Chapter 4

33 0 0
                                    

KEVIN'S POV
"Bunso! Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba galing? Kasama mo ba yung Gab na yun magdamag?! Anong ginawa niya sa'yo bunso!" nag-aalalang tanong ko sa kapatid ko.

Umiling-iling lang siya. Kaya niyakap ko siya, alam kong mabigat ang pinagdadaanan ng kapatid ko. Naramdaman ko din ang pamamasa ng damit ko, tanda ng kanyang pag-iyak. Inaalo ko lang siya at sinamahan sa kwarto para makapagpahinga na siya. Matapos ko siyang mapatulog sa kwarto niya... tinawagan ko agad si Rod.

"Punta ka dito sa bahay." yun lang at ibinaba ko na. After 30 minutes andito na agad siya at nagtungo kami sa mini bar dito sa bahay.

"Bro what's up? How's Tin? Is she home?" tanong ni Rod sa'kin at saka umupo sa stool na katabi ko sa harap ng counter sa bar.

"Bro she's a mess. I shoud've not interfere with Tin and Gab's situation. I can't afford looking at my sister in her current state! Bakla na kung bakla pero parang, pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak." Sunud sunod kong ininom ang three shots of Tequila.

"Alam mo bro, ganyan talaga yan kapag may gusto kang buksang sugat sa nakaraan. Wala mang naaalala si Tin, alam niya sa sarili niya na may something sa nakaraan niya that cause hurt her to be involve in that damn car accident...." Paliwanag sa'kin ni Rod.

"Healing and moving on entails being hurt. Cause you will only realized that you have healed and move on, if you can't be hurt by the same reason again. Sa sitwasyon nila Gab at Tin, they need to reopen their past, for them to decide what type of healing and moving on they will choose... it's either they will separate ways or be with each other again. And with both of them reopening the past, it will brought both happy and bad memories they've shared before, and in a way the truth can be revealed. Yun lang nga lang sa sitwasyon ni Tin, mas mahihirapan siya kasi may Amnesia siya" Patuloy ni Rod.

"I know, they need it both bro. Kaya nga natin ginawan ng paraan na magtagpo sila di ba?" sulyap ko kay Rod.

"Swerte lang natin na umaayon sa plano natin dahil umaayon ang tadhana. Ang "30 Days with You" na libro ni bunso ang napiling isapelikula at si Gab pa ang bida. Wow di ba? Para ngang wala tayong ginawa di ba. Destiny na ang nagpapalapit sa kanila... Ang akin lang naman hanggang kailan ko makikita na maging ganoon ang kapatid ko bro?"

"Don't worry bro, ikaw na ang may sabi na destiny na ang gumagawa ng paraan para sa kanila. Let's just wait... For now, let's not interfere with their decisions. Let's comfort them, they need us bro." sagot ni Rod tsaka ininom ang Whiskey niya.

Patuloy pa rin kami sa pag-iinuman ng sumagi sa isip ko ang mga pangyayari kahapon.

"Nice to see you SK. How's life treating you? I miss you so much wife" sabi ni Gab kay bunso at agad niya siyang mapusok na hinalikan sa labi.

Pagkatapos ng halik, tinignan ako ng masama ni Gab at sinabing "Thanks for taking care of my wife dude" at sinuntok ako sa mukha. Napaupo ako sa sahig, at hindi ako agad nakatayo..hindi dahil sa masyadong malakas ang pagkakasuntok ni Gab o dahil hindi ko inispect yung suntok. Kundi dahil sa sinabi niya kay bunso...

I miss you so much wife

I miss you so much wife

I miss you so much wife

Hindi kaya siya ang ama ni Khalil?

"T*ngina!"

"Uy bro, what's up? Bakit ka napamura diyan!" sigaw ni Rod na ngayon ko lang napansin na kasama ko pa pala.

"Bro naaalala mo ba ang tinawag ni Gab kahapon kay bunso?"

"Oo naman! SK diba? Yun diba ang..." sagot ni Rod pero di ko na siya pinatapos.

30 Days with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon