Sweet Revenge - One shot

1.1K 30 18
                                    

Ako si Jalene Mae Guzman. Friends call me JM. But to the rest they simply call me Jalene. Para sakin, ako na ata ang pinaka inayawang tao sa mundo. Simula pagkabata ko kasi sa lola ko lang ako lumaki. Walang kinilalang ama tapos inabandona ng ina simula dalawang taon ako. Kaya nung nakatungtong ako ng 3rd year high school napagdesisyonan kong magrebelde. Nagaral ako ng iba't ibang martial arts. 

Buong High School Students yata sa school ko kilala ako. Kilalang basagulera. Marami na rin kasing sumubok na kumalaban sakin. Lahat sila nabigo. 

Minsan may nagsabi sakin bakit daw puro katawan ko lang ginagamit ko panakit. Bakit di ko daw subukang bumili ng baril magaral at matuto. Tutal hindi naman kami mahirap. Asensado rin ang buhay namin kaya naisipan kong bumili ng isang 9mm. Hanggang diyan na lang muna. Hindi ko naman kasi hinihingi sa lolo't lola ko ang pambili. Inipon ko lang yan galing sa baon ko.

Ganito lagi ang senario pag may napapasukan akong gulo.

"Ano Jalene, kaya mo pa ba?" Tanong sakin ng isa sa mga kalaban ko habang inaapakan niya ang braso ko na ngayon ay nasa likod ko. Habang ako ay nakadapa sa sahig.

"Huwag kang magsasalita ng tapos. Gago ako! Wala akong kinakatakutan." *BLAG* *BOOGSH* 

Nakatayo na ako mula sa pagkakadapa ko sa sahig. 

"Sabi ko naman sayo GAGO ako! Sa susunod kikilalanin mo ang kinakalaban mo. *Kasa ng baril* Madumi ako maglaro. *BANG*" Pinatamaan ko sa  braso yung leader ng grupo nila. Oo grupo laban sa isa. hindi na bago saakin yan. "*Bang* Bang* Bang* Pero hindi ako mamamatay tao."  Binaril ko rin sa braso yung tatlo pang kasama niya. Tsaka ko pinainitan ang isang bakal na may  korteng JM at pinaso sila isa isa. Marka ng pagkatalo nila.

--

Sa **** Academy

"JM babes! Balita ko may napatumba ka nanaman kagabi ah. Ibang klase talaga ang bangis mo. *TSUP* Kaya mahal na mahal kita eh." Si Leo yan. Ilang buwan na rin nanliligaw sakin. Hindi ko lang alam kung seryoso ba siya. Pero sabi ng mga nakakakilala sakin mukhang seryoso naman daw.

"Alam mo Leo, you better shut up. O baka ikaw ang gusto mong sunod na maputukan ng baril ko? At wag na wag mo kong mahalik halikan. Kadiri ka!" Lagi nya na lang ksi akong ninanakawan ng halik.

"Eh kasi naman JM babes. Simula nung 3rd year ka lagi ka na lang nagiging masungit. 4th year na tayo. Ilang linggo na lang magkakahiwahiwalay na tayo. Maliit na ang chance na magkakita kita pa tayo. Kaya sagutin mo na ko please. Ganto na lang mamaya 6pm pumunta ka sa **** restaurant. Promise. Pasasagutin kita dun *KINDAT*" At sino namang nagsabing sasagutin ko siya? PSH,

"Oo na leche. Nanggigigil nanaman ang kamao ko. At mukhang gustong tumama sa mukha mo." Baka hindi pa ko makapagpigil sa mukha ng isang to.

"Oo na? Sinasagot mo nako? ^________^" Kapal ng mukha

*Boogsh* *Suntok sa mukha* "Yan dapat sayo ng magising ka sa katotohanan. HAHAH.Sige mauna na ko sa room natin."

Mabilis na lumipas ang oras. 5;50pm na. At papunta na ko sa *** restaurant. Para hindi naman masayang ang effort ng isang yun. Lagi ko na lang kasi siyang iniindian eh.    

  "O? JM babes. Nandito ka na pala. Tara sa labas tayo. *Kamot sa ulo* nandun kasi yung surprise ko sayo eh."         

Hindi ko aakalain na ganto pala kasweet si Leo. Dahil sa ginawa niya sinagot ko na siya. Bibigay din daw pala ako pinatagal ko pa.          

Lumipas ng mabilis ang panahon. Masaya kaming nagsasama ni Leo. Pero hindi ko pa rin tinatalikuran ang pagiging rebelde ko. Masasabi kong mahal na mahal ko na si Leo ngayon. At mukhang hindi k kakayanin pag nawala siya.Wag naman sana.        

Lagi kaming nagkakasama ni Leo. College na kami ngayon. Iisang school kami pumapasok. Pero magkaibang program.        

"Babes! May laban ako ngayon. Gusto mong sumama?" Gaya ng dati, lagi siyang sumasama sa mga laban ko. Pero nanonood lang siya. Minsan kasi sinubukan niyang sumali pero hindi rin siya nanalo. Nakuha ko pang barilin yung katabi niyang drum para lang tumigil siya.          

"Sure babes. Masaya yun!"        

After class, dumerecho na kami sa lugar ng paggaganapan.          

"Babes dito ka lang ha? Manood ka lang. Wish me luck." Hinalikan niya ako sa noo.           Natapos ang laban namin. Nagulat ako ng may mga batang lumapit saakin. Nagabot ng pira pirasong rose.            

Nakaka 11 pcs. na ko ng roses. Nang may lumapit sakin tsaka piniringan ang mata ko, pinaupo ako sa upuan. Tsaka Pinosasan.          

"Babes. Pahiram muna ako ng baril mo ah." Kinuha ni Leo ang baril ko.          

"Sige na mga kids. Salamat sa pagtulong niyo sakin." Rinig kong pagpapasalamat niya sa mga bata. Ano ba naman to. Ang tagal. Nangangati na yung wrist ko tsaka yung mata ko.            

"Babes. Ang tagal naman." Reklamo ko.          

"Eto na po." Tinanggal niya yung piring ko.           

Nakita ko siya. May dalang isang boquet ng roses. Inabot niya saakin ito.          

Kinikilig ako pero syempre hindi ko pinapahalata.          

Sunod niyang inabot ang isang life-sized bear. ANG CUTEEEEE!          

"Babes. Ang cute naman nito. Pwedeng pakitanggal na rin yung posas ko? Para mahawakan ko na yang mga bigay mo sakin? ^_______^"           

"Wag ka magalala babes. *KASA NG BARIL* O.O" Bakit niya kinasa ang baril ko? Hindi to maaari. Hindi ako makagalaw. "Ako rin ang tatapos sa paghihirap mo at ng kamay mo. Alam mo JM babes." Pinutol niya ang pagsasalita niya tsaka nagpunas ng luha. Kinakabahan na ko. "Kilala mo pa ba si Kim? Kim tolentino? Diba siya yung nakalaban mong minsan? Alam mo ba mahal na mahal ko yun? Kaso binaril mo siya. Hanggang ngayon comatose sya. Sasabihin ko na ang totoo sayo."  Hindi pwede to. Mahal ako ni Leo. Alam ko yan.            

"Leo anong sinasabi mo? Mahal mo ako diba? Ano ba yang ginagawa mo? pakawalan mo na nga ako dito." Mangiyak ngiyak na sabi ko.          

"Para saan pa Jalene? PARA SAAN? HA!?" Nanggigigil na sabi niya. Wala na kong magagawa. Mahalko siya. Pero hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito.        

"Linigawan kita. Tiniis kita ng mahigit isang taon para lang maipaghiganti ko si Kim. Si Kim namahal ko. Pinilit kong 'wag kang mahalin. Pero hindi ko kaya. At ito na lang ang kaya kong gawin para hindi na lumalim pa ang pagmamahal ko sayo. At para maipaghiganti ko na rin ang totoong mahal ko. Wag ka magalala Jayne. This is a SWEET REVENGE. Para salahat ng nasaktan mo. Paalam."                      

Wala na. Wala na kong magagawa. Tatanggapin ko na lang ang karma ko. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko. Ako pa rin ang lumabas na masama sa dulo. Nagmahal lang ako. Siguro hindi nga para saakin tong buuhay na to. Isa na lang ang masasabi ko. Sa nasa taas. Salamat. Salamat sa pagbibigay ng buhay kong to. Kahit ppapano naranasan kong maging MASAYA.            

BANG BANG BANG          

Wala na kong naramdaman pang sakit. Wala na kong nararamdamang kahit ano. Sunod sunod lang ang pagbaril sakin ng nagiisang mahal ko. Nagiisang taong pinagkatiwalaankong hindi ako iiwan.          

Bang! BANG! BANG!                                                        

Then Everything went black.

Sweet Revenge - One shotWhere stories live. Discover now