Chapter 9

344 8 0
                                    

Chapter 9

Bad News


LOIS ENDER

After ng matindig balahibong scene namin ni Luke sa locker's room nila, bumalik na ako sa room kung saan natigil ang lahat sa kanilang ginagawa, walang miski isang gustong ibuka ang mga bibig at gustong-gusto kong tumawa dahil sa mga epic faces nila... takot na takot sila.

"It's like all of you seen a ghost?" Tinaasan ko sila ng kilay but instead na bumalik sila sa kanilang ginagawa, yung pinakatahimik na kaklase ko may tinuro sa likod ko.

Anong tinuturo niya? Don't tell me, may di kanais-nais na nilalang sa likod ko?

Mabilis akong humarap at di ko alam na isang malambot at mainit na bagay ang dumampi sa mga labi ko.

Isang halik...

Halik na galing kay manyak. Di pa ba siya nadala sa ginawa ko sa kanya sa locker room? Di na nahiya. Actually, bakit siya mahihiya eh sanay na siyang mangganyan ng mga babae. Kulang na lang mang-rape na siya.

"What was that for? Miss me so much?" pagtataray ko. Kapal ng apog, di porket sinabi ko yun, you can do whatever you want to. Sorry to tell you, there are a lot of limitations.

He smirk at me, "It's a kiss, my lady...." then, a grin formed in his face. Do you want me to drag you to hell?

"Tsk! Whatever." Pumunta na ako sa usual sit ko at sumunod siya. Dito ba klase niya? I can't remember him having in my classes.

Ayan na naman ang mga bubuyog, nagbubulungan na naman. Di ba nila kayang pumasok at mag-aral lang buong araw? Puro chismis lang kasi ang laman ng mga utak.

Sa school na 'to, pera ang nagpapatakbo dito. Kahit bobo, mangyan, tanga, lampa, duwag, may disabilities ka man kapag may pera ka, wala nang patumpik-tumpik pa! Pasok ka na! Pero di si tito ang sakim sa pera kundi ang mga board members ng organization.

Dahil si tito, kung ano ang sweldo niya... yun lang talaga. Walang labis, walang kulang. Saktong-sakto. Nagbabayad pa siya sa tamang taxes uh. He is my one idol in terms of living.

Napansin kong may nakatitig sa akin kaya nung pagtingin ko sa right ko, may isa na namang aso ang nakangiti sa akin. Wala nga dito si Aldrin, siya naman ang pumalit. Ano ba kasing ginagawa ko eh?

"Stop smiling, bulldog." bulong ko sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina.

Umakbay pa ang loko. Kapal ng mukha talaga. So, feeling niya nagtagumpay na siya sa ginagawa niya? Mr Luke, di mo ako mapapaikot sa kamay mo... di mo alam, ikaw ang pinapaikot ko.

He thinks I fell from his trap but then again, he doesn't realize he has fallen in my trap.

Pumasok ang napakagaling kong teacher na si Sir Buendia. Isa pa 'to! Ngiting K9 naman. Siguro napansin niya na magkasama kami ni Luke ngayon. Nginitian ko na lang siya and gave him a look while mouthing, 'mag-uusap tayo mamaya'.

Late na dumating si Aldrin. Bakit pawis siya? Di ko naman siya nakitang nag-tryouts kanina. Ano kayang ginawang kababalaghan nito?

Nung nakalapit na siya sa amin, tinanguan niya lang si Luke then bignigyan niya ako na natatakot siya. I know acting niya lang yun. Siguro alam ang lugar niya sa akin kapag si Lois ako.

After matapos ng klase, nauna na si Luke kasi may IMPORTANT duty pa daw siya. Oo, sobrang importante kaya naka-caps lock pa. All I know, pupunta lang yun sa mga babae niya or sa mga barkada niya para sabihin ang nangyayari sa amin.

Kwento mo lang sa kanila ikaw ang nagtatagumpay.

Na ikaw ang tatabla sa isang Lois Ender.

Na pinapaikot mo na ako sa mga kamay mo.

DowntimeWhere stories live. Discover now