Manhid ka! Sa Maniwala! [tula]

993 28 18
                                    



Kitang-kita sa mga mata mo ang kasinungalingan

Araw-araw ka na lang bang ganyan?

Di ko alam kung ano ang aking kinalalagyan

Dyan sa puso mong manhid-manhiran

Isang araw nga kasama ko ang aking mga kaibigan

Napadaan kami sa iyong harapan

Anong ginawa ko? Ika'y aking tinitigan

Sa mga kilos mo pa lang may pag aalinlangan

Di ko balak na ikay pansinin

dahil alam kong kailan may ika'y di magiging akin

Sabihin man nilang ako'y nagpapapansin

Sa maniwala ka! di ko pinangarap na ika'y akitin

Minsan nga kinausap kita.

Sabi ko mahal na ata kita.

Eeh! anong sagot mo? sorry di pa ko handa.

Ganyan ka na ba dati pa?

Sa bawat oras na naiisip ko yun

Ayaw ko ng magbalik ang araw na yaon.

Dahil sa bato mong puso ako'y tumigil na nagkataon

Maaagnas din to, ilang taon..

Basta't pakisabi sa puso mong bato

Dahil ako'y nalilito..

Tama nga ba ang hinala ko.

Datapwat kahapo'y nakita kitang may kasamang bago..

Sabihin mo ng diretso na ayaw mo sa'kin

Di yong naghahanap ka ng rason para ibahin.

Alam kong kailanma'y pag-ibig mo'y di mumurahin

Dahil pagnagkataon,Promise! ika'y aking bibilhin..

Pero, ano to? ibahin mo ko

Ang akala kong manhid, ba't ngayon naging manloloko?

Diretso kong sinabi sa pag mumukha mo

Upang malaman mo kung ano ka sa buhay ko

Kahit di ko tanggap, iyong pagpapanggap

Akoy nandito lang para umakap

kaya't kung sakaling ika'y di nagtapat

Hangad ko ang iyong palad ika'y aking itatapat

sa babaeng karapat-dapat

Umiyak man ako, di magbabago

Ika'y manhid! ako'y bato

Pareho tayong may tinatago

Mahal ang isa't isa pero di kayang ibaon sa limot

Kaya, pwede bang sa malayuan

Ika'y aking titigan? di ko kasi kayang ika'y layuan

Dahil sa puso't isipan ikaw ang nag-iisang kinababaliwan

Hayaan mo, baka balang araw matutunan din kitang iwasan.

[]

POEMS AND THOUGHTS (originally written by yoola19)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon