DAHILAN NG KANYANG PAGSILANG

56 0 0
                                    

ANG DAHILAN NG KANYANG PAGSILANG

Spoken Word Poetry

Sinulat ni Randy Bataanon

Hindi ako isang magaling na makata

at hindi rin ako mahusay gumawa ng tula

Ngunit meron akong nakilala

na dahilan ng kislap ng aking mga mata,

nagpatibok ng aking puso at nagbigay ng saya


Sa telebisyon ay hindi natin siya nakita,

hindi siya isang sikat na artista,

hind rin isang tanyag na manganganta

Hindi Siya sumulat ng aklat, o nag bida sa pelikula

Ngunit siyay kilalang kilala saan ka man magpunta


Laganap sa buong sangkatauhan

ang ebidensya at epekto ng kanyang Pagsilang.

Siya ang laman ng mga awitan,

sentro ng mga pag-aaral para sa kaalaman


Laganap ang kanyang impluwensya,

minamahal o kinapopootan man siya,

Hindi man natin alam ang eksaktong petsa,

ngunit ang mundo ay nagdiriwang sa kaarawan niya.


Tatlumput tatlong taon sa mundo ay nanirahan.

Tatlong taong nangaral sa sambayanan

Labing dalwang ordinaryong tao ang tinuruan.

Upang magpatuloy ng kanyang sinimulan


Higit nang dalwang libong taon ang nakalipas

Ngunit ang kanyang aral ay hindi kumupas

Ito ang katibayan na siya ang simula ng lahat

at sa kanya rin magwawakas


Libo libong taon bago pa sya isilang at mahayag,

binabangit na sya ng mga propeta at mga pantas

Siya daw ang hari na magpapalaya ng mga bihag,

at sa mga api at mahirap ay magliligtas


Siya daw ang anak ng Diyos na kataastaasan,

Ang Prinsipe ng kapayapaan,

Sa langit ang kanyang kaharian

Ngunit bakit nga niya iniwan ang karangyaan,

nabuhay na isang pangkaraniwan,

ano nga kaya ang tunay na dahilan?


Dahilan? Minuminuto ay iniisip ko

ang dahilan ng kanyang pagparito

Pumunta ba siya dito

upang ako ay bigyan ng regalo?

Iahon tayo sa gulo?

O kayay sagipin sa kumukulong Impiyerno?


Kung regalo ang dahilan,

ano ang aking nagawa para akoy parangalan?

Hindi bat kasalanan pa nga ang dahilan

kung bakit kailangan ko nang katubusan?


Katubusan? Ito daw ang layunin ng kanyang pagdating.

Kailangan daw na akoy tubusin

Dahil sa sariling lakas ay di kakayanin

Pagkaka sangla na kahit anuman ang gawin,

lumuha ng dugo, lumuhod at magdasal ng taimtim,

lahat ng ito ay kulang parin


Pinilit kong umahon ngunit hindi sapat ang lakas,

Katulad ng isang tupang ligaw

na hindi alam ang tamang landas

Iniwan nya ang langit upang hanapin tayo at iligtas.

Buhay niya ang kapalit sa atin na hindi karapat dapat


Ipinalit? Oo dahil ang Anak ng Diyos ay naging anak ng tao 

Upang maging anak ng Diyos ang katulad mo

Ipinalit, dahil sya na taga langit ay naging taga lupa

upang ang taga lupa, sa langit tawaging pinagpala


Ipinalit, dahil ako ang nagkasala at nagkulang!

Ako ang syang dapat parusahan!

Ngunit si Kristo ang ipinako sa Krus

Hindi ko kayang arukin ang pag-ibig ng Diyos.

Ano ba ang layunin sa pagpapala niyang lubos lubos


Sa Kanya ko rin natuklasan ang hulugan ng buhay.

Sa kanya ang buhay kong nagkaron ng saysay

Tinangap niya ako at pinatawad

kahit napakaraming ulit na hindi ako naging tapat


Ang buhay koy kanyang binago

At binigyan direksyon sa magulong mundo

Ang karumihan koy nilinis ng kanyang dugo

Sa kanya ko lang naramdaman na akoy naging buo


Oh kay sarap palang matuklasan

ang tunay na dahilan ng kanyang pagsilang

Mas masaya pa sa mga material tulad kayamaman,

bagong damit sapatos, sasakyan o bagong kasintahan


Dahil dito ay ipinasya ko nang mabuhay at mamatay

para lamang kanya ang aking buhay

Lalo pa at nalaman ko na sa kanya lang may forever,

Sya ang aking masasandalan matibay pa sa pader


Kulang ang mga titik at mga tula

Ang kagalakan ko ay sadyang hindi maikakaila

Ang awit ng mga ibon, halimuyak ng mga bulaklak,

Ang sariwang hamog na sa umagay kumikislap


Ang daluyong ng mga alon, ang sinag ng araw,

ang busilak na ulap sa bukang liwayway na kumikinang

Ang bukal ng batis na sariwa, ang mga halamang luntian

Nagsasabing tayo ang dahilan ng kanyang pagsilang

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Nov 30, 2019 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

DAHILAN NG KANYANG PAGSILANGМесто, где живут истории. Откройте их для себя