Searching for the New York girl of his dreams!

73 3 0
                                    

Naniniwala ka ba dito—iyong sa unang tingin mo pa lang sa kanyang mga mata, mahal mo na siya? Iyong parang naka-jackpot ka sa lotto at napasigaw ng EUREKA! (translation: I’ve found it!). Tingnan natin ang dalawang kuwento. (c) LOVESTRUCK- Copyright © 2010 by Ronald Molmisa

--

A hopelessly romantic story swept  the Internet in 2007. Isang 21-year-old New Yorker, si Patrick Moberg, ang gumawa ng website, www.nygirlofmydreams.com  para matagpuan ang isang mystery girl na nakita niya isang umaga sa New York subway station. Dahil sa napakaraming tao sa lugar, nawala ito sa kanyang paningin. He said in an interview that he was mesmerized by the beauty of the lady who was “wearing blue tights, blue shorts and a fl ower in her hair.” Ilang araw ang nakalipas, lumantad ang isang dalaga—ang 22-year-old Australian magazine intern na si Camille Hayton.

Marami ang nag-abang kung ano ang susunod na kabanata ng kanilang love story na nagsimula noong November 2007. Naging tahimik ang kanilang samahan sa loob ng ilang buwan hanggang sa muling na-interview si Camille noong February 2009. Sinabi nitong wala na silang relasyon ni Patrick simula pa noong July 2008. Dalawang buwan lamang nagtagal ang kanilang relasyon.Ang kinahantungan ng relasyon ni Patrick at Camille ay nagpapatunay na hindi totoo ang LFS. 

Ang malinaw, may Attraction at First Sight (AFS), hindi LFS. Ayon sa kuwento, si Patrick lang  ang nabighani kay Camille. Pinagbigyan lang ni Camille ang pagkakataon pero wala siyang nakitang dahilan para ipagpatuloy ang relasyon dahil hindi sila compatible. In one interview, Camille hinted that Patrick was good at “emailing” but might be lacking in some other areas of communication.

All love starts with a sense of attraction or liking physical, spiritual, intellectual or emotional. Pero hindi lahat ng pagkagusto ay masasabing tunay na pag-ibig. Kailangan muna itong suriin at subukin. Mapapatunayan lamang na tunay ang pag-ibig sa paglipas ng panahon. Like a potted plant, it needs to be watered, cultivated and nurtured para maggrow. Kailangang malampasan din nito ang mga pagsubok para masabing totoo.  He waited for fourteen years for a “Yes” 

If you want a case study of true love, read Genesis Doon mababasa kung paano pinatunayan ni Jacob ang pagmamahal niya kay Raquel. Masasabi kong nagustuhan na ni Jacob si Raquel unang beses pa lang niya itong nakita. Sa sobrang tuwa, naiyak pa siya nang una niyang halikan ang 

dalaga sa pisngi. Normal lang sa mga tao noon na maghalikan bilang pagbati. Pero kakaiba ang halik ni Jacob. May FEELINGS! Nabighani siya kay Raquel kaya sinabi nito na maglilingkod siya sa ama ng babae na si Laban (na kanyang tiyuhin) nang pitong taon, mapangasawa lamang niya ang dalaga. Ang paglilingkod ni Jacob ay katumbas lamang ng ilang araw dahil sa lalim ng pag-ibig niya kay Raquel. Pero nagkaroon ng twist ang love story.

Nang matapos ang pitong taong paglilingkod ni Jacob, nilinlang siya ni Laban. Naghanda si Laban ng isang piging para sa kasal. Pero ang hindi alam ni Jacob, si Lea, ang nakakatandang kapatid ni Raquel, ang pinasiping ni Laban sa kanya. Maliban sa madilim nang una silang magsiping, noong panahong iyon, may piring din sa mukha ang babaeng papakasalan, kaya hindi nakilala ni Jacob ang babaeng pinasiping sa kanya. Nagalit si Jacob sa nangyari. Pinaliwanag ni Laban na, ayon sa kanilang kultura, kailangang maunang mag-asawa ang nakatatandang babae. Kung gustong mapangasawa ni Jacob si Raquel, kailangan daw nitong maglingkod ng pito pang taon. Dito pinatunayan pa ni Jacob ang tibay ng kanyang pagmamahal. Walang reklamong naglingkod muli siya kay Laban at makalipas 

ang 14 na taon (whew!) ay napangasawa niya si Raquel na nagluwal ng kanilang anak na sina Joseph at Benjamin.  Kaya mo bang maghintay ng ganoon katagal para patunayan ang pag-ibig mo sa iyong minamahal? May isang dakilang mensahe ang Jacob-Raquel love story—hindi kayang baguhin ng anumang paghihirap at pagsubok ang tunay na pagibig. Pero kung napa-wow ka na sa kuwento nila, alam mo bang may mas titindi pa diyan?

Tingnan natin sa susunod na kabanata. ABANGAN!!! :-D

Searching for the New York girl of his dreams!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن