1

107 0 0
                                    

Sa pagdurusang natamo bago ako maisilang,

Hindi na matatawaran pagmamahal ng magulang,

Pagdadala lamang ng siyam na buwan,

Ay sakripisyong tunay, pagkamit ng kahirapan.

Sa bingit ng kamatayan ako'y iyong ipinaglaban,

Pinilit na mabuhay at mahalin kailanman,

Isang tunay na ina ang nakakagawa lamang,

Na buhay ay itaya para sa anak na minamahal.

Hindi matutumbasamn ang iyong pag aalay,

Kaya maging buhay ko ay maibibigay,

Nararapat na pagmamahal sa iyo'y ipalalasap,

Upang kaligayahan mo ay maging ganap.

Sa sandaling ako'y hirap, ikaw ay tumutulong,

Nilulutas ang problema, binibigyan ng solusyon,

Ukol sa anumang bagay na kaya mong gawin,

Hindi pababayaan na kalungkutan ay kapiling.

Inilatag mo sa akin banig ng iyong pagmamahal,

Kinumutan ako ng proteksiyong iyong bigay,

Tunay na kayamanang aking taglay,

Na para mabuhay ay aking naging gabay.

Walang salita ko ang makapagsasabi,

Pasasalamat na walang hanggan ay di maisatinig,

Ngunit gayunpaman puso ko ay narito,

Upang ipadama ang pagmamahal ko.

Sa inang nararapat na handugan,

Ng pag ibig kong walang hanggan,

Hingi ko ay patawad sa mga kasalanan,

Na aking nagawa at ika'y nasaktan.

Hindi man maipahayag ng aking salita,

Ngunit sa gawa aking ipadarama,

Wagas na pag ibig sa mabuting ina,

Hiling ko na sana, sa akin ay di magsawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal kong InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon