PROLOGUE

76 2 3
                                    

Halos lahat sa atin ay mayroong facebook account, at madalas tayong nakababad dito. Iyong iba pa nga 24/7 Online. Kanya kanyang labasan ng saloobin. Kung may sobrang nagagalak sa saya, meron din namang halos pasan ang daigdig sa lubos na kalungkutan at sama ng loob at bitbit hanggang outer space. Kaya naman post tayo ng post ng status, naghahanap tayo ng kaibigan na mapaghihingahan at mapaglabasan ng saloobin. merong nakakaintindi kaya ayun sinuportahan ka at ni like ang status mo. syempre meron ding kontrabida at atribida.. sila naman iyong hindi makapagtiis na hindi magkokomentaryo sa status mo. Kantiyaw pa ang inabot mo. kita na ngang puro huhuhuhu bawat sentence ng mensahe mo. obvious bang badtrip ka at lugmok ka sa sitwasyon mo, pero eto nagsilutangan ang mga plastic mong kaibigan. syempre ang mga tanungan ganito..

"ok ka lang?''

'' may problema ba? "

kaya sa sobrang irita mo sinupalpal mo ng sagot.

'' Oo meron pautang nga.. ''

expect mo ng hindi na iyan sasagot. isa lang ang suporta na maibibigay nila sa'yo. Moral support. kaya naman inulanan ka na lang nila ng Likes. para lang di magalit sayo. atleast safe ka sa mga running lists of block list niya. pagdating sa pera, speechless tayo.

ang totoo kasi kaya nakiki comment, walang magawa kaya makikichismis na lang kung anong ganap. pero syempre hindi mo nilalahat. mostly lang naman. tamaan ang dapat tamaan. I'm sure marami ang nakakarelate diyan.

Kaya naman si.... friend, best friend,manliligaw, gustong makipag friend , mutual friend, friend ni friend, ex gf/bf na nagbabalak bumalik sa buhay mo... etc. na ngayon ay to the rescue para damayan ka sa nararamdaman mo. Kaya ngayon si gaga nag update ng status. 1 min. ago... lang!

'' is feeling loved '' hashtag #harthart

ang matindi pa niyan kinabukasan ito ang nakita mo sa homepage mo..

'' is now married ''

kakaluwa pa lang ng eyeball mo, kinabukasan nagpalit na naman si bruha ng status.. guess what?

'' is now single ''

uhm! nganga ka!

nagugulumihan ka ngayon kung bakit, kaya naman di ka nakatiis ikaw ang kauna unahang laman ng commentbox niya. atleast sa pagkakataong to nakakasigurado ka na hindi tungkol sa pera ang problema niya. kaya pagkakataon mo ng magkomentaryo kahit hindi niya hinihingi ang opinyon mo. Ang mga tanungan?

'' Anyare ?? ''

Kaya naman nakahanap din siya ng pagkakataong makabawi sa ginawa mo, ni like niya rin ang comment mo. At nag post ulit ng status.

hashtag #karmaStrikes

na guilty ka bigla kaya dinelete mo ang comment mo sa status niya. at pinili mong mag pm na lang sa kanya.

Ang tanungan?

galit ka ba sakin?

hindi bakit mo naman natanong yan?

wala naman natanong ko lang. nakita ko kasi post mo mukhang may kaaway ka. kanino?

Ah, kaya moko chinat noh? guity ka naman masyado!

medyo. kala ko kasi galit ka dahil hindi ako nagreply sa comment mo dahil hindi kita napahiram ng pera. sorry ah, wala kasi ako nun ngaun e.

alin? ung #karmaStrikes ?

yep!

hindi para sau un. guilty ka lang. ang totoo di naman talaga ko uutang sau e. sinabi ko lang un dahil tinopak lang ako.

ows?

Oo nga!

Eh ba't ka nga ba tinopak?

pano kasi 2 days lang naging kami dahil naging sila ulit ng ex niya. huhuhu... ginawa lang niya akong panakip butas huhuhuhu.. ang masaklap pa hindi lang ako ginawang rebound  biktima pa ako ng SEEN ZONE huhuhuhu... gusto ko nga siya sumbatan kaso blocked nako buset siya huhuhu...

psh.. eksdi!

..seen

kanya kanya tayo ng rason kung ba't tayo na

SEEN ZONE. Ano man ang dahilan isa lang ang gusto nating tanungin at malaman ...

BAKIT ?

huhuhuhu...  T_T

All rights reserved (c) 2014

written by : Miss_Aahye

SEEN ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon