Ang Asul Mong Gitara

466 4 1
                                    

Sa bawat tipa mo sa asul mong gitara,

pinupukaw nito natutulog kong kaluluwa.

Na nakahimlay sa silid ng paglimot,

at dala-dala’y hinanakit at poot.

Isang araw, aking napagtanto,

basag na puso’y tumitibok para sa iyo.

Oo, nararamdaman kong mahal kita.

Lalo na’t pinatutugtog mo ang asul mong gitara.

Sa tuwing magkakalapit ang buwan at tala,

puso kong hapo ay nangungulila.

Kailan pa kaya makikiisa,

sa himig ng puso ko ang asul mong gitara?

Malapit nang mapagod ang puso sa kahihintay.

Baka sa madilim na silid muling humimlay.

Ngunit kung pagbabalik ay iyong maisipan,

Kumatok ka lang at ang asul mong gitara ay ‘wag kalimutan.

February 7, 2010

Ang Asul Mong GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon