Welcome to the Block

80.3K 1.1K 141
                                    

PROLOGUE



"Anak, we're moving." 


"Psh. Hindi na ako magugulat."

"Anak, konting tiis na lang. Babalik din tayo sa ginhawa."



Hindi ko na lang sya pinansin at dumiretso na sa kwarto ko. Para ano? Para mag-impake.


Lagi namang ganito eh.

Wala na kaming lugar na matirahan ng permanento.




Lipat doon. Lipat dito.




Kaya pinipilit kong hindi ma-attach sa mga tao. Kasi alam kong sa huli, may aalis.


Walang permanente sa mundong ito.


Sanayan na lang siguro kaya nakakaya ko pa.





Kung bakit kasi napakaraming pinagtataguan nitong si Daddy. Kung bakit ba naman kasi hinayaan nya ang sarili niyang mabaon sa utang.

Hindi naman talaga kami ganito eh.


Nakatira kami sa isang malaking bahay - mansion kung tawagin ng iba - may mga maids na pwede mong utusan, at lahat ng gusto mo ay makukuha mo. GINHAWA nga kumbaga. Pero ngayon? Wala na.



Hay, kung pwede nga lang iwanan ko na 'tong tatay ko at magsimula ng panibagong buhay para sa sarili ko. Pero hindi.. hindi ko kaya. Sya na lang ang natitirang pamilya ko.





*



"D-dito kayo nakapwesto?" halata sa boses niya ang pagkagulat at takot.


"Uhh.. yeah.. bakit?"


Tumingin ulit sya sa pader, then sakin. Lumapit siya at mahinang nagsalita.


"Whatever you do, wag kang aalis sa block na ito. Don't go across the border. That border." turo nya sa pader. "Ang katabi nating block ay delikado. Magulo. Nakakatakot puntahan."


Kumunot lang ang noo ko.


"Wala akong maintindihan."


"That's Block B. And I tell you, if you want to live peacefully, don't ever go or even take a peek over there."


Oh, damn. Too late.


"Teka.. bakit? Ano bang meron doon?" 


"Dyan nakatira ang pito. Yung pitong lalaking kinekwento ko sayo. Dyan din sa block na yan nakatira ang mga delinquents sa school natin at basically ng buong neighborhood."


Oh... well, that explains it. At kaya naman pala ang liit ng renta dito sa bahay!

Tumingin ang babaeng kakakilala ko lang sa relo nya.


"OMG! Gabi na pala?! Sige, Ciara, una na ko ha? Napalagpas na ako ng sobra sa bahay namin eh." Nginitian ko sya at tumakbo na sya palayo pero bigla syang huminto at sumigaw.



"Oo nga pala, Ciara! Welcome to the block!"


**********


Short teaser at the side :3

Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon