UD 2 ~ What?!

381 35 21
                                    

(A/N: Ok guys. Kung sino man ang pinakaunang magcomment sa kanya ko idededicate itong chap na to :) Sp Gorabels na kayo. hahaha)

*** 

Ano nga ba ang multo? Totoo bang sila ang mga mahal natin sa buhay? O sila ay mga masasamang ispirito na gusto lang tayong paglaruan? Wala sa atin ang nakakaalam ng totoo. Dahil ang mga sagot na lumalabas ngayon ay puro teorya lamang.

Marami sa atin ang nagtatanong. At isa na ako doon. Maaari nga bang magmahalan ang isang tao at isang..

MULTO.

_______________________________________________________________________________

***

Seth's POV

"Home. At last." Isa isa kong tinanggal ang saplot ko sa katawan at pumasok ng banyo. Nakaramdam ako ng ginhawa ng maramdaman ko ang tubig na dumadaloy sa katawan ko na nanggagaling sa shower sa harap ko. 

Hindi ko mapigilang maalala ang nangyari lang sa akin kanina. I had spoken to a ghost. Napabuntong-hininga ako at idinikit at aking noo sa pader ng banyo at pumikit. Umiling ako maya maya at binilisan ang pagligo.

Ilang sandali pa ay lumabas na ako ng banyo at nagpalit. I took the first thick book i saw on my table and read it. Humiga ako sa king size bed na nasa gitna ng aking kwarto. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Son. I need to talk to you."

What is it now?

Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ang pagbabasa ko.

"son please. Sandali lang ito."

Inis na bumangon ako at lumapit sa pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang lumuluhang mukha ng aking ina.

What an actress!

"What? As you can see i am getting ready to sleep. I dont want to be disturbed."

"Son listen to me."

"Start talking."

"Son. Please forgive me. Hindi ko iyon sinasadya. Hindi ko.. Hindi ko sinasadya na mawala ang daddy mo. That was an accident. I didnt kill him. It was an accident. We all know that accidents com when we least expect it. Please son. For.. Forgive me. I beg you."

Blangko ang ekspresyon na tiningnan ko sya. "Is that all? Can i go back now?"

Hirap ang kalooban na tiningala sya ng ina. "My son. Forgive me for what ive done. I didnt mean it. hindi ko alam na sinusundan pala ako ng ama mo noon. That was five years ago. Forgive me. Im sorry." Umiiyak na sabi nya sa akin.

Tinalikuran ko sya. "If you came here to seek for my forgiveness then you had just wasted your time and effort. Good night to you." Sabi ko at isinara ang pinto.

Pumunta ako sa higaan ko at nahiga. Itinakip ko ang palad sa mukha ko. "Ha! Forgive. Never."

SCHOOL

Naglalakad ako papunta sa Engineering Department para magtanong sa kung kanino man doon kung bakit wala na naman ang profesor namin. Ilang araw na syang wala.

And damn. Its a one boring day again for me. I hate this school.

Napatigil ako sa paglalakd ng biglang may babaeng lumapit sa akin. Nakangiti sya. "Hi, Seth." She spoke using a seductive voice.

Tiningnan ko sya gamit ang seryosong ekspresyon. I know she'll confess her feelings to me. and i hate that. I hate the type of her. I hate women. I hate them all. "Back off." Walang pusong sabi ko.

She's a ghost (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon