide” ngumiti ulit siya, parang hindi siya mapakali pero alam kong masaya siya “Kumain ka na ba?”

“Hindi pa, maghahanap pa lang ako sana ng upuan ng mabunggo kita, pero kakain na rin ako—”

“Anthony?” sabay kaming napatingin sa tumawag sa kanya. Siya yung babaeng kasama ni Anthony dati, ibig sabihin siya nga yung nakita ko! “May klase pa tayo, Anthony” mukha siyang galit na hindi ko maintindihan. Tumingin ako kay Anthony, parang may tinatago siya eh <////3

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon