My Secret Crush! :)

788 18 17
                                    

 First day of school ..

First day of school ngayon 2nd year highschool na ko .May mga new students pero isa lang talaga ang napansin ko si Miguel. Ewan ko ba pero naagaw niya agad yung atensyon ko nung nakita ko siya siguro dahil bago siya sa paningin ko

“Uy penge ng papel!” narinig kong sabi ni Miguel na sadyang ikinagulat ko pero binigyan ko rin naman siya ng papel. Maya maya narinig kong humihingi na naman siya ng papel pero sa iba naman siya humingi hindi na sa akin. “Uy penge naman ng papel” sabi niya dun sa isa naming kaklase , “Dun ka humingi kay Nica lagi ka nalang sakin nahingi e!” , “e ayoko nakakahiya na e” sabi niya , “sa kanya nahihiya ka tas sakin hindi? Ayos ka rin e no?!” Ehh?? bakit naman daw nahiya siya sakin? *O

Nakalipas ang ilang mga araw at puro lesson na ang mga ginagawa namin. Minsan napapatingin ako kay miguel at hindi ko alam kung bakit.  Napansin ko na maraming nagkakacrush sa kanya yung iba kilig na kilig pa kapag nakikita siya e pati nga isa sa mga kaibigan ko may crush sa kanya e . O_O

Nasabi ko tuloy sa sarili ko na hinding hindi ako magkakacrush sa kanya napansin ko rin kasi na may pagkamayabang siya at mapang-asar. Ano naman kaya ang nakita nila sa kanya at naging crush nila tong lalaking to psssh ... -.-

Hay nako nang-aasar na naman tong si Miguel -.- at unfortunately inaasar niya na rin ako ngayon nakakainis lang akala ko pa naman nahihiya siya sakin pero hindi e unti unting nawala ang hiya niya sakin at kasama na rin ako sa mga lagi niyang inaasar tsk tsk 

Pauwi na ko nang may biglang tumawag sakin "Nica!" at paglingon ko nakita ko si Miguel at kumakaway pa siya ha?! Lage na niya akong tinatawag kapag nakikita niya ko and worst dito lang pala siya nakatira malapit samin kaya paminsan pag nalabas ako nakikita ko siya. 

Naging hobby niya na atang asarin ako e araw araw na lang kasi inaasar niya ko e >.< pero nagbago ang lahat nung nakatabi ko siya . Pinalipat kasi kami ng upuan kapag minamalas ka nga naman siya pa nga ang nakatabi ko tsk 

Unang araw pa lang na magkatabi kami sa upuan ang gulo gulo na lagi nga kami napapagalitan e.  -.-"

SIYA: *nagdrawing ng kung anu-ano sa notebook niya* 

AKO: *Tiningnan yung drawing niya* Hoy! ano yan ha! bakit nakalagay pangalan ko?!

S: Ikaw kasi to e! :P

A: Aba! ang kapal ng mukha mo! e mas kamukha mo naman yan! 

*hinampas ko siya ng hinampas at pilit ko inagaw yung notebook sa kanya*

MAAM: Nica! Miguel! tumigil nga kayo! ano ba yan?! kanina ko pa kayo napapansin ha! ang ingay niyo! 

Yan lang naman ang laging nangyayari kapag magkatabi kami grabe napakagulo kasi ng isang to minsan biglang ididikit niya na lang yung upuan niya sa upuan ko hindi na nga ko makaalis e sobrang dikit ba naman >____<

nagtanong si maam ng tungkol sa lesson at hindi ko nasagot pano ba naman hindi ako nakikinig ito kasing si miguel e kasalanan niya to T______T

Pero habang tumatagal unti unting nagbabago yung nararamdaman ko sa kanya sa tingin ko nga nagkakacrush na ko sa kanya e! O_O 

Nung nagsusulat ako kinausap ako nung kaibigan niya at tinanong ako "Nica! may crush ka ba kay Miguel?!" hala pano niya nalaman?! O_O "ha? wala akong crush dun no! asa naman" *dineny ko mahirap na baka malaman pa ni miguel patay ako T__T* 

"E kung hindi mo siya crush e ano to?!" *pinakita niya sakin yung likod ng diary ko* 

"HA? hindi ako nagsulat niyan yung pinsan ko nagsulat niyan e" 

Lumapit si Miguel sakin .. at inasar ako 

"Ikaw ha! may crush ka pala sakin ha dapat sinabi mo agad ^____^"

"Ang kapal mo! tsaka bakit ko naman sasabihin sayo ha?!" >///////<

"Para malaman ko! ^________^"

Leche makaasar tong isang to ha! kung makangiti pa wagas sarap hambalusin sa mukha kung makaasar akala mo hindi siya yung crush ko baliw talaga tong isang to XD :))))

Badtrip inaasar din ako ng mga classmate ko, oh lupa ! kainin mo na ko PLEASE! T_____T gusto ko na bigla na lang maglaho sa sobrang kahihiyan grabe sobrang nakakahiya bakit ba kasi nasulat ko sa likod ng diary ko yung "I LOVE YOU MIGUEL! <3" huhu T_____T Grabe siya pa talaga unang nakaalam ha! T__________T bakit ba kasi napakapakielamero nito yung diary ko nakatago yun ha pano niya kaya nakuha yun?! >.<

OH LUPA KAININ MO NA KO PLEASE !!!!!! T_________T

- - - - - - - -

Nagustuhan niyo ba? pagpapatuloy ko pa ba to ? comment kayo kung gusto niyo pang ituloy ko tong story na to :DD

- - - AIKA :)

My Secret Crush.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon