Love Train (Julielmo Oneshot)

6.3K 69 22
                                    

*Moe's POV

"naku, dali na! excited na akong lumabas! dali!" tili ni tita Rose.

"tita naman, chill ka lang." natawang sabi ni Julie.

"tss. basta bilisan niyo na nga lang." 

pinagmasdan ko lang si julie habang kumukuha siya ng litrato gamit ang kanyang digi cam. tss, ba't ganyan ba ang suot niya ngayon? di ba siya nilalamig? sa tingin niya nasa Pilipinas pa ba kami? napakamot ako ng ulo at hinubad ang suot kong jacket at isinuot sa kanya. nabigla naman siya at nabitawan ang dala niyang camera, buti nasalo ko.

huminga ng malalim si Julie habang hawak hawak ang cam niya.

"Moe naman, wag ka ngang nananakot diyan." 

"to naman, di ka naman tinatakot ah."

napangiti si Julie. "oo na. nabigla lang ako, itong camera na to pa naman ang unang gamit na binili ko gamit ang unang sweldo ko."

"oo na sorry na. ba't ba kasi ganyan ang suot mo? eh ang lamig dito." 

"psh, mas malala ka pa kay papa." dinilaan ako ni Julie.

ginulo ko ang buhok niya. "fine, akin na nga lang tong jacket ko!"

naglakad na si Julie papalapit kay tita Rose. hay, inexpect ko na masosolo ko si Julie sa trip na to pero mukhang ang daming distractions ni Julie. sa susunod dadalhin ko siya dito kapag naging kami na. 

hay nalungkot tuloy ako. oo nga pala, hindi pala pwede maging kami. 

"oy Moe! bilis na!" 

napatingin ako sa kanya. "oo na." 

naglibot libot kami. ang ganda talaga dito sa San Francisco. last time i was here i was with my family. napangiti ako nang maalala ko ang mga memories namin dito with my family. 

"anong nginingiti mo diyan?" biglang tanong ni Julie.

"ah wala, naalala ko lang ang trip ko here with my family."

tumingin sa akin si Julie nang ilang segundo. ngumiti siya at umakbay sa akin.

"tara at mamasyal para sa susunod may madadagdagan diyan sa mga alaala mo kapag nag San Francisco ka ulit."

natawa ako. "sus, may pagnanasa ka talaga sa akin."

"che, utot mo."

pagkatapos naming mamasyal, kumain muna kami. mas ineenjoy kong titigan si Julie kesa sa mga sights dito sa San Francisco. ackkkk ano ba Moe, tigilan mo na nga yan! may Lo ka na. wag ka nang maging madamot. 

namasyal na ulit kami. kwentuhan lang kami ni Julie tungkol sa trip ko dati dito nang makita ko ang Tiffany & Co. shit o nga pala, may kailangan pa akong bilhin dito kundi patay ako kay Lo. 

"san ka pupunta?" tanong ni Julie.

"may bibilhin lang para kay Lo."

Love Train (Julielmo Oneshot)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin