Wattpad Original
There are 27 more free parts

CHAPTER 2

1.3M 35.5K 14.8K
                                    

👑

CHAPTER 2

MAAGANG nag-out si Knight sa Café ng araw na 'yon. Iyon ang unang beses na maaga itong umuwi na ikinasiya naman ni SM. Mabuti naman at nakinig na Ito sa kaniya na umuwi ng maaga at nagpahingang mabuti.

Knight had been working In her café for a week now. At isa lang ang masasabi niya, napakasipag nito. Wala itong reklamo sa kung ano man ang trabaho sa Café.

Kahit walang emosyon palagi ang mukha nito, maayos naman itong magtrabaho.

"Mauna na ako, boss." Sabi sa kaniya ni Monet bago sumakay sa Taxi na pinara nito.

"Sige." Nginitian niya si Monet at kumaway dito. "Ingat sa pag-uwi, Monet. Good night."

"Good night din, Boss." Ani Monet bago tuluyang isinara ang pinto ng Taxi.

"Ayos lang ba talaga boss na mauna kaming umuwi?" Tanong ni Juls sa kaniya habang nakasakay ito sa motorsiklo nito at naka-angkas naman si Josh. "Medyo gabi na rin, boss."

Nginitian niya ang dalawa. "Ayos lang ako. Kaya ko ang sarili ko."

"Sige, boss. Ingat."

"Ingat din kayo."

Nang makaalis ang dalawa, napatingin siya sa madilim na kalangitan habang naghihintay ng Taxi na daraan.

Niyakap niya ang sarili dahil sa dilim. Kumuyom ang kamao niya. She already had seen so many therapists to nurse her back to normal but she's still afraid of the dark.

When will she forget what happened to her?

Bumuga siya ng marahas na hininga saka mariing pinikit ang mga mata para pakalmahin ang sarili.

SM counted one to ten while calming herself.

Pilit siyang nag-iisip ng magagandang ala-ala para makatulong para pakalmahin ang sarili niya at sa hindi malamang kadahilanan ay pumasok si Knight sa isip niya.

SM smiled.

She and Knight always dine together these past few days. Mukhang nasasanay na siyang kasama itong kumain at mukhang isa iyon sa masasaya niyang memorya.

Well. He's a good guy. There's nothing wrong with that. Hindi ito ngumingiti sa iba pero palagi itong may ngiti para sa kaniya.

Natigilan siya sa pag-iisip ng makarinig ng busina ng sasakyan. Nang tingnan niya kung sino 'yon, nakahinga siya ng maluwang ng makitang taxi 'yon na walang sakay na pasahero.

Nang bumukas ang passenger seat, nagmamadali siyang sumakay at ibinigay ang address ng bahay niya habang kinakalkal ang shoulder bag niya para sa wallet niya.

"It's late. Uuwi ka pa lang?"

Natigilan siya sa pagkalkal sa bag niya at namimilog ang matang napabaling sa driver ng Taxi.

Umawang ang labi niya ng makilala ang Driver. "K-Knight?"

Knight smiled at her. "Evening, boss."

Napakurap-kurap siya sa lalaki. "A-anong... a— anong... T-Taxi driver ka rin?"

"Yep." Pinausad nito ang Taxi. "I need money so I have to work harder. I'm a Taxi Driver, DJ, Waiter and I even clean gardens." He was smiling happily. "Nagbubuhat din ako ng mga bagahe sa port ng kaibigan ko. It's actually so much fun."

Hindi siya makapaniwalang napatitig sa binata na nagmamaneho. Akala niya mayaman ito. The way he talks, he sounded like a rich man. The way he dressed himself, he seems like a rich man.

POSSESSIVE 21: Knight Velasquez - Up to 50% off for a limited time!Where stories live. Discover now