Pagmamahal na walang katapusan(one shot)

93 1 0
                                    

Bakit ba tayo nagmamahal? Para ba may makasama tayo sa ating buhay... para ba masabi na may kasintahan ka.... o para sa lahat ng pinagdadaanan mo, ng lungkot, at saya ay nandun siya... Ano nga ba ang pagmamahal?

Ito nga pala ang istorya ko. Sana basahin niyo ng buo. :) Ako nga pala si Edgar, madaming pinapaibig na babae at hindi ito tumatagal ng isang buwan. Isang 1st yr college sa paaralan ng UST.  Syempre istorya ito ng pagmamahal. Madami na akong nilokong babae simula grade 6 may girlfriend na ako. Lahat ng naging kasintahan ko mas matatanda sa akin pero kahit isa sa kanila wala akong sineryoso. Ang nasa isip ko kasi sa mga oras na iyon ay bata pa ako... madami pa akong makikilalang babae sa mundo. Totoo naman lahat iyon pero sa pagsapit ko ng unang taon ko sa pagiging kolehiyo, nagmahal ako ng tunay. Heto na yung kuwento.

Una kaming nagkita sa simbahan, Sakristan kasi ako at siya ay isang youth ministry sa parokya namin. Nagpatawag ng meeting yung pari sa amin. Alam niyo ba na palagi akong maaga sa mga meeting. Balik tayo sa istorya, nang magdatingan na ang mga tao sa simbahan. Nakita ko siya sa malayo pa lang, hindi naman siya kagandahan ngunit siya nakuha siya ng mga mata ko. Hindi ko muna siya pinansin nun dahil nakikinig ako sa pinaguusapan nun pero nung bigla akong nailang kasi pakiramdam ko na may nakatingin sa akin. Siya pala yung nakatingin.... ang sama ng titig niya sa akin... nakakatakot yung titig niya.... yung titig niya para bang kaaway ka niya... Syempre tinignan ko rin siya tapos ngumiti ako. Di effective yung ngiti ko, nagtaray siya at nakinig na rin siya sa meeting. Pagkatapos ng meeting, palagi kaming nagkakasama dahil sa proyekto na gagawin namin nun. Lumapit na ako sa kanya, nagpakilala ako at nakipagusap. Masaya pala siyang kasama at kaya pala siya nakatingin na parang masama sa akin kasi malabo yung mata niya. Isang araw lang kami nagusap dahil sa mga sumunod na araw naging busy na kami pareho. Nagsisi nga ako na hindi ko nakuha yung number niya eh. Wala pa naman akong gusto sa kanya sa mga oras na ito.

Nagtanong tanong ako sa mga kaibigan ko kung may roon ba silang number niya. Hindi ko inaasahan na mahihingi ko number niya sa ibang tao. Nung una nagaalinlangan akong itext siya dahil kinuha ko lang sa kaibigan niya yung number pero wala naman na akong choice kaya tinext ko na rin siya. Nagtanong siya kung paano ko nakuha number niya at sinabi ko naman yung totoo. Simula nun araw - araw na kaming magkatext. Paminsan nga tinatawagan ko na siya eh. Siguro unti unti na akong nahuhulog sa kanya sa mga oras na ito. Niyaya ko siyang lumabas sa SM Marikina para manuod ng sine. Pumayag naman siya, sa tingin ko sa kanya ordinary day lang yung parang hang - out lang pero pakiramdam ko nun nakikipagdate ako sa kanya. Masaya ako dahil napasaya ko siya. Ang babaw ng kaligayahan ko no... Nakakapagtaka nga eh, hindi ko magawa yung mga ginagawa ko sa ibang babae... Masyadong mataas yung respeto ko sa kanya. Pagkatapos namin manuod ng sine , ilang weeks kami naguusap sa text pero unti unti na akong umiiwas sa kanya. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko eh. So para hindi ko maisip siya, pumunta ako sa mga open party, college party at ibang mga party. Sa lahat ng party na napuntahan ko, madami akong nakasayaw, nakilalang mga babae pero bigla bigla ko nalang tinitigil at napapainom ako sa isang tabi. Iniisip ko kasi siya, "hayyy" <--- yan yung palaging nasa isip ko nun. Naguguluhan talaga ako kasi hindi ko naman siya type, bigla lang gumagaan yung pakiramdam ko sa kanya. Ayoko kasing mainlove pa ng tunay kasi mahirap na at hindi pa ako handa sa ganun pero ano ba ang magagawa ko kung nahulog na ng tuluyan ang puso kong ito.

Pagdating ng summer, nagpaparamdam na ako sa kanya... nagfliflirt na kami sa isa't isa pero para sa kanya for fun lang yon. Medyo nagsinungaling ng a ako nun kasi may isang gabi na sinabi niya sa akin na baka mainlove na daw ako sa kanya.... ang sinabi ko.. hindi ako maiinlove... ang hirap nang ganun. Yung nagpaparamdam ka lang sa kanya tapos para sa kanya wala lang lahat iyon. May isang araw na may nag - yaya sa akin na makipaginuman... wala lang yung inuman for fun lang. HIndi ako kumain nun, dumiretso lang ako sa inuman. Ang bilis kong nalasing nun... apat kaming nagiinuman nun. Yung isa kablock niya, yung isa close friend niya, yung isa kaibigan lang namin lahat. Grabe, yung close friend niya, kinuha niya phone ko pero di ko na namalayan na kinuha niya kasi nakalagay lang naman sa table phone ko palagi kapag umiinom ako. May nabasa siya at dun nagsimula yung mga tanong nila sa akin. Ako pinaginitan kasi bihira lang naman akong magkwento. Dami nilang tanong.... parang ganito.... "sino mahal mo si Y, si N, o si B?" , "kanino ka nagseselos?" , "bakit siya pa kung mas maganda naman si N?".... sa dami nilang tinanong, isa lang ang natandaan ko na sinagot ko... MAGSESERYOSO NA AKO SA BABAENG ITO. pagkatapos nun, bumagsak na ako. umuwe ako ng gumagapang.

Pagkatapos ng inuman na pangyayari, nagulat nalang ako na nalaman niya yung nangyari, hindi lang siya kundi buong barkada niya, barkada ko at mga kablock niya. Kinausap niya ako sa text, tinanong niya ako kung bakit ako nagselos kay ganito, ano nagustuhan ko sa kanya... Grabe, hindi ko talaga alam mga sasagot ko nun pero lahat ng reply ko sa kanya mga katotohanan. Simula nito, naging awkward na relasyon namin, bihira na magusap, bihira ng magkatinginan at nahiya na ako na lumapit sa kanya. Ayaw niya kasi na naiisyu siya at ayoko rin nun. Nung nagsimula yon, humingi na ako ng tulong sa close friend niya. Sabi ng close friend niya , ligawan ko na daw. Sinunod ko naman ang kanyang payo. Nung Valentines Day, pumunta ako sa school niya para sunduin siya. NSTP kasi nila yung araw na iyon. Sa umaga bumili ako ng rosas at tinext ko yung mga kaibigan ko na magkakaroon ng meeting sa house ko pero may plano ako nun. So yun pumunta ako sa school niya. Nag - antay ako sa University Mall at nung alam dismissal na nila. Tinext ko yung block mate niya na pumunta ng mcdo kasi isusurprised ko yung girl. Nung nasa mcdo na sila , pumunta na ako... nakapila sila sa counter. Kaagad akong lumapit... nasa likod lang niya ako. Pagkatalikod niya, nagulat siya sabay bigay ko ng rosas. Mga block mates niya, nakatingin sa akin. Nakakahiya nga eh kasi kinakabahan ako nung mga oras na iyon. Pagdating ng gabi, pumunta na sa bahay ko yung mga kaibigan namin para sa "meeting". Pumunta kami sa taas ng bahay namin. Hinintay ko lumabas yung buwan para iask out ko siya... Natakot ako kasi hindi siya kumikibo.... nabigla siya.... buti nalang nakapansin yung mga kaibigan namin at iniwan kami para magusap kaming dalawa. shhh.... secret na ito.

Pagdaan ng mga ilang araw, nagpaparamdam pa rin ako. Hindi ko na nga alam yung mga effort na gagawin ko eh para lang mapasagot siya. Ang hirap! Ang hirap ng nanliligaw na hindi mo alam yung patutunguhan. Hindi naman ako umaasa pero ito yung unang girl na binigyan ko ng effort, binigay ko oras ko... Eto na yung nasisira na yung friendship namin. Inaamin ko na pagkakamali ko rin kung bakit nasisira yung friendship namin.... Sinakal ko kasi siya, alam mo yung tipong lahat ng lakad gusto ko na alam ko... gusto ko laging may naghahatid sa kanya pauwe... gusto ko lagi ko siyang ihahatid..... Eto na yung panahon na sinabi niya sa akin na tumigil na ako sa panliligaw ko.... hindi ko naman magawa yun. ang hirap pala gawin nun... parang lahat ng panloloko na ginawa ko sa mga niloko ko bumalik sa akin at mas malala pa.... Tumigil na akong magparamdam sa kanya. Tinigilan ko na pero araw araw ko pa rin siyang iniisip.... hindi na mawawala tong pagmamahal na ito.... Dahil para sa akin siya na ang lahat, siya lang ang mamahalin ko ng habang buhay kahit napakadami pang babae sa mundo. Ako nga pala ulit si Edgar,... nagmamahal ng seryoso sa isang babae na hindi naman ako alam...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pagmamahal na walang katapusan(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon