One Last Chance (Short Story)

96 1 2
                                    

*RING*RING*RING*

"Oh? busy ako ngayon.. Tawagan na lang kita mamaya.." sabi ko sabay baba ng phone..

*RING*RING*RING*

"Anong ginagawa mo? Miss na kita.. malapit na ako sa apartment mo.." sabi ni Faye..

"Ha? teka.. teka.. wag kang pupunta.." sabi ko.. pero binaba na niya ung cellphone..

*DINGDONG*

Binuksan ko ung pinto at tinignan lang siya.. "baby, may dala akong foods.." sabi niya habang papasok sa apartment ko at nilagay ung pagkain sa lamesa habang ako tinutuloy ko pa din ung ginagawa kong video dahil deadline na nun bukas..

"Baby.." sabi niya sabay lapit sakin para ikiss ako sa cheeks.. "Arg! may ginagawa ako!!" sabi ko pero napalakas ung tulak ko sakanya kaya natamaan niya ung picture namin dalawa sa may lamesa at nabasag un..

Tumingin lang ako sakanya.. Dahil busy ako sa ginagawa ako hangga't maari ayoko may iistorbo sakin ngayon.. Kahit ngayong araw lang kaya bad mood ako.. "Aalis na ako.." sabi niya sabay kuha ng gamit niya sa may upuan at lumabas ng apartment..

"Teka lang Faye.." sabi ko sabay kuha ng tshirt sa upuan at sinundan siya palabas..

"Faye.. sorry.. alam mo naman na busy ako ngayon eh.." sabi ko.. "Bitawan mo ako Allan.." sabi niya sabay pwersang tinggal ung kamay ko sa braso niya at tsaka siya tumakbo..

*BEEP BEEP*

*SQUEK*

Nagulat ako ng makita ng dalawa kong mata ang nangyari sakanya.. Nasagasaan siya ng isang kotse na hindi din napansin na tumawid siya dahil umuulan.. "FAYE!!" sigaw ko sabay takbo sakanya.. samantalang ung nakabunggo sakanya ay tumawag naman ng ambulansya..

Pagdating sa ospital ay dead on arrival na siya.. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak at sumigaw sa galit.. hindi sakanya kung hindi sa sarili ko.. Hindi mangyayari un sakanya kung binigyan ko siya ng oras kanina at hindi pinagtabuyan..

Umuwi ako sa bahay at pinunit lahat ng picture namin magkasama pati ung unang video cam na binigay niya nung birthday ko nung highschool kami ay nabato ko sa sobrang galit..

Makalipas ang isang linggo simula ng mailibing si Faye..

*DINGDONG*

Nagulat ako sa nagdoorbell sa apartment ko.. Pagtayo ko ay nakita ko si Faye sa labas ng apartment ko.. Agad ko ung binuksan at tulala sa nakita.. Minumulto niya kaya ako?

"Bakit ang tagal mo buksan ung pinto? Natutulog ka pa ba?" nakangiti na sabi niya..

Pumasok siya sa apartment at nilagay ung pagkain sa lamesa.. sumunod lang ako sakanya at umupo kami sa upuan sa kusina.. Gulat pa din ako kaya tumingin ako sa paligid.. 8:45am ung oras.. ung pinunit kong picture namin sa may dingding ay buo pa din pati ung video cam na hinagis ko ay maayos din..

"AH.." sabi niya habang isusubo sakin ung sushi na ginawa niya.. "masarap?" masayang tanong niya.. hindi ako nagsalita.. ngumiti na lang ako habang naiiyak.. Kinuha niya ung kamay ko at nilagay niya sa mukha niya.. Nung oras na un ay nakita ko ulit ang maamo niyang mukha..

"May problema ba?" sabi niya habang nakatingin sakin at hawak pa din ung kamay ko.. tapos ay tumayo siya sa upuan at niyakap ako.. 

Hinayaan niya akong matapos ung ginagawa ko habang nagbabasa siya ng libro.. Sa sobrang bored siguro niya ay nakatulog siya sa lamesa.. Nilapitan ko siya at tinignan siya habang natutulog.. Natatakot ako na baka eto na ang huling araw na makikita ko ang maamo niyang mukha..

Dahil dun ay napaisip ako ng ideya para maging espesyal ang araw na to saming dalawa.. Lumabas ako sa balcony ng apartment ko at sinet-up ung video cam at kumuha din ako ng gitara para tumugtog ng isang simpleng kanta sakanya..

Tapos nun ay nagising na siya.. tumayo siya sa upuan at tumayo sa ginawa kong sunflower na may confetti at tali.. "Uy.. Uy.. Wag yan Baby.." sabi ko para pigilan siyang hatakin ung tali pero huli na ang lahat.. Nahulog ung confetti sa loob ng sunflower at ang message ko sakanya na..

"OUR 1000 DAYS LOVE, LET'S MAKE IT 1000 YEARS"

Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ako ng mahigpit.. at bumulong na.. "Thank you baby and i love you.." tapos nun ay umalis kami ng bahay at pumunta sa hacienda nila tito na puno ng sunflower ang bakuran..

Piniktyuran ko siya kasama ng mga sunflower.. pero nung pagtingin ko sa lens ng camera ay wala na siya.. nagulat na lang ako ng may humawak sa balikat ko.. Pagtingin ko ay bigla akong niyakap ni Faye.. Humarap ako sakanya at ibinigay ang aking huling halik.. >.<

Pagkatapos nun ay pumunta kami sa isang restaurant para magdinner.. Gabi na kaya sobra na lang ang kaba na nararamdaman ko.. Habang nasa restaurant kami ay hindi ako mapakali sa kakatingin ng orasan ko..

"Ok ka lang baby?" pag-aalalang tanong ni Faye.. "Ah.. Oo.." gulat na sagot ko.. Pagkatapos kumain ay naglakad na kami pauwi.. As expected maulan ng gabing iyon tulad nung araw na nasagasaan si Faye..

"Baby.. sunflower oh.. Teka pipitas ako.." sabi niya sabay bigay ng payong sakin dahil may nakita siyang sunflower sa kabilang kalsada.. Dahil wala namang sasakyan na dumadaan tumakbo siya para kumuha ng bulaklak.. Dun ko lang napansin ang paparating na sasakyan.. Tumakbo ako papunta sakanya.. at itinulak siya palayo sa sasakyan.. Ngumiti ako sakanya habang umiiyak..

Faye~

Nasagasaan si Allan sa harap ko at hindi ko alam ang gagawin ko.. Nung bumalik ako sa katinuan ko ay nagluluksa na ako sa pagkamatay niya.. Pumunta ako sa apartment niya para ayusin ang mga gamit niya habang nag-aayos nakita ko ang video cam na binigay ko sakanya.. Kinuha ko ung tape at isinaksak sa TV para makita kung ano ang mga laman nun..

Nagulat ako ng may biglang tumugtog at nakita ko siyang nag gigitara kasama ang mga laruan sa likod niya na tumutugtog din ng mga instruments at may background na sunflower.. Naiyak ako habang kumakanta siya dahil para bang inaasahan na niya ang mangyayari dahil umiiyak din siya habang kumakanta..

Natupad din ang aking pangarap na ipagtapat sa'yo

Ibubulong ko na lamang sa alapaap ang sigaw ng damdamin ko

Sulyapan mo lang sana ang langit

Baka sakaling marinig ng puso mo ang tinig ko

Maalala mo sana ako dahil noon pa man

Sa'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko

Bawat sandali na ikaw ay kasama

Para bang di na tayo muling magkikita

Kaya ngayon aaminin na sa'yo

Na mahal na mahal kita

Maalala mo sana

Maalala mo sana ako dahil noon pa man

Sa'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko

Bawat sandali na ikaw ay kasama

Para bang di na tayo muling magkikita

Kaya ngayon aaminin na sa'yo

Na mahal na mahal kita, na mahal na mahal kita

Maalala mo sana..

"Have a healthy life baby and take care always.. I love you.." sabi niya habang umiiyak sa huling minuto ng video..

 Mararamdaman ko pa kaya ang saya na naramdaman ko nung huling araw ko siyang kasama? Kung oo.. Mamumuhay akong masaya kasama siya.. T.T

-THE END-

____________________________________________________

N/A: hope you like it. Happy reading. :))

One Last Chance (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon