Chapter 10

404 4 0
                                    

Chapter 10

Mission Impossible


LOIS ENDER

"WHAT?!" I'm still dumbfounded sa sinabi ni tito Joe.

Fuck! Di pa ba sila kontento na sinira na nila ang buhay ko. Siguro sinisigurado nila na kapag sumama ako sa kanila siguradong patay na ako. Di ba nila naisip na hindi maganda ang ginagawa nila? Mas lalo lang lumalalim ang poot ko sa kanila.

I ended the call. I never thought na wala din siyang nagawa para pigilan ang mga wala kong kwentang magulang. Siguro may limit nga pagtulong sa akin ni tito.

I drive as fast as I can. Di ko alam kung saan ako pupunta, gusto ko lang mapag-isa muna. Nakakabaliw talaga!

Nakarating ako sa mall. Siguro naman walang sagabal sa paggagala ko dito.

Pumasok ako sa mga stores ng clothes, di lang ako pumasok... bumili rin ako ng mga damit na kumukuha ng atensyon ko. Sa sobrang dami, pinadala ko na lang sa isang staff na iuwi sa bahay namin.

Sinunod ko naman yung mga sapatos. Oh I love shoes!!! It always makes me happy. Kinuha ko ang isang 7'1/2 inch black high heels. Sobra akong naaaliw nitong heels na 'to, it makes me think na magagamit ko siya sa pagpukpok ng mga salamin or ulo ng tao. I'm so evil!

Pumasok ako sa isang resto.

"Give me three orders of Parmesan Lasagna and your finest wine." Sabi ko sa isang waiter. Sinulat naman niya ang sinabi ko at inulit sa akin. I just nod at him as an answer.

Magpapakabait muna ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Tutal, mall 'to at ayokong gumawa ng iskandalo dito. Masyadong nakakababa ng pagkatao.

Kada subo ko ng lasagna tsaka ako iinom ng wine. Ang sarap naman ng wine nila dito, for sure babalik ako sa resto na 'to. And they have the best lasagna so far. It's my favourite dish and masyado akong mabusisi pagdating dito.

"Hi baby!" biglang may umupo sa harap ko. Sino naman 'to?

Tiningna ko siya mula ulo mukhang paa. Nakasuot siya ng pang-detective na damit, naka-shades kahit medyo dim ang ambiance ng resto at naka-hat pa siya. Yung totoo, naligaw ka lang ba? Siguro may sore eyes 'to kaya naka-shades.

"Baby naman! Pansinin mo ako. Pinagpalit mo na ako sa tatlong lasagna." Yuck?! Baby?! Who is this stupid guy? Kahit sino namang may favorite nito, ipagpapalit ka. Weirdo.

"Uh excuse me?! I think you should leave now..." pagbabanta ko.

Laugh.

Aba! Tinatawanan lang ako?! Bastos ka uh!

"Who the fuck are you?!" Tumayo na ako at in the end, napatingin sa amin ang mga tao. Talk about manners di ba? Nawawala ang manners ko sa kung sino mang kutong lupa na 'to.

"I'm your sweetest baby of all." He said while grinning at me.

"BABY?! Hey mister! You shut the fuck up?! You don't know who you're dealing with so back off before I call the security?!" sinigawan ko siya pero kalma pa rin siya. Nakukuha niya pa talaga akong inisin? Wag ngingiti-ngiti dyan, mukha kang aso!

"Miss, please calm down. Do you know this guy, ma'am?" may lumapit na pala na waiter.

"I. Don't. Know. Who. Is. This. Guy?! Get him out of my sight before I do something evil on him. Fuck!" Nakakainis! I cussed too much this day. Di ko akalain na inuubos ng lalaking 'to ang pasensya ko.

"Sir, you're interrupting the customer. We'll give you another table."

"No. I'm staying with my baby." Nagmamatigas ka talagang lalaki ka uh.

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon