✖ 16

17 1 0
                                    

CHAPTER 16

Written by: MissShiningStar

©Copyright. All Rights Reserved 2014 by MissShiningStar

AN: Puro POV muna ni Aya ‘to then kay Ada naman ang next maglalagay na rin ako ng POV ng other characters.

-----

(Cont.)

-AYA-

“AYAAA!!” 

“OHHH!! Pambihira naman Rina oh! Ang ingay mo rin eh no!!! Nambubulabog ka ng beauty rest ko hah!" Syempre si Rina ang napakaingay kong beshi grabe bakit kasi nagkabestfriend pa ko na gaya niya.. Hayyyyyy

“Wow lumelevel up ka talaga Beshi may pabeauty beauty rest ka pang nalalaman ha!” 

“Ang aga ha Beshi.. Anong problema mo at nadayo ka talaga dito tignan mo kaya yung orasan 7 o’clock pa lang ng umaga”

Binato naman niya ko ng unan na hawak niya pero di pa rin ako nabangon haler!! Kakatamad kaya kumilos noh saka sabado ngayon ano namang gagawin ko syempre ang humilata!! 

"beshi!! Gising kana may ibabalita ako sayo nohhh!!" 

"Aray beshi! Wag ka ngang brutal pwede ba natutulog ang dyosa eehhh!" Pano ba naman niyugyog niya ko naalog tuloy ang precious brain ko naku! baka malimutan ko si Ren Oh Nohh.. Bumangon naman na ko at umupo

"Lakas talaga ng fighting spirit mo be!" Sabi niya sabay tawa ng pagkalakas lakas. Shocks napoposses na ata 'tong babaita na to eh! Inismiran ko lang siya sabay irap.

"Beshi ang aga aga anong chika?" Tanong ko sa kanya

"Bukas gaganapin ang Birthday ni Ren" 

"Oh tapos alam ko kaya na birthday niya saka may gift na ko di ko na kailangan na bumili. Ibibigay ko na lan yun sa kanya pag nakita ko"

Lumapit naman bigla sakin si Rina tapos niyugyog niya yung balikat ko. Sabi sa inyo eh brutal talaga to eh! Saglit lang at ngumiti ng pagkalawak lawak si Rina. Ang creepy talaga nito!

"Beshi! May party tomorrow wanna come??!!"

"Party lang pala sus mga relatives lang kasama noh lam ko na yan" Humiga naman ulit ako at ipinikit ang mga mata ko.

"Beshi!! ano ka ba even friends, close friends or kahit na sino pa pwede ng sumama noh!! At since bff kita pwede ka ng dumalo!! Ayyiiieeee" Napabalikwas naman ako ng bangon tapos humarap sa kanya hawak ang balikat ni Rina sabay..

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

"Beshi you're so ingay!!!" sabay takip niya ng tenga niya gamit ang kamay niya. Pano ba naman tumili ako sa harapan niya. pagkatapos kong tumili nagpagulong gulong na ko sa kama sabay..

..ayun nalaglag ako sa kama..sabay nun ang pagbukas ng pinto ko.

"AYA! Anong nangyari?!" Sino pa ba kundi si "Kuya hehe"

Napakamot na lang ako ng ulo sabay bangon at upo ulit sa kama ko. Si Rina naman umayos ng upo.. Sus porke nandyan si Kuya ang hinhin ng itsura sapakin ko kaya to hehe

Mistaken Identity(On Going)Where stories live. Discover now