// One

120 2 2
                                    

Note: First chapter ng fanfiction ko sa anime na "Another" pero trust me, baka iba ung Dead One, iba rin ung storyline, at iba rin ung cause ng Death. Basta! Hintayin nalang natin kung magiging magkapareho o magkaiba. Basta, eto na ang first chapter, enjoy.

// One

Ynomari's POV

Bumangon ako sa higaan saka ko hinawakan ang ulo ko. "Ansakit talaga..." sabi ko at humiga ulit ako, hindi mapakali dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Nauntog rin kasi ako ng sobrang lakas kanina sa pintuan kaya talagang sobrang sakit para saakin, Aray aray aray...

"Ayos ka na ba Ynomari?" Tanong saakin ng Lola ko, habang binubuksan ang pintuan at palapit saakin, may hawak hawak na baso ng tubig.

"Konti..." Sagot ko saka bumangon sa higaan. Kinuha ko ang tubig saka ko eto uminom. "Salamat" Pagsasalamat ko kay Lola at humiga ulit ako.

"Ikaw talagang bata ka. Alagaan mo ang sarili mo at mag-ingat ka sa mga accidente" Sabi ni Lola at lumabas na siya ng kwarto ko at sinarado eto.

Ano ba 'iyan... ang sakit talaga ng ulo ko... Hinawakan ko ulit ang ulo ko sa sobrang sakit at hindi ako mapakali sa higaan... 'Ansakit kaya...

*This is me, walking away, from the tears of the past

 Trying to figure out on how to escape

This cold woodland*

Kinuha ko ang cellphone ko , hindi kalayo-layo sa higaan saka ko binasa ang mensahe.

"From 0926 - **** - ****

                      Ynomari, kamusta na! Ako 'eto , si Raphael. Remember? Yung classmate mo last year? Sayang at lumipat ka ng paaralan, may ikekwento sana ako sayo eh. Hahahaha! Ikaw? kamusta ang araw ng pasukan mo? Maayos ba? Maganda ba ang classroom? Kung maayos at maganda ang classroom, Baka mag-transfer ako 'diyan! Hahaha! O siya siya, End Text!

                                                                                                                                      To: 0926 - **** - ****"

Binaba ko ang cellphone ko sa lamesa, tumalikod sa lamesang pinaglagyan ko ng cellphone saka ako bumulong sa sarili... "Oo nga naman, pasukan na pala..." Sabi ko at pinipilit ko parin matulog kahit sobrang sakit na ng ulo ko.

Kristine's POV

"Hindi pa dumadating ung magiging transfer student natin" Sabi ko sakanila. Sakanilang lahat , ung parte ng officers sa klase. Saka, ang pagkakarinig ko, nilagnat ng isang linggo kaya absent at baka daw sa Monday siya papasok. Basta daw, pag-nawala ang sakit neto.

"Dalawin kaya natin siya?" Tanong at pag-aya ni Camille, kasama rin siya sa mga officers at parang siya ang nag-hahandle na mag-sama sama ang lahat at siya rin ang tumitigil sa mga away na nangyayari. Pag meron man nangyaring awayan sa klase.

"Oo nga, dalawin natin" Pag-aya naman ni Keith, Kasama rin sa mga class officers, Vice-president siya sa klase. Ako naman, presidente sa klase.

"Than thats decisioned. Dadalawin natin ung transfer student" Sabi ko , tumayo sa upuan at kinuha ang bag ko. Tumayo narin sila at kinuha narin nila ang bag nila. "Tanungin wuna natin ung homeroom teacher natin o kaya kumuha ng impormasyon kung saan siya nakatira" Sabi naman ni Nadine, isa rin sa mga class officers.

"O sige" Pang-sangayon ko at hinanap namin ang Homeroom Teacher namin (Adviser) at kumuha ng impormasyon kung saan siya nakatira.

Ynomari's POV

"Ynomari, Nandito ung mga kaklase mo para dumalaw" Narinig ko si Lolang tinatawag ako, bumangon agad ako sa higaan at pumunta sa sala. Doon ko rin nakita ang dalawang babae saka isang lalaki galing sa papasukan kong paaralan.

Umupo ako sa isang upuan sa sala saka nagsimula magsalita ung isang babae. "Ako pala si Kristine, presidente ng klase. Eto naman si Camille, Head-of-Discipline ng kaklase. Eto naman si Keith, ang Vice President' Kumakaway sila saakin habang pinagpapakilala sila ni Kristine.

"Ikaw si Ynomari, Hindi ba? Ung magiging transfer student sa klase namin?" Tanong ni Kristine. Para bang, naninigurado.

"Yup, ako nga" Sagot ko saka ngumiti.

"Eto nga pala" Nagsalita si Camille saka binigyan ako ng mga bulaklak na kulay pula. "Salamat" Sabi ko saka ko binaba ang bulaklak sa lamesa.

"Bakit kayo napadalaw?" Tanong ko saka ko inayos ang upo ko. Nakita ko kinalbit ni Camille si Keith saka eto nagsalita. "Dahil nga sa nagkasakit ka ng isang linggo, Ay, Ayaw rin namin walang malaman na edukasyon ang isa naming kaklase kaya eto ang mga notes sa pinagaralan namin sa isang linggo" Sabi niya at binigay niya saakin ang notes.

Tumayo sila saka lumapit saakin. "Basta Ynomari, Accepted ka sa klase namin at sana ay mag-cooperate at maging magkaibigan tayong lahat sa klase" Sabi ni Kristine at nilabas ang kanyang kamay, inaaya akong makipag-shake hands.

"Try kong gawin" Sagot ko saka ako ngumiti at nakipag-shake hands sakanya. Nakita ko si Kristine, na para bang may naalala kaya niya ako tinanong bigla bigla. "Nakita na ba tayo dati?" Tanong niya saakin.

Bumitaw ako sa pagka-hawak niya sa mga kamay ko saka ko mahinahong sinagot na, "Hindi pa siguro, wala ako matandaan" Saka ako tumayo at inaya ko silang mag-stay wuna sa sala at kukunan ko lang sila ng mga biscuits para kumain.

Tumanggi sila at nag-decision na aalis sila. Pero bago sila umalis, nilagay ko sa isang plastic ang mga cookies at sinabi kong para sakanila ang mga eto. Nagpasalamat sila saka sila lumabas ng bahay.

Sinarado ko ang pinto saka ko eto ni-lock. Pumunta ako sa kwarto ko saka ako humiga sa higaan. Tumalikod ako sa pintuan ng kwarto at naka-harap ngyon sa lamesa, kung saan ko iniwan ang cellphone ko kinaumagahan.

Who is Dead?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora